6:00am palang ay nagising na ako, excited kasi ako sa mangyayari ngayon. Hinihintay ko nalang si Thirdy kung anong plano nya, wala talaga kasi akong kaalam-alam dito, sanay kasi akong babae ang gumagawa sa akin ng mga ganito yun bang babae ang nanliligaw sayo.
"Bro!.. Oh ayan ah saktong 6:07am dumating na ako,mas maaga pa sa 7:00am sharp mo. Teka nga ano ba tong naisip mo ha? Si Blake Ivan Santos mag-aayos ng date? Wow. Iba talaga ang tama mo kay Alexine no?"
"Well hindi mo ako masisisi,maganda,sexy,maputi,mabait,cute,malambing at marami pang ibang katangiang taglay si Cath, tyaka tulungan mo nalang kaya ako no?" Ngumisi lang sya, tapos patuloy na naglakad.
"Alam mo Bro hindi ko parin ma imagine na ang isang Blake Ivan Santos ay gagawa ng mga ganito tapos magiging Corny pa. Ang lakas ng tama mo kay Alex bro,pero hindi rin nga naman kita masisisi katulad nga ng sinabi mo, maganda,mabait, at malambing si Alex hindi talaga Ako magtataka kung magkakaganyan ka dahil sa kanya. Basta nandito lang ako lagi bro."
Ay,humugot si Bespren ngayon. Anong nakain nito."Thanks Bro,bestfriend talaga kita. So tara na?" Niyaya ko na syang pumunta sa place kung saan magse-set kami ng surprise date para kay Cath.
~~~
Pagkadating namin ay biglang napa Wow si Thirdy sa nakita nya, manghang-mangha sya sa place na to. Sa lugar na napili ko.
"Bro,grabe ang ganda dito. Paano mo nalaman ang lugar na to?" Tuwang-tuwa sya sa mga nakita nya.
"Nagtanong-tanong ako kagabi kung saan ang pinaka magandang lugar dito sa Bagio." Maganda dito. Perfect para sa mga gusto mag-date, tahimik,maaliwalas,maganda ang view,medyo madamo ng onti pero makikita mo ang mga magagandang bundok, at makikita mo ang mga napakandang bituwin lalo na kapag marami sila. Napakagandang tingnan.
"Swerte ni Cath sayo Bro. Hindi ko akalain na magbabago ka dahil kay Cath. Iba ka talaga." Napangiti nalang kamin dalawa sa sinabi nya,at nagpatuloy sa pag pre-prepare para mamayang gabi. This is going to be a Memorable one. Ang pagkakaalam ni Cath pangit ang boses ko,talagang pinapangit ko iyon nahihiya kasi ako sa kanya. Hindi nya lang alam na may banda ako ngayon. "Bro? Nakikinig ka ba?" Biglang nabalik ako sa kasalukuyan.
"Ah.Ha? Sorry bro may naalala lang ako, ano nga yun ulit? Paki ulit bro."
"Aish. Sige na nga. Ganito ang gagawin natin Bro, dito natin ilalagay ang table nyo sa gilid ng isang malaking puno tapos maglalagay tayo ng mga ilaw then...." Grabeh talaga tong si Thirdy sanay na sanay sa ganito, sya kasi yung tipo ng lalaki na sobrang matiyaga at sobrang ma effort. Ginagawa nya ang lahat para lang mapasagot nya ang mga babaeng nililigawan nya tyaka dalawa palang ang nagiging girlfriend nya si Ellaine at si Mitch. Oo sila na ni Mitch nung nakaraang araw lang.
Tinawagan ko muna si Xander para pag hinanap ako ni Cath ay alam na nya ang gagawin nya.
("Hello Kuya Blake?..")
("Xander! Pwede ba akong humingi ng favor sayo?")
("Sure Kuya Blake, ano po yun?")
("May hinanda kasi akong special date para kay Cath,eh baka hanapin nya ako, kaya pwede bang ikaw na muna ang bahala. Pagtakpan mo muna ako sa Ate mo Xander. Isama mo na din si Ynna nag-eenjoy yun kapag magkasama sila. Ok lang ba Xander?")
("Sure Kuya. No Problem. Ako na po bahala,basta galingan mo ah. Para maging official na kayo.") HangUp.
Hay iba talaga tong si Xander halatang botong-boto sa akin. Ang sarap sa feeling,na nararamdaman mo ng maabot ang goal mo.
Naisip ko lang yung Stages ng Relationship: Una Attraction: Napagdaanan ko na yan,na attract ako kay Cath nung nakita ko sya sa parking lot, na attract ako sa makinis nyang kutis at mukha, mapupulang labi, mapupungay na mga mata,mahahabang pilik mata. Yun nga lang hindi ganun ka ganda ang unang pagkikita namin. Pangalawa Friendship: Napagdaanan ko na rin naging mag-kaibigan kami dahil kay Dennise,alam kong hindi pa tapos ang issue na yun pero dahil doon naging mag kaibigan kami ni Cath at mas lalo ko syang nakilala. Pangatlo Courtship: okay na rin ako jan. Pangapat Going Steady: Sana yan na yung makukuha ko ngayong gabi, maging steady at official na ang Status namin ni Cath...
"Bro, Ok na ang lahat,sige na mag ready ka na at mag bihis, mag pabango ka ng todo ah."
"Oo na bro. Pero Bro thank you talaga ah. Hindi ko alam kung mangyayari kung wala ka. Thank you talaga." Nag-aakma akong yakapin sya pero hinarang nya ito at pinigilan ako.
"Bro di tayo talo. May Mitch na ako. May Cath ka na rin." Tumawa sya ng malakas
Binatukan ko sya."Ulol. Nagpapasalamat lang ako dahil parati kang nandyan para sa akin,sa lahat ng pangangailangan ko nandyan ka parati. Yun lang yun no. Hindi talaga tayo talo Bro."
Excited na talaga ako para mamaya,tyaka namiss ko na sya halos ilang oras ko din syang hindi nakita.
BINABASA MO ANG
When Death And Love Embrace
Dla nastolatkówSi Alexine Catherine Reyes ay isang Mayaman,Matalino,Maganda pero Simple. Hindi nya akalain na makikilala nya ang Supladong Gwapo na si Blake Ivan Santos isan napaka gwapong hearthrob sa Eastern High University. Si Alexine ay takot magmahal, nasakta...