Chapter 16:

66 3 0
                                    

Hay, may pasok nanaman. Balik sa reyalidad nanaman ang buhay ko. Itong mga nakaraang araw nakakaramdam nanaman ako ng mabilis kong pagkapagod,palibhasa kasi hindi ko nanaman iniinom ang gamot ko,tinatamad narin kasi ako,wala namang patutunguhan to, hindi din naman ako gagaling kaya bakit ko pa ipipilit ang sarili kong uminom ng gamot,mamamatay lang din naman ako.

"Ate Alex?.. Tulala ka nanaman po, may problema po ba?" Si Xander hindi pa nya alam ang tungkol sa sakit ko ayaw ko kasing mag-alala sya, masyado pa syang bata para malaman ang ganitong bagay. "Ate Alex, ayan ka nanaman po, natulala ka ulit."

"Ha? Ah.. Wala Xander, bakit ka nga pala nandito?" Ngumiti sya, tapos biglang may nagsalita sa likuran nya,boses ng isang familiar na lalaki.

"Hi,Baby. Good Morning Baby,I Miss you.ready ka na for school? Ihahatid pa natin tong si Xander sa School nya eh. Nagpapahatid"

"Ahm, Yeah, Lets Go. Baka malate pa tayo" Ngumiti ako sa kanilang dalawa na para bang walang problemang dinadala,ayaw ko ipahalata sa kanila na unti-unti na akong nahihirapan.

~~~

Pagkapasok namin ng gate ng Western High hinawakan ni Ivan ang kamay ko bibitaw pa sana ako kaso mahigpit ang pagkalahawak nya sa kamay ko,yumuko nalang ako habang naglalakad kami papunta sa classroom.

"Hey, wag kang yuyuko kapag kasama mo akong naglalakad," he holds my chin at iniaangat nya ito"Nahihiya kabang kasama mo ako baby? Or kinakahiya mo ako sa kanila?" Then nag pout sya, Shemsss, ang labi nyang mapupula nakakatukso.

"No, hindi kita kinakahiya, its just that ayaw kong pinagtitinginan tayo lalo na ako ng mga tao kasi hawak hawak mo ang kamay ko."

"Bakit? Maganda ka, mayaman, mabait at sikat ka rin naman dito sa school so bakit ka naman mahihiya?" Pinisil nya ang pisngi ko"Basta palagi mong iisipin na bagay tayo at karapatdapat ka para sa akin at ganon din ako sayo, okay baby? Wag na wag kang yuyuko kapag kasama ako ha,"

I grin tapos nagpatuloy lang kami sa paglalakad, hindi na rin ako yumuko kasi tama naman talaga si Ivan na dapat kong isipin na karapatdapat ako sa kanya at ganon din sya sa akin, iba talaga si Ivan sa mga nakilala kong mga lalaki parang lahat alam nya at napakataas ng Confidence nya na kung titingnan mo sya parang wala sya piniproblema o kaya naman hindi sya nasasaktan. Masaya ako na nakilala ko sya.

~~~

Lunch break na. Nandito kami ngayon sa cafeteria,gutom na gutom ako ang boring kasi kanina sa classroom, halos mangalahati na yung sketchbook ko kakadrawing kanina, si Ivan naman ginagalaw-galawa nya lang ang buhok ko.

"Baby patingin nga ng sketchbook mo, tingnan ko lang yung mga na drawing mo please." HashtagPout. Nag pout nanaman sya,ginagamit nya nanaman yang mapanukso nyang labi." Please baby, please.."

"Sige na nga," Iniabot ko sa kanya yung sketchbook ko, wala namang sekreto doon sa mga drawing ko, kung ano lang gusto kong iguhit ginuguhit ko, kadalasan puro nature lang naman, may family din,si Mitch nandun din at si Thirdy,ginuhit ko rin yung sarili ko doon tapos yung kanina si Ivan yung ginuhit---" Wait, babe akin na yang Sketchbook ko," pilit kong kinukuha sa kanya yung sketchbook ko kasi baka sabihin nya obsessed ako sa kanya,at na drawing ko sya ng half-naked,tutusokhin nanaman nya ako.

"Bakit baby? May tinatago ka ba sa akin?" Tawa lang sya ng tawa habang kinukuha ko sa pagkakahawak nya yung sketchbook ko." Baby, ang dami mo namang na drawing na mukha ko,mahal na mahal mo talaga ako no, tyaka pati abs ko oh nandito, half-naked ako dito oh, yieee pinagnanasaan nya yung abs ko, wag kang mag-alala baby, sayong sayo lang tong abs ko hindi ko ipapahawak sa iba, sayo lang" tumawa nanaman sya ng malakas,ang lakas talaga mantrip nito nanakabaliw.

"Akin na nga yan,pinagtritripan mo nanaman ako eh, I Hate You." Naiinis kong sabi sa kanya, pero ngumiti lang sya at hinawakan nya ang pisngi ko at pinisil.

"I Love You Too." Hinalikan nya ang noo ko. Napansin ko nanaman ang mga taong nagtinginan nanaman sa amin, yumuko nalang ako para hindi ko sila makita.

"Hey, diba sabi ko sayo,wag kang yuyuko lalo na pagkasama mo ako, yumuko ka nanaman baby, kinakahiya mo talaga siguro ako."

"Pinagtitinginan na kasi-----" hindi nya na pinatapos ang sasabihin ko at hinalikan nya ako sa ilong.

"Hayaan mo lang sila,wag kang mahihiya, basta mahal natin ang isa't-isa walang makakapagpahiwalay sa atin, you understand?"Tumango ako sa kanya at ngumiti,"Thats my girl."

After ng lunch break dumiretso na kami sa room namin para sa afternoon classes,kahit na tinatamad ako ay pinilit ko paring makinig sa teacher namin, ang weird nga lang ng topic about sa Love.

"How about you Mr. Santos how do you define Love?" Nagulat kami ni Ivan sa tanong ni Miss. Pero tumayo sya at taas noong sumagot.

"For Me, Love Is Weird." Nagulat ako sa sagot nya, ano daw Weird ang Love?

"Oh, for you Mr. Santos Love is Weird, then explain to us Why Love is Weird?"

"Weird kasi bigla-bigla nalang dumadating, bigla-bigla nalang nararamdaman, sometimes there are case na okay na ang lahat, okay na ang relationship nyo pero biglang dadating ang mga epal sa love story nyo sisirain nila yung story na halos nasagitna na kayo ng storya nyo. Kung minsan naman isa sa inyo ang mamatay akala nyo habang buhay na kayong magkasama hindi pa pala, kukunin din pala sya sayo. Hindi po ba weird yon?"

Nagpalakpakan ang mga Classmate namin pag-upo nya pati narin si Miss mukhang napahanga nya sa sagot nya,kahit ako gulat na gulat sa lahat ng sinabi nya, akalain mo yun lalaki sya pero ang sagot nya ganun.

"Well mukhang na in love na si Mr. Santos kaya nya nasabi ang mga ganong bagay, well may point si Mr. Santos."

"Wow babe, ikaw ba talaga yan? Baka hindi ikaw yan ah?" Hinawakan ko ang balikat nya at tiningnan sya sa mata pero ngumiti lang sa sa akin. Ang Weird nya rin paminsan minsan. "Ako to baby, your one and only." Ngumiti ulit sya at piningot yung ilong ko.

"How about you Miss Reyes, how do you define Love?"

Ako? Omo. Wala akong alam,Shemsss. Bakit ba ako naisipan ni Miss na tawagin eh wala akong kaalam alam dito. Pero tumayo parin ako at sinagot si Miss.

"Well for me po Love Is  My Happiness?" Patanong ko pang sagot hindi ko kasi sure ang sagot ko. Wala talaga  akong alam dito.

"Oh,Well explain to the Class kung bakit mo nasabi na ang Love ay Happiness." Nakangiting sabi ni Miss. Lagot talaga ako nito. Hinawakan naman ni Ivan ang kamay ko, hay thanks God nandito si Ivan.

"Ahm. Nasabi ko pong Love Is My Happiness, kasi... hanggat may Love kang nararamdaman kahit gaano kabigat ng problema ang pinagdadaanan natin basta may pagmamahal na natitira ay magiging masaya parin tayo,magpapakatatag tayo dahil may mga mahal tayo sa buhay. Sometimes may mga sitwasyon na kahit masakit para sayo na iwan sya, layuan sya o ipagtabuyan mo sya basta sa huli ay ikabubuti nya at ikakasaya nya kahit masakit sa atin gagawin natin para sa taong mahal natin,kasi pag naging Happy sya Happy na rin tayo. May sitwasyon din na maspipiliin natin magparaya kasi masaya na ang mahal natin sa buhay at kung masaya ang taong mahal natin masaya narin tayo!" Umupo ako agad pagkatapos kung sabihin iyon, naguguluhan ako sa sinagot ko, alam kong magulo ang sagot ko, ngumiti naman si Miss sa akin.

"Very Well Said Miss Reyes, thank you for sharing you're thoughts today, okay class see you tomorrow, Good Bye."

"Hooo. Kinabahan ako doon ah. Akala ko hindi na ako makakasagot" hinahawakan ko ang dibdib ko kasi pagkinakabahan ako ay nahihirapan akong huminga.

"Okay ka lang baby? Masakit ba dibdib mo?" Tiningnan ako ni Ivan ng nag-aalala ayaw kong malaman nya ang sakit ko ng ganito ka aga kaya itatago ko lang muna.

"Ha? Ah wala Babe, kinabahan lang talaga ako, tara na uwi na tayo"

"Ako nga rin eh kinabahan din ako hindi ko din naman kasi inaasahan na tatawagin nya tayo. Tara na nga uwi na tayo." 

Dumiretso na kami ni Ivan sa kotse nya. Tahimik lang kami buong byahe, tinitingnan lang nya ako paminsan-minsan tapos ngingiti.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon