Chapter 18:

69 2 0
                                    

After kong makapagbanlaw ay pumunta ako sa kusina para kumain kaya naabutan ko doon di Xander na umiinom ng tubig.

"Xander? Ang Mommy saan?"

"Ate nasa kwarto na po nila. May pinag-uusapan sila ni Daddy eh"

"Ganun ba? Sige puntahan ko nalang sila. Kumain ka na ba?"

"Opo ate kumain na po ako,ikaw po ba,kumain na?"

"Hindi pa eh, paki sabi naman kay Manang na kakain ako, please, thank you Xander"

"Aish. Sige na nga,"

Ngumiti lang ako kay Xander tapos umakyat na,pupuntahan ko kasi si Mommy ngayon may ibibigay daw sya sa akin eh. Pero bago ko pa mabuksan ang kwarto nina Mommy narinig kong biglang tumaas ang boses ni Mommy.

"Sabihin mo na kasi ang totoo sa kanya, hanggat tinatago natin to sa kanya mas lalo natin syang sinasaktan!!" Ano? Sinong masasaktan? Anong sinasabi ni Mommy?

"Matagal na yun! Nakalimutan na nga natin ang tungkol sa aksidente diba? Bakit pa natin ibabalik ang mga pangyayari eh kahit sya wala syang matandaan!!" Aksidente? Sino ang tinutukoy ni Daddy?"Tyaka isa pa, walang issue dito ang akdidente, okay na silang dalawa ngayon, wag na nating sirain pa! Pinatawad na ng pamilya nya tayo,okay na nga tayong lahat diba?!"

"Malalaman nya rin ang lahat ng to, at sa huli baka masira pa ang pagsasama nila!! Hahayaan mo bang masaktan sya?!"

Kumatok nalang ako ng wala na akong marinig na usapab nila, tumahimik na sila.

"Dad?..Mom?.. Tinatawag nyo daw po ako kanina sabi ni Manang kasi may ibibigay daw po kayo."

"Ah.. Hi Baby Girl kanina ka pa ba dyan?" Gulat na tanong ni Mommy. Anoba kasi ang pinag-uusapan nila.

"Hindi po,kakadating ko lang po ano po pala ang ibibigay mo Mom?" Nagsinungaling nanaman ako. Ayaw kong sabihin sa kanila agad aalamin ko muna yon ng pasikreto bago itanong sa kanila at i-confirm kung totoo ang nalaman ko.

"Mamaya ko na ibibigay Baby Girl,kumain ka na ba?"

"Hindi pa po Mom. After this po bababa na po ako para kumain,kayo po kumain na po ba kayo Mom?.. Dad?.."

"Yes Kit-Kat kasabay namin si Xander at ang Ate Kate mo. Wala ka kasi kanina kaya nauna na kami, sige na kumain ka na dun."

Tumango nalang ako at nag faint smile sa kanila. Parang gusto kong malaman yung pinag-uusapan nila kanina, ano yung Aksidenteng sinasabi ni Daddy at Mommy. Tyaka sinong okay na. Aish. Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko. Kaya after kong kumain ay tinawagan ko si Ivan para samahan akong mag shopping. Idadaan ko na nalang to sa pamamasyal at pag sho'shopping, iwas stress. Jk.

~~~

"Baby..? May problema ka ba? Hindi mauubos yang pagkain mo kung titingnan mo lang yan" Nag faint smile ako sa kanya, hindi kasi mawala sa isip ko yung sinabi nina Mom and Dad kanina.

"Sorry Babe, busog pa kasi ako eh tyaka bago tayo magkita ngayon kumain muna ako sa bahay."

"Grin." Binigyan ko syang nag natatakang expression." I said Grin!" Pag-ulit nya. Ngumiti ako sa kanya, faint smile nga lang."Sabi ko na eh,anong problema?"

"Ha?.." Ganun na ba kahalata na may iniisip ako, actually hindi naman sya problema eh.

"Oh c'mon Baby. Alexine Catherine Reyes, hindi mo maitatago yang problema mo,kitang kita ko dyan sa mga pilit mong pag-ngiti na may problema,lalong lalo na kitang kita jan sa golden brown mong mata na may problema. Kay wag mong susubukang maglihim sa akin kasi hindi ka magaling magtago Baby. Alam mong hindi ka magtatagumpay Baby."

"Buong pangalan ko talaga? So galit ka na nyan?" Kasi diba sabi nya tatawagin lang namin ang isa't-isa ng pangalan kapag galit na kami.

"Medyo, may tinatago ka na sa akin!" Sasabihin ko nalang sa kanya yung iniisip ko baka magalit pa ito lalo kapag di ko sinabi.

"Babe,sorry. Kasi kanina narinig ko si Mom and Dad may pinag-uusapan sila,'bout dun sa Aksidente, about sa dalawang tao, na hindi ko alam kung sino at lalong hindi ko alam kung ano!" Binigyan nya lang ako ng nagtatakang expression at ngumiti, habang hinahawakan ang mga kamay ko."Oh? Bakit ka naman nakangiti dyan?"

"Wala, kasi napakaliit na bagay yang piniproblema mo,baka labas ka doon sa issue na yon kaya hayaan mo nalang ang Mommy at Daddy mo doon. Kaya na nila yon, trust me"

"Ang akin lang kasi----" hindi nya na ako pinatapos pa ng salita.

"Ssshhh. Hayaan mo na nga, kung kasali ka doon sa issue na yon edi sana may natatandaan kang aksidente,or something diba? Kaya wag mo ng isipin pa yon, okay Baby?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya, hinalikan nya naman ang noo ko. Nagpahatid na ako sa bahay kasi malapit na mag 8:00pm baka hanapin na ako nina Daddy hindi kasi ako nag-paalam kanina.

Tama si Ivan hindi ko dapat isipin yon kasi labas siguro ako sa issue na yon kasi wala naman akong natatandaan na aksidente sa buhay ko. Kaya wala talaga akong kinalaman doon sa issue na yon. Hindi ko na yon iisipin.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon