Nagising ako dahil may tumatawag sa akin. Sino nanaman kaya ito. Istorbo naman, tyaka number lang.
("Hello? Sino to?")
("Hi baby!")
("Baby? Blake?")
("Alam na alam mo talaga baby")
("Duh. Ikaw lang naman kasi ang taong alam ko na tinatawag ako na Baby")
("Haha. Just kidding baby.")
Hindi na ako nag reply sa kanya nakakainis kasi sigurado akong pagtritripan lang ako nun.
~~~
Pagkarating ko sa school nakita ko ang kotse ni Blake na naka park na pero yung katabi nya ay may space at ang nakalagay ay RESERVE PARA KAY ALEXINE CATHERINE REYES LANG ITO. Ano nanaman to? Isa nanaman sa mga trip nya, pero thank you na din hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng space.
Pag pasok ko sa classroom nandun na sya at ang lapad ng ngiti nya ha. Parang napakaganda ng gising nya at hindi sya ngayon badtrip.
'Hi Kit, pinark mo ba yung kotse mo sa tabi ng kotse ko?"
"Obvious ba? Pero salamat ah."
"Ito naman ikaw na nga ang inisip ko eh. Maging nice ka naman sa akin baby"
"Baby mo mukha mo! Tyaka Nice? Wow. Pano ako magiging nice sayo kung ganyan ang ugali mo?"
Hindi na sya sumagot pa,sa halip ay tumahimik nalang sya, wala naman akong ginawang masama eh nag pa salamat naman ako.
*Nag Bell*
Yes, salamat naman at nag bell na gutom na gutom na ako eh. Kaya dali dali akong tumakbo papuntang canteen para kumain, ng biglang meron akong nakabangga at grabe ang ganda nya.
"What the Fvck? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo?"
Patay ang sungit naman nya.
"Sorry hindi ko sinasadya,"tinulungan ko syang pulutin yung mga gamit nya pero tinulak nya ako.
"Don't touch that. Gamit ko yan wag mong hawakan baka madumihan. Yuck."
"Grabe ka naman, tutulungan na nga kita kasalanan ko naman eh"
"Sabing wag na eh. Bobo ka ba?" Tinulak ulit nya ako pero mas malakas pa kaya napaupo ako sa sahig, nakita kong marami na ang nakatingin sa amin, gusto ko ng umiyak kasi pinagtatawanan na ako.
"Yan bagay yan sayo! Tingnan mo oh sikat ka na, magpasalamat ka sa -----"
"Dennise! What are you doing?"
"What Blake? Do You Know Her?"
"Yes I know her---"
"Oh she's your classmate right?"
"No, she's my GIRLFRIEND. You have no right to hurt her or else ako ang makakalaban mo!"
"What? Girlfriend mo? You must be joking right Blake?"
"No I'm not. I'm serious!"
Ano daw Girlfriend nya ako? Kelan ko ba sya sinagot parang wala naman akong matandaan na sinagot ko sya ah, kaya ba nya ako tinatawag na baby dahil kami na. Aish. Ang gulo.
"No, nag bibiro ka lang."
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta wag na wag mo syang gagalawin Dennise kundi malalagot ka sa akin!"
"Mas pipiliin mo sya kesa sa akin? How dare you? Tandaan mo tong babae ka hindi pa tayo tapos!"
"Sabi ko wag mo syang gagalawin"
Nagkatingin pa sila ni Dennise ng masama bago ako tulungan ni Blake na makatayo. Dinala nya ako papunta sa football field.
"Wag ka ng umiyak Kit, ano ba kasi ang nangyari?"
"Nung nag bell nag madali akong pumunta sa canteen kasi gutom na gutom na ako pero bigla ko syang nabangga akala ko naman mabait sya hindi pala. Teka bakit mo alam ang pangalan nya, kilala mo ba sya?"
"Yes. She is my Ex Girlfriend"
"What? Kaya pala mas tumindi lalo yung galit nya ng makita ka"
"Hindi, ganun na talaga sya iba sya kung gumanti kaya mag-iingat ka. Pero wag kang mag-alala takot sa akin yun lalo na at sinabi ko sa kanya na Girl----"
"Oo nga pala bat mo sinabi sa kanya na Girlfriend mo ako?"
"Para tigilan ka na nya, gaya nga ng sabi ko iba sya kung gumati kaya kelangan parati tayong magkasama."
"Ha? Kakayanin kaya natin mag-sama ng matagal?"
"Kit, kakayanin natin para sayo din naman to eh, kung wala ako baka saktan ka nya"
"Para sa akin ba talaga, o baka gusto mo lang magkabalikan kayo ni Dennise"
"Wala na yun Kit tyaka PIP po."
"Tss.Past is Past? Duh. Hindi mo masabi yan Blake,baka bukas makalawa mag-bago na ang isip mong tulungan ako at iiwanan mo nalang ako bigla,"
"Hindi mangyayari yun Kit. Andito lang ako"
Aba may soft side din pala sya akala ko puro topak lang ang alam nya.
"Ok,sabi mo eh"
"Kaya ngayon dapat parati tayong mag kasama"
"Blake?..."
"Ano yun Kit?"
"Mag-wo'work kaya itong gagawin natin?"
"Alam mo Kit, the only thing that won't work kapag hindi natin i-try, kung mahuhulog tayo sa isa't-isa ok lang parte na yan ng story na sisimulan natin, wala namang mawawala kapag sinubukan natin diba?"
Naisip ko din na baka sa gagawin namin na to baka ma develop din yung feelings namin. Pero tama sya walang mawawala kung susubukan namin, kaya nga pumayag ako eh.
"May point ka!"
"Tara na hatid na kita sa inyo"
"Ha? Pero dalo mo kotse mo,dala ko din kotse ko, wag na Blake kaya ko na to"
"Kit, diba sabi ko sayo dapat parati tayong mag-kasama, hayaan mo na si Thirdy na ang bahala doon"
"Sure ka?"
"Oo tara na, hatid na kita sa inyo."
Hinatid ako ni Blake sa bahay, syempre kotse ko ang ginamit. Hanggang ngayon takot parin ako dito sa gagawin namin kasi baka mas magalit lang sa akin si Dennise.
BINABASA MO ANG
When Death And Love Embrace
Teen FictionSi Alexine Catherine Reyes ay isang Mayaman,Matalino,Maganda pero Simple. Hindi nya akalain na makikilala nya ang Supladong Gwapo na si Blake Ivan Santos isan napaka gwapong hearthrob sa Eastern High University. Si Alexine ay takot magmahal, nasakta...