Chapter 8.2: Adam, the Nagger Gay

483 45 5
                                    

Adam

NAPAINAT ako ng kamay ko nang makalabas na ang prof naming may kaedaran na. Masyadong nilubos ang introduction at talagang kinuwento ang buong talambuhay niya sa amin. Halos ang one and a half hour na time niya ay naubos lang doon, mapapahikab ka na lang talaga dahil bukod pa doon masyado ring mahinihin ang boses niya. Iyong boses na parang hinihila ang mata mo na pumikit. Sa totoo lang, may mga ganito talaga na prof kahit pa sa sabihing nasa public or private ka.

Pagkatapos makalabas ni Ma'am, atat na atat naman na nagsipag-ayos ng gamit ang mga kaklase ko. Hindi nagtagal ay isa-isa na silang lumabas ng room dahil lunch break na namin, may isang oras kaming bakante bago ang afternoon classes.

Nilingon ko si Damien at nakita ko siyang nakasubsob sa desk niya. Iilan na lang kasi kaming natira sa room at nagtataka ako bakit hindi pa siya kumikilos sa upuan niya. Iyon naman pala, nakasubsob ang ulo baka hindi narinig si Ma'am na nagpaalam.

Saglit ko siyang pinagmasdan hanggang sa mapansin kong nakapikit siya. Hala, nakatulog na ata ng tuluyan 'to. Dahan-dahan ko siyang kinalabit pero wala pa ring tugon kaya tuluyan ko na siyang inalog sa balikat.

"Damien, Damien!" Alog ko. Maya-maya naman gumalaw na siya at dahan-dahang inangat ang mukha.

"Goodness, i slept." Anya sabay hikab. Nang kalaunan ay maang niya akong tinanong. "Tapos na class?"

Saglit pa akong natuliro dahil bigla siyang nagtagalog. First time ko pa lang ata narinig. "Ay sorry, nagulat ako bigla ka kasing nagtagalog, oo nga pala sabi mo kanina marunong ka. Anyways, tapos na ang klase. Let's go grab some lunch." Aya ko sa kanya saka tumayo. Kanina pa naman kasi nakaayos ang gamit ko habang nagkekwento pa lang si Ma'am. Konting retouch lang, keri na. Ganda na ulit.

"Oh great, let's go!" Tayo ni Damien sabay bitbit sa balikat ng backpack niya. Tumango naman ako at sabay naming tinahak ang daan papuntang canteen.

Pagkarating namin sa canteen, halos wala na kaming bakanteng table na makita dahil sa dami ng tao. Good thing na may ni-reserve si Nikki na upuan para sa amin dalawa ni Damien kaya hindi kami nawalan ng pwesto. Mas maaga kasi silang dinismissed kaysa sa amin kaya ayon, dalawa silang naghintay ni Lucianda sa canteen. Nanatili akong nakatayo ganoon rin si Damien, since kaming dalawa ang bibili ng pagkain.

"Hi!" Kaway ni Damien sa dalawa pero mas nagtagal ang mata niya kay Lucianda sabay kumunot ang noo niya, tila may inaalala. Hindi ko na lang gaanong pinagtuonan ng pansin dahil baka may namumukhaan lang siya kay Bruha kaya ganoon.

Tumango naman si Lucianda at ngumiti nang tipid bago iniba ang tingin.

"Hello!" kaway ni Nikki pabalik. "Ako iyong kanina, remember me? I'm Nikki." Pagpapacute niya pa kahit hindi naman bagay. Talagang kinirap-kirap niya pa ang mata niya na 'kala mo baby na nagb-beautiful eyes.

"Buti naman, nag-reserved ka ng dalawang upuan." Komento ko kay Nikki sabay padabog na nilapag ang bag ko sa upuan. Nang maagaw ko ang pansin niya palayo sa soon-to-be-boyfriend ko ay binigyan ko siya ng nagbabantang tingin, pero mukhang iba ang napick-up niya.

"Oy, libre mo ko diba?" Tanong niya
bigla habang wagas kung makangiti, talagang 'di nakalimot.

"Oo na, oo na. Itong babaeng 'to basta libre. Ano ba kakainin niyo?" Inip na tanong ko sa dalawa.

"Kahit ano na lang sa amin basta masustansya." Sagot ni Nikki habang nakatingin kay Damien. Aba, ang harot! Sarap dukutin ng mata at talagang aagawan pa ako. "Kasama dapat drinks diyan ah, thank you very much."

Nang sa tingin kong wala na akong makukuhang ibang sagot mula kay Lucianda ay inaya ko na si Damien papunta doon sa nagbebenta ng mga pagkain. Laking tuwa ko lang dahil halos ang mga paborito kong homemade food ay binebenta dito gaya na lang ng menudo at adobo kaya dali-dali akong bumili ng tatlong order non. Tapos tatlong order rin ng kanin. Sinamahan ko na rin ng pakbet, dahil mahilig sa gulay iyong si Lucianda hindi ko lang alam kay Nikki. Si Damien naman bumili ng beef steak saka pork barbecue. Mukhang hindi niya type ang mga veggies but rather he's into meats.

Pagdating naman sa drink, bumili lang ako ng tatlong Coca-cola tapos kay Lucianda naman iyong Royal na drink, iyong kulay orange. Kapag kasi nagkakasakit ako before, isa ito sa mga pinapainom sa akin ni Mama 'di ko lang sure kung anong reason.

Matapos naming magbayad ay tinulungan ako ni Damien saka noong isang tindera bitbitin ang mga tray. Bitbit ang tatlong tray ay tinahak namin ang daan pabalik ng table. Doon, naabutan ko na si Lucianda na nakasandal sa upuan habang hinihilot ang ulo. Umayos lang siya ng upo nang makita na kami.

"Ba't naman ang dami mong binili?" Reklamo ni Lucianda nang mailapag iyong mga tray sa table. Umalis naman agad ang tindera pagkatapos mahatid. Ako naman isa-isang inabot ang mga pagkain na para sa kanila. "Masyado ka naman kung gumastos, baka mamaya hindi iyan maubos tas masaya-"

"HEPHEP!" Preno ko sa iba niya pang sasabihin. Jusko, napakatipid talaga ng babaeng ito. Maysakit na nga, nagagawa pa ring magreklamo eh pagkain naman namin ang binili ko.

"Huwag ka na magreklamo d'yan, sakto lang iyan dahil marami tayo. Isa pa, favorite ko ito kaya walang masasayang diyan. Iyong pakbet kainin mo, favorite mo 'yan diba?" Saad ko pa na ikinailing na lang niya, tila dismayado pa rin. Haysh! Bahala siya diyan. Problema ko pa ba 'yan siya na nga itong nililibre eh, buti pa si Nikki hindi nagrereklamo.

Speaking of Nikki, napalingon ako sa direksyon niya at napatango na lang. Kaya naman pala ang tahimik, nauna ng kumain ni hindi man lang kami hinintay.

Maya-maya kumain na rin kami nila Damien. Tahimik lang kami pero nang banda sa kalagitnaan ay nagsalita si Damien. "It was you, the girl from earlier right? You looked familiar to me then i realized it was you who helped me a while ago." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Sinong tinutukoy nito?

Tumingin ako kung saan siya nakatingin at doon pala kay Lucianda. Teka, anong earlier? Anong mayroon?

"hmm." Tugon lang ni Lucianda tila walang pakialam.

"Anong mayroon? bakit parang pamilyar ka sa kanya?" Lingon ko pabalik kay Damien.

"Oo nga, nagkita na kayo?" Segunda ni Nikki. "Ikaw bestfriend ah, hindi ka nagkukwento." Pakunwaring tampo pa nito sa katabi.

"Yeah, She's the one who helped earlier when i got lost. Napunta kasi ako sa building nila. Luckily i bumped into her and i said i got lost, don't know where BM building is then she instructed me the way." Nakangiting paliwanag pa ni Damien habang nakatitig pa rin kay bruha. Goodness me, may hindi ako magandang pakiramdam rito. Why is he looking at her like that? As if She's the only person he can see. Excuse me, Damien nandito pa ako.

Imposible! Unang araw pa lang hindi pwedeng nagkagusto siya agad. Hindi totoo ang love at first sight! Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang umaga. Hindi! Hindi ako papayag!

"By the way, i haven't catch your name yet. My name is Damien." Introduce niya sabay baba ng hawak-hawak niyang kutsara para i-extend ang arms niya kay Lucianda, asking for a handshake. "Sorry for not recognizing you right away. I really had a hard time recalling people that is why." Hinging paumanhin niya pa sabay kamot sa batok gamit ang libre niyang kamay. Hindi nakatakas sa mapanuring mata ko ang pamumula ng buong mukha niya. Tisoy kasi siya tulad ko kaya bulag na lang talaga ang hindi makapansin. Kahit si Nikki alam kong napansin iyon dahil napanguso ito habang salitan na tinitingnan sina Damien at Lucianda.

Tahimik lang kami ni Nikki sa upuan namin habang nag-aabang sa susunod ng mangyayari. Pinagmasdan ko si Bruha, nakatingin siya doon sa kamay ni Damien na tila nagda-dalawang isip kung tatanggapin niya ba ito o hindi. Sa huli ay tinanggap niya rin pagkaraan ay ngumiti. Ngiti na hindi ko nagustuhan. Iyong ngiti niya kasi ngayon genuine, hindi halatang peke
katulad ng madalas niyang pinapakita kay Nanay Flor kapag naabutan niya kaming nagtatalo.

"Lucianda Masirag, nice to meet you."
Magalang niyang pakilala nang abutin niya ang kamay nito.

"Likewise." Ngiting wagi ni Damien habang magka-shakehands sila.

Oh oh, i really don't like his expression at all. Iyong mga mata niya kumikinang. Tapos iyong pagkaka-ngiti niya pa abot hanggang mata kaya halos litaw na litaw iyong malalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.

Tsk, tsk, tsk,.I had a bad premonition on this one and i wonder what that is.

R.N|IMVICTORIQUE

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GODBLESS



ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon