Enrollment nanaman ilang araw nalang balik reyalidad nanaman kami. Andito ako mgayon sa school kasi nga enrollment na for second semester si Ivan pinauna ko na kanina eh late na kasi ako nagising kanina kaya pinauna ko na kasi nga mahaba ang pila para isa man lang sa amin mauna. Yung una ayaw nyang pumayag kasi daw dapat daw sabay kami, eh nung sinabi ko sa kanya na pag hindi sya sumunod ay walang sleep over sa bahay, ayon sumunod na sya, pag hindi nya natulog sa bahay wala sya kiss sa akin. Hahahahaha joke lang.
"Oh, look who's here?" Boses palang nya ay alam na alam ko na kung sino, si Dennise. Iba ang aura nya ngayon parang may masamang mangyayari ngayon ah. Hinahawakan nya ngayon ang buhok na parang anytime ay pwede nya akong sabunutan o kaya naman ay saktan.
"Bitawan mo yung buhok ko" Gigil kong sabi,pero hindi nya ako tinigilan. Ivan san ka na ba?! Nagsisi tuloy akong pinauna kita. Ugh.
"Don't worry Baby, wala akong virus na nakakahawa, ikaw nga ang may virus dito eh, Malanding Mang-aagaw!!" Talagang diniin nya yung word na 'Baby','Ikaw','Malanding Mang-aagaw'. Halatang inis na inis na sya. Alam ko na ang issue dito about nanaman ito kay Ivan.
"Malanding Mang-aagaw? You know what hindi ko kasalanang Hindi na bumalik si Ivan sayo, at lalong hindi ko kasalanan na pinili nya ako over you, bitter ka pa kasi kaya ka ganyan!" Nagulat ako ng bigla nya akong sampalin"How dare you to do that to me? Wala kang karapatang sampalin ako! Alam mo,kaya ka iniwan ni Ivan kasi dyan sa ugali mo, try mong magbago baka mahalin ka nya ulit!" Pang-iinis ko sa kanya tapos ngumisi pa ako sa kanya kaya mas lalo syang nagalit.
"At anong karapatan mong husgahan ako ha? Palibhasa Umekstra ka kasi sa Love Story namin." Hinawakan nya ang mukha ko ng gigil na gigil "Girls, hawakan nyo!" Agad naman akong hinawakan ng dalawa nyang mga kaibigan I mean alalay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin kaya hindi ako makaalis.
"Ang lahat ng kwento may katapusan, sorry nga lang kasi ang ending nag story nyo walang Happy Ending." Bigla nyang tinaaa ang kamay nya para sana akong sampalin. "Anong gagawin mo ha? Bitter ka parin tala----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong pinagsasasampal ni Dennise, wala akong magawa kasi nakahawak parin yung mga alalay nya sa akin. Sinabutan nya ako tapos pinagsasasampal ng malalakas, alam kong madami ng tao nakatingin sa amin pero kahit isa hindi man lang sila pinigilan o kaya naman hindi man lang nila ako tinulungan, kinakatakutan kasi si Dennise sa buong campus kaya walang ni isang nag try para pigilan sila.
"Akin lang si Blake Alexine! Akin lang! Tandaan mo yan!"
"Sayo? Eh bakit nandito sa nya sa akin kung sayo lang sya? Sa tingin mo yang ginagawa mo sino sa atin ang Malanding Mang-aagaw ha? Hindi ako takot sa sayo Dennise, akin si Ivan! Tapos na kayo tanggapin mo n--" hindi nanaman nya ako pinatapos at at tinulak nya na ako kaya napahiga ako kaya sumakay sya sa akin at pinagsasasampal nanaman ako.
May nalalasahan na akong dugo alam kong dumudugo na ang labi ko,nahihilo na rin ako, gusto ko ng matapos to. Gosh, ganito na sya kadisperada para awayin ako dahil kay Ivan? Totoo naman ang sinabi ko kanina na hindi ko na kasalan na hindi na sya Mahal ni Ivan, kasi lahat ng tao marunong mag move on. Halata namang naka move on na si Ivan sa kanya talagang hindi lang talaga nya matanggap na tapos na sila ni Ivan. Pero hindi naman tama na saktan nya ako ng ganito dahil lang nasa akin na si Ivan kasi in the first place wala akong kasalanan dito nag mahal lang talaga ako,hindi ako yung nang-iwan. Hindi ko intensyon na makasakit, at lalong hindi ko intensyon na masaktan sya.
Nagulat ako ng wala ng kamay na sumasampal sa akin, ang tanging nakita ko nalang ay ang mukha ng taong mahal ko na pinag-awayan namin at ang pinaka paborito ko sa lahat ang green nyang mga mata pero malabo na ang paningin ko dahil sa hilo at after non everything went black.
BINABASA MO ANG
When Death And Love Embrace
Teen FictionSi Alexine Catherine Reyes ay isang Mayaman,Matalino,Maganda pero Simple. Hindi nya akalain na makikilala nya ang Supladong Gwapo na si Blake Ivan Santos isan napaka gwapong hearthrob sa Eastern High University. Si Alexine ay takot magmahal, nasakta...