Alexine's POV
Anong nangyari kay Ivan? Iniwan ko lang sya para kunin ang phone nya sa car nya tapos pagkabalik ko nasa hagdanan na sya na parang nawalan ng malay. Tinawag ko si Xander at Ate Kate para tulungan ako, sabi naman ni Ate Kate hindi naman ganon kalala ang sakit nya, sobrang taas lang ng lagnat nya.
Natagalan lang naman ako kasi binuksan ko yung phone nya, wala rin naman kasing password eh,nakita kong may 8Missed Calls at 21 messages. Yung pinaka una ay ang nakalagay ay:
From: Dennise
Hi Babe, kamusta ka naman ngayon Babe? Hindi na kita nakikita ah, I Miss You I Love You Babe My Boyfriend. Buti ako pinili mo kesa don sa haliparot na Alexine na yon.Ayan, yang ang tinagal ko, nakakainis kasi. Pati kay Ivan na gali din ako,nakakainis kasi hindi ny naman sinabi sa akin na sila na pala ni Dennise edi sana hindi na ako nagpapakatanga dito,hindi na ako umaasa na mahal nya pala ako. Pati yung haliparot na yon,napaka landi nya. Sh*t sya, lagot sa akin yon pagnakita ko.
"Baby?.." Nagulat ako ng magsalita si Ivan. Kailangan kong maging cold sa kanya ngayon,nakakainis sya.
"Ano? May kailangan ka ba?" Walang gana kong sabi sa kanya.
"Ah.. Wala naman Baby, halika muna dito payakap naman ako sayo Baby" malambing nya namang sabi.
"May gagawin pa ako, kung wala kang kailangan aalis na ako,tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka" aalis na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko.
"May problema ba Baby?" Mahina nyang tanong sa akin.
"Meron Ivan, meron!"
"Ivan?.. Teka anong problema bakit parang ang tindi ng galit mo sa akin? Wala naman akong ginawang masama ah, inutusan lang naman kitang kunin ang phone ko ah,tapos ganyan ka na mag react?"
"Yun nga eh!! Buti nalang inutusan mo kong kunin yang phone mo, at least nalaman ko na kayo na pala ulit ni Dennise---"
"What?.." Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin.
"Alam ko na Ivan maypa Babe Babe pa kayong nalalaman? Ang landi nyo, ang Landi Mo!!"
"Ganyan ka kadaling maniwala? Ha Alexine?! Ganyan ka kababaw?!"
"Kababaw? Fvck. Sinabi na ni Dennise na Thank you ha, kasi ako ang pinili mo over don sa haliparot na si Alexine. Sige nga Ivan sabihin mo nga sa akin bakit mo ginawa sa akin to?!" Pasigaw kong sabi sa kanya, sakit ng lalamunan ko don ah.
"Ang alin Catherine? Hindi ko alam yang sinasabi mo!" Ngayon sumisigaw na rin sya.
"Alam mo Ivan,kung gusto mo talagang mag kabalikan kayo ni Dennise sana sinabi mo nalang agad. Oh baka naman ginamit mo lang ako para pagselosin si Dennise para balikan ka? Alam mo napaka walang hiya mo!!" Pinunasan ko ang luha ko.
"Yan ba gusto mo? Sige! Ginamit lang kita Catherine para magkabalikan kami ni Dennise!! Oh ayan sa akin na mismo nagaling yan! Masaya k na ba ha? Alexine?"
"I Hate You!!"
Umalis na ako ng room ko,hindi ko kayang marinig pa ang mga sasabihin nya sa akin, Alexine na ang tawag nya sa akin kaya talagang galit na galit sya. Hindi na rin ako umasang susundan nya pa ako kasi sa kanya na din galing na hindi sya susunod sa babae dahil tinalikuran nya na ako.
Ang sakit isipin na sa kanya pa mismo nangaling lahat, oo alam kong gusto ko rin namang marinig ko yon mismo sa kanya kasi baka kung anong trip lang ng malanding yon. Nakakainis, dapat hindi din siguro ako nagreact ng ganon. Pero wala nangyari na eh. Bahala na.
BINABASA MO ANG
When Death And Love Embrace
Teen FictionSi Alexine Catherine Reyes ay isang Mayaman,Matalino,Maganda pero Simple. Hindi nya akalain na makikilala nya ang Supladong Gwapo na si Blake Ivan Santos isan napaka gwapong hearthrob sa Eastern High University. Si Alexine ay takot magmahal, nasakta...