Chapter12: La Presa (Part2)

59 4 0
                                    

Bumalik na kami ng Hotel bandang 5:00 pm na ng hapon, may mga activities daw kaming gagawin ngayon eh. Grabe nakakapagod ngayong araw, pero si Cath parang hindi napagod tawa pa ng tawa.

"Ivan, si Ynna saan?"

"Nasa room nila Mommy."

"Ay, napagod ba sya?"

"Buti pa si Ynna tinatanong mo kung napagod eh ako hindi mo man lang tinanong. Nakakapagtampo na Cath" buti pa kasi si Ynna. Nakita ko syang tumawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko. "Oh bakit ka natatawa ha?"

"Sungit naman ng Baby Ivan ko. Wag ka ng magtampo, ok sige tatanungin kita, napagod ba ang baby ko?"

Hindi ko mapigilang ngumit, pag dating talaga sa kanya iba talaga ang impact nya sa akin.

"Hmm. Napipilitan ka lang siguro, kaya mo ko tinanong.*pout*" Na gulat ako ng bigla nya akong Hinalikan sa ilong. "Oh ayan? Napipilitan pa ba ako nyan?"

"Hmm.Hindi na, I Love You Cath."

"Ehem.Ehem. Ang daming langgam no Ynna?"

"Oo nga po kuya Xander eh."

Si Xander at si Ynna narinig siguro nila yung pag-uusap namin ni Cath, aasarin nanaman nila kami, kikiligin nanaman ako nito. Kinikilig kasi ako kapag tinukso ako o inaasar kay Cath. Parang hindi ako lalaki no?

"Kayo talagang dalawa, ang babata nyo pa ha. Langgam Langgam kayo jan."

"Hahaha. Totoo naman ate Alex ah, I mean ate Cath."

"Naku Ynna wag mong tatawagin na Ate Cath si Ate Alex kasi si Kuya Blake lang ang dapat tumawag sa kanya non."

"Ah. Kaya pala Ivan ang tawag ni Ate Cath ay I mean Ate Alex pala,kay Kuya, eh ayaw ni Kuya na Ivan ang tawag sa kanya eh. Si ate Alex lang pala ang tumatawag non sa kanya"

"Sige na tama na. Tara na baka hinahanap na tayo!"

~~~

Pagkatapos naming kumain ay nag pahinga muna ako sa room ko, hindi na ako pumunta at sumali dun sa activities nila.Mag-isa lang ako ngayon sa room ko habang pinagmamasdan ang magandang bwan. Dati nung bata pa ako naalala ko dati na parating nagkwakwento si Mommy Jieeyanne about sa mga love story especially love story nila ni Daddy kahit paulit-ulit nag-eenjoy akong makinig kasi pag na i'imagine ko yung kwento nya ay para bang napaka saya nilang dalawa they both in love with each other. Kaya nga wish ko din na magkaroon ng love story na ganun at wish ko din na si Cath na ang katuparan ng wish kong yun. Bigla nalang bumukas yung pintuan ng room ko at nakita ko ang anino ng isang babae.

"Ivan?.. Pwede ba akong pumasok?"

"Sure Cath. Pasok ka." Just wow, ang sexy ni Cath ngayon, maikling shorts at t-shirt (pambahay mode)

"Ivan? What's with the look? Baka matunaw ako."

"You are so Hot baby." Bigla nyang hinampas ang braso ko tapos tumawa. May pagka Amazona din tong si Cath.

"You must be kidding Ivan."

"No I'm not. Totoo kaya ang sinasabi ko no." Hinampas nya ulit ako. Ay ayaw nya talaganga maniwala.

"Baby nakakadalawa ka na ha. Hahalikan kita pag di ka tumigil." Tumahimik sya bigla then nakita kong parang pinipigilan nyang tumawa, may nakakatawa ba sa sinbi ko. "May nakakatawa ba baby?" Pero hindi sya nagsalita "Okay pwede ka ng magsalita"

"Haaay. Wala naman naalala ko lang yung una mo akong hinalikan."

"Kinilig ka ba nun Baby? Bawal mag sinungaling ah!"

"Hindi ah. Naalala ko lang eh."

"Okay,Sige Sige. Sabi mo eh. I Love You Cath." Then hinalikan ko sya sa noo."Cath may tanong ako sayo."

"Ano yun Ivan?"

"Ako ba first kiss mo Cath?" Bigla syang namula at para bang nahihiya sya. "Oh Nevermind Cath wag mo ng sagu----"

"Yes. Ikaw." Wow. Ako nga ang first kiss nya. Kung kanina namumula sya ngayong mas pumula sya lalo tapos yumuko sya.

"Hey. Wag kang mahiya okay lang yun magiging Boyfriend mo rin naman ako diba? Pero promise mo ako lang dapat hahalik jan. Okay?"

"Promise po. Boss"

"No. I'm not the boss. Ikaw ang boss ko."

Natahimik kaming dalawa nakaupo kami ngayon sa terrace ng hotel na nakaharap sa bwan.

"Baby. Inaantok ka na ba?"

"Yes Ivan. Pagod kasi ako eh. Si Ynna kasi ang saya kasama kaya kanina hindi ako nakaramdam ng pagod ngayon lang. Mabilis kasi ako makaramdam ng pagod. Sorry."

"No. It's Okay lang baby, sige hatid na kita sa room m---"

"Dito lang muna ako please."

"Okay baby" Hinayaan ko nalang sya makatulog sa balikat ko. Hinalikan ko muna yung noo nya bago sya nakatulog na ng tuluyan.

Binuhat ko sya papunta sa room nya, ihiniga ko sya ng dahan-dahan sa kama nya para hindi na sya magising at maistorbo pa. Nag stay muna ako sa room nya ng ilang minuto tinitigan ko lang sya sa mga oras na yun, napaka swerte ko na nakilala ko sya. Sana akin nalang sya FOREVER.

Pag ka balik ko sa room ko ay tinawagan ko si Thirdy.

"Bro, pwede mo ba akong tulungan, punta ka dito bukas ng umaga 7:00am Sharp."

"Wait Bro. Bakit?"

"Kailangan kita. Maghahanda tayo ng surprise date para sa amin ni Cath bukas ok."

"Yieee. Okay Bro No Problem, 7:00am sharp."

Last day na namin bukas kaya kailangan naman naming mag date ni Cath. Dapat maging memorable bukas ang date namin.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon