Chapter 23:

59 3 0
                                    

Yun na nga,hindi talaga ako masyadong nag-enjoy kakaisip sa mga nangyari, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi isipin lahat. Napagpasyahan ko na umuwi nalang sa bahay, hindi ko rin naman kasi gusto ang gumala gusto ko sa  bahay nalang.

~~~

Pagkarating namin sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko tapos ni-lock ko ang pinto, hindi ko din pinapasok si Ivan sa Room ko,gusto kong mapag-isa ngayon. Nalilito na talaga ako, kanina pa advance ang mga naiisip ko, naiisip ko na ang mangyayari kapag nag break kami. Pano nalang kapag nag break kami, kakayanin ko kaya? Babalik nanaman kaya ako s dati na halos wala ng kinakausap dahil hindi ko matanggap na wala na kami ng Ex Boyfriend ko. Nasa bahay lang ako palagi, tinatamad akong mag-aral dahil kasi nakikita ko sya sa Classroom.

"Baby?.." Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Ivan. "Baby, I'm Sorry, wag ka ng magtampo oh, sorry na"

Sorry din Ivan,pero wag muna ngayon gusto ko talagang mapag-isa, ayoko muna ng makakaistorbo sa akin. Hindi muna kita papapasukin ngayon.

"Sige, Baby kung ayaw mo pa akong makausap ngayon, bibigyan nalang muna kita ng time,hanggat sa maging ready ka nang kausapin ako, bye Baby I Love You"

Sorry talaga Ivan. Matutulog nalang muna ako ngayon para wala talagang istorbo sa akin,para payapa ako ngayon.

~~~

Nagising ako dahil sa gutom hindi kasi ako nakapag lunch eh, pagkatingin ko sa orasan ay 9:30pm na, late na pala.

Bumaba ako para maghanap ng pagkain kasi talagang nagugutom talaga ako. Pagkababa ko dumiretso agad ako sa kusina,pero bago pa man ako maka habang pa ulit ay nakita ko si Ivan na natutulog sa sofa. Aish. Ang kulit bakit ba sya natulog dito, tapos sa sofa pa talaga sya natulog eh pwede naman sa kwarto ni Xander eh.

Dahan-dahan akong naglakad papunt sa kusina para hindi na sya magising. Pagkabukas ko ng ref puro cake and ice cream lang ang pwede kong kainin ng madalian,may mga pagkain din naman dito iba pero kasi magluluto pa ako eh,kinuha ko nalang yung cake. "Fvck!" Nagulat ako ng makita ko si Ivan sa gilid ko.

"Sorry na kasi Baby." Tiningnan nya ang dala kong cake. "Oh? Ayan lang ang kakainin mo? Hindi ka na nga nag lunch tapos yan pakakainin mo?" Binawi nya sa akin yung dala kong cake. "Umupo ka nalang dyan ako na bahala sa kakainin mo"

"Ako na! Okay lang naman ako sa Cake eh, hayaan mo nalang ako!" Seryoso kong sabi sa kanya.

"Alam mo first time kitang nakitang ganito ko kung mag react, may dalaw ka ba ngayon?" Naiinis na talaga ako sa kanya,ang dami nyang alam.

"Meron? Wala no! Akin na nga yang cake,nagugutom na ako eh" naiinis kong sabi sa kanya.

"Hindi nga cake ang kakainin mo! Ang kulit mo! Ako na nga kasing bahala" binalik nya na sa ref yung cake na hawak ko kanina. "Pumunta ka na muna sa kwarto mo,ako na maghahatid sayo nito"

Wala na akong nagawa kundi ang sundin nalang sya, baka humaba pa ang gulo. Actually tama sya,ngayon lang din ako naging ganito,nabadtrip kasi ako bigla eh. Naghintay ako hanggang sa maluto yung pagkain ko.

"Ito na pagkain mo Baby oh" inabot nya sa akin yung hawak nyang plato "Kumain ka na dyan,doon muna ako sa sala"

"Hindi mo ako sasabayang kumain?"

"Hindi na baka mabadtrip ka pa lalo sa akin,sige na kumain ka na dyan" tapos tuluyan na syang umalis.

~~~

After kong kumain pumunta muna ako sa sala para tingnan sya kung ano ang ginagawa nya. Pagkadating ko sa CR nakita ko sya na nakahiga sa Sala na natutulog. Hinawakan ko yung Noo nya n sobrang init,para syang nilalagnat, I meandf nilalagnat na nga sya. Siguro naramdaman nya na hawak ko ang Noo nya kaya bigla nyang minulat ang mata nya.

"Tapos ka ng kumain? Saglit lang kukunan lang kita ng tubig" aakma na syang tumayo pero pinigilan ko na sya.

"Hindi na! Nakainom na ako ng tubig, nilalagnat ka,ikaw ba uminom ka ba ng gamot?"

"Okay lang ako hindi ko na kailangan ng gamot,okay lang talaga ako"

"Mauna ka na sa kwarto ko kukunan nalang kita ng gamot at tubig" aalis na san ako para kunan sya ng tubig pero hinawakan nya ang kamay ko para pigilan.

"Sabay na tayo,tyaka wag ka ng kumuha ng gamot sabay nalang tayong matulog,magiging okay din ako." Tumango nalang ako sa kanya tapos umakyat na papunta ng kwarto ko.

Pagkapasok namin ng kwarto papatayin ko sana ang aircon kasi baka lamagin sya.

"Anong ginagawa mo?"

"Papatayin yung aircon kasi baka masyadong malamig para sayo" hinila nya ako papunta sa kanya at niyakap.

"Pano ka? Alam kong hindi ka sanay na walang aircon,yakapin mo nalang ako magiging okay na ko" humiga na kami ni Ivan sa kama tapos niyakap nya ako patalikod.

"Sorry Babe ha, hindi ko naman alam na nilalagnat ka pinahirapan pa kita"

"Okay lang yun Baby, kasalanan ko rin naman. Tara na matulog na tayo,inaantok na talaga ako"

"Sige, good night Babe I Love You"

"Good Night Baby I LoveYou Too." Hinayaan ko lang syang yakapin ako hanggang sa makatulog sya.

Hindi ko man lang napansin kanin na nilalagnat pala sya kanina,kaya pala ang tamlay nya kanina,pero dahil sa pagtatampo ko hindi ko yon napansin.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon