Chapter24

53 3 0
                                    

Blake's POV

"Good Morning Babe."

Ang sarap gumising kapag ang una mong makikita ay ang taong mahal mo. Yung feeling na ngingitian ka nya.

"Good Morning Baby, ang ganda naman ng ngiti mo ngayon"

"Syempre naman Babe, ikaw kasi ang nakita ko agad eh" tinawanan ko sya.

"Ang corny mo ngayon ah. Hahahaha"

"Eeeee. Kinikilig ka naman diba?" She giggled. Ang cute talaga ng magiging asawa ko.

"Mahal kita Baby, kaya kinikilig ako" piningot ko yung ilong nya. "Halika dito,payakap ako" humiga sya sa kama tapos niyakap ko sya.

"Dahil ikaw ang nagluto kagabi, ipinagluto kita ng breakfast mo,actually breakfast natin" she chuckled. Ang cute cute talaga ng girlfriend ko.

"Thank you  Baby ah, mahal na mahal talaga kita" hinalikan ko ang noo nya.

"Mahal na Mahal din kita Babe. Wait lang, dito ka lang kukunin ko lang yung pagkain" kumalas na sya sa pagkakayakap ko tapos lumabas.

~~~

"Andito na Babe" ang lapad ng ngiti nya habang hawak hawak yung pagkain namin. "Kain na tayo.. Ay wait lang" hinawakan nya yung noo ko "Mainit ka parin Babe eh, sabi ko naman kasi sayo wag na tayong gumamit ng aircon eh" napaka maalagain talaga tong si Cath.

"Okay nga lang ako Baby, yakap mo nalang ako ng mahigpit para gumaling na ako, dali!" Niyakap nga nya ako ng mahigpit "Ayan! Mamaya gagaling na ako,tara na kain na tayo, susubuan kita dali" isusubo ko na sana sa kanya kaso pinigilan nya.

"Ako na susubo sayo, may sakit ka diba?" Nakakahiya mang aminin pero kinikilig talaga ako. "Sige na, ako na susubo sayo"

Wala na akong nagawa dahil sinubuan nga nya ako hanggang sa maubos ko yung pagkain. Ang sarap din kasi ng niluto nya eh. Nakakaganang kumain.

~~~

After naming kumain, baba sana ako kasi tatawagan ko si Ynna hindi ko sya nasabihan kagabi na hindi ako makakauwi eh yung phone ko nasa kotse ko. Pag-tayo ko bigla akong nahilo, kaya napahawak ako sa ulo ko tapos umupo ulit sa kama, siguro napansin yun ni Cath kaya bigla syang lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba Babe? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo? Dadalhin na ba kita sa hospital?" Nag-aalala nyang sabi.

"Baby,okay lang ako, medyo nahilo lang, tyaka parang hindi ko kayang tumayo"

"Ha? Bakit? Ahmm.. Dadalhin na kaya kita sa Hospital?"

"Baby, OA na, kaya ko pa naman eh, promise hilo lang to" maypagka OA din itong Girlfriend ko eh.

"Sorry naman, baka kasi kung anong mangyari sayo. Bakit ka ba tumayo? May kailangan ka ba?"

"Yung phone ko sana kukunin ko sa car ko, tatawagan ko lang si Ynna kung okay lang sya, Ah... Baby pwede pakuha naman ng phone ko oh, Salamat" nginitian ko sya, tapos piningot nya ilong ko.

"Sige na nga, hintayin mo nalang ako dito, wait lang" umalis na sya. Buti talaga nauutusan ko tong si Cath eh. Napakamasunuring bata/Girlfriend.

~~~

Ang tagal naman ni Cath, eh nasa kotse ko lang naman yun ah. Saglit nga at pupuntahan ko nalang sya.

Nasa may hagdanan na ako ng bigla akong mahilo kay bigla akong umupo para hindi ako matumba, tyaka sobrang lamig, nilalamig ako kaya niyakap ko nalang ang sarili ko at yumuko. After non wala na akong nakita, lahat naging black kaya pinikit ko nalang ang mata ko. Last kong naramdaman ay parang may umangat ng ulo ko tapos niyakap ako dahil nanginginig ako.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon