Andito ako ngayon sa falls kung saan kami naligo noon ni Ivan. Isang araw palang kami hindi nagkikita ni Ivan pero parang feeling ko isang linggo na. Hindi na rin sya nagtetext sa akin,hindi ko na rin sya nagpaparamdam. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ganon lang sya kabilis sumuko tapos ang lakas din ng loob nyang sabihing sa akin na sila na nga ni Dennise. Hindi man lang nya naisip na masasaktan ako sa ginawa nya? Hindi man lang nya naisip ang feeling ko.
Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman kong may taong paparating, nakita ko si Ivan na papunta dito magso-sorry na kaya sya sa akin,magiging okay na kaya kami babalik na kay kami sa dati?
Pero nagkamali pala ako kasi ng makita nya ako bigla syang tumalikod kaya tumayo agad ako para habulin sya. Alam kong kasalan ko to kaya ako din dapat ang mag-aayos nito.
"Ivan.." Tinawag ko sya pero hindi sya lumingon kaya nilakasan ko pa ang boses ko "Ivan!!.." Pero wala talaga,hindi talaga sya lumingon "Ivan!!!..." Tinodo ko na, sumakit na ang lalamunan ko pero patuloy parin sya sa paglalakad at hindi man lang lumingon.
Biglang umulan, pero dahil sa broken hearted ako hindi ako umalis sa kinakatayuan ko, hinayaan ko lang na mabasa ako ng ulan kasi umaasa parin akong babalik si Ivan para sa akin.
"Kung sa tingnin mo hindi na sya babalik wag mo ng pilitin masasaktan ka lang"
Nagulat ako ng may lalaking nakatayo sa gilid ko na may hawak na payong. Pano nya nalaman ang lugar na to? Eh sa pagkakaalam ko si Thirdy at Ivan lang ang nakakaalam nito.
"Kung nagtataka ka kung bakit ako nandito, nalaman ko ang lugar na to kahapon may nakasalubong akong kotse kahapon na sobrang bilis ng pagpapatakbo nya kaya sinundan ko sya. Tapos bumaba sya dito, sigaw sya ng sigaw "Ikaw din naman kasi! Alam mong ayaw ko ng mga babae na tinatalikuran ako at lalong ayaw kong naghahabol! Pero tinalikuran mo pa rin ako! Mahal na Mahal kaya kita!!" Yan ang sinigaw nya dito akala ko nga baliw sya eh, pero nong binaggit nya ang isang pangalan na "Kung Ayaw mo na sa akin Alexine Catherine Reyes, siguro hahayaan nalang kita" nang makita kong umiiyak sya nakita kong talagang nasaktan sya.
"Umiiyak sya?" Naguguluhan ako sa lahat ng sinabi nya.
"Oo umiiyak sya, teka ikaw siguro si Alexine Catherine Reyes no?"
"Ako nga" mahina kong sagot sa kanya. "Pero ngayon hindi na sya lumilingon, kasi sya din naman eh"
"Bakit ano ba talaga ang nangyari? Pero kung ayaw mong sabihin okay lang, by the way I'm Ivan Patrick Castillo"
"Okay, well Ivan yun nga nalaman kong nagkabalikan na sila ng Ex Girlfriend nya, na para bang ginamit nya lang ako,para magkabalikan sila ng Ex nya"
"Yun lang?" Nagtataka nyang tanong sa akin.
"Yun lang? He-llo? Ikaw kaya gamitin? Baliw ka ba?"
"Oo nga, pero napakinggan mo na ba ang side nya? Sigurado ka bang totoo yon? Baka naman sinabi nya lang yon dahil nakukulitan na sya sayo"
Oo nga no? Bakit nga ba hindi ko naisip yon? Nakakinis. Dapat sana inisip ko muna ang side nya. Sa sobrang galit ko nakalimutan ko na yung side nya at mararamdaman nya.
"Wala na rin naman akong magagawa eh, hindi nya na ako kinakausap,hindi na rin sya nagpaparamdam,hindi nga sya lumingon kanina eh. Pero okay din siguro to kasi magkakahiwalay din naman kami"
"Pano mo naman nasabing maghihiwalay din kayo?" Nagtatakang tanong nya.
"Kasi.. Kasi.. Kasi may sakit ako sa puso,mamatay din naman ako kung walang magdo-donate ng heart sa akin,kaya ok na din tong naghiwalay kami ng maaga"
"Yan ang mahirap sa inyong mga babae eh pinangungunahan nyo ang mangyayari,bakit hindi nyo i-try na makiayon sa nangyayari. Hanggat nabubuhay ka kung gusto mo talaga syang makasama hanggat nabubuhay ka gawin mo lahat para makuha mo sya ulit" mahabang sabi nya.
"Eh paano nga?.."
"Aba ewan ko! Basta tutulungan kita!" Sabi nya.
"Talaga? Salamat ah!" Niyakap ko sya bigla ng sobrang higpit.
"Oo na, bitaw na, nasasakal na ako!"
"Promise mo yan ah!"
"Oo na, tara na uwi na tayo!" Pagyaya nya sa akin.
"Mamaya na ako uuwi, sige na umuwi ka na baka hinahanap ka na ng girlfriend mo!"
"Girlftiend? Wala akong girlfriend no, crush lanh" he giggled, ang cute nya tingnan.
"Ang cute mo,kinikilig ka oh,sige na uwi ka na!"
"Sige bye Lex!" Tapos tuluyan na syang umalis.
Bigla nanaman akong napaisip. Mahal ko si Ivan kaso nga hindi ko alam ang gagawin ko para pansinin nya ako ulit. Hindi ko din maisip kung ano ba dapat ang una kong gagawin. Ano ba ang nangyayari sa akin. Nababaliw na ako kakaisip.
BINABASA MO ANG
When Death And Love Embrace
Teen FictionSi Alexine Catherine Reyes ay isang Mayaman,Matalino,Maganda pero Simple. Hindi nya akalain na makikilala nya ang Supladong Gwapo na si Blake Ivan Santos isan napaka gwapong hearthrob sa Eastern High University. Si Alexine ay takot magmahal, nasakta...