Chapter 9.1: Adam, The Unlucky gay

522 45 7
                                    

A/N: Please pardon me for not updating last week. It is just that, i have this very hard subject this semester and that time we have an experimental activity that needed to be pass right away.
I'm really sorry guys :(
Study is a priority, please do understand me. Thank you for the patience and support.

Chapter 9

MATAPOS naming kumain ay nagpahinga na lang muna kami habang hinihintay iyong time para sa sunod na klase. Masyado pa kasing maaga para bumalik sa room at isa pa mukhang ayaw pang bumalik ni Damien dahil hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila ni Lucianda na akala mo'y wala kami ni Nikki sa paligid.

Alam kong napansin rin iyon ni Nikki dahil kanina lang nagkatinginan kami nang simulan kaming i-ignore ni Damien. Natahimik na lang tuloy kami habang pinapakinggan sila.

"So, cousins pala kayo. That's why, pareho kayong may lahi." Lingon sa akin ni Damien, ngayon lang ata niya na-realize na nandito kami.

I cleared my throat before speaking, para kasing natuyo bigla ang lalamunan dahil kanina pa ako hindi dumadaldal. "Yeah, malayong kamag-anak."

"On what's side? maternal or paternal?" Tanong niya uli, halatang curious na curious.

Pareho kaming nagkatinginan ni bruha sa tanong niya. Hindi naman kasi namin napag-usapan iyong about kung saang side kami naging magka-anak dahil sa tingin ko hindi naman gaano ka-importante iyon.

Habang wala sa akin ang atensyon ni Damien ay tahimik na sinenyasan ko si Lucianda gamit ang bibig ko. Nang sa tingin kong, nagkaintindihan na kami ay sabay kaming tumango sa isa't isa.

"Paternal side."

"Maternal."

Sabay naming bigkas ni Lucianda pagkaraan ay nanlaki ang mata namin pareho dahil hindi nagtugma ang sagot namin.

"Teka, saan ba talaga?" Nalilitong napakamot si Damien sa batok habang salit-salit ang tingin sa amin.

Sige na nga, sa maternal na lang. Naisip ko kasi, magkatunog lang ang pangalan ni Lucianda kay Papa kaya sabi ko paternal pero hindi ata ako naintindihan ni Lucianda o sadyang slow lang talaga siya ngayon dahil may sakit siya.

"Maternal."

"Paternal."

Sagot uli namin na sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman nagtugma. Gusto ko sanang matawa sa mga ekspresyon nila na hindi maipinta sa kalituhan, pero hindi pwede dahil baka mabuking kami. Isa pa, mas maganda kung low profile lang ako dito ng sa gayon ay walang maging problema sa susunod. Knowing my father, he could easily found my whereabouts with just a snap of his finger. That's why, i really really have to be careful.

"So you mean, magpinsang-buo kayo?" Sabat ni Nikki.

Nagbuhol ang mukha ko sa narinig. "Buo? may magkakaanak bang parte-parte? mga 1/2, 1/4? may ganoon ba?"

Lahat sila napatahimik sa tanong ko at medyo napanganga, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kinaway-kaway ko pa nga ang kamay ko sa harap ng mukha nila dahil hindi man lang sila nagre-react.

Maya-maya nagulat na lang ako nang nagtawanan silang tatlo, kahit si Lucianda na minsan ko lang makitang tumawa ay wagas kung bumungisngis ngayon kahit na maysakit. "Shocks! Ang sakit ng tiyan ko." Anya sa gitna ng pagtawa.

Si Nikki napapalo pa sa lamesa sa sobrang katatawa ni hindi man lang pinaliwanag sa akin kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Dahan-dahan ko namang nilingon ang katabi ko at tuluyan na lang akong napanguso nang makita ko siyang umiiyak na sa katatawa. Ang totoo, ako na lang ata ang matino dito sa table namin. Dahil sa katatawa nila halos marami nang napapatingin sa table namin, marahil nagtataka kung bakit sila tumatawa. Gusto ko nga sana sabihin na pareho lang kami ng katanungan sa isip eh.

"Seriously bro, you made my day!" Akbay sa akin ni Damien. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin dahil may skin contact na kami agad-agad. Yiee!!

"Bro?" Sabay na bulalas ng dalawang magkaibigan sa harap namin. Oo nga pala, hindi pa pala alam ni Damien na Eva ako at hindi Adan. Kaso kasi, baka mamaya bigla niya akong layuan kapag nalaman niya ang sexual orientation ko.

"W-What's wrong with b-bro! We're men, right Adam?" Lingon sa akin ni Damien.

Napalunok ako sa kaba. "Y-Yeah b-bro!" Pagsisinungaling ko pa. Gusto ko sanang sampalin ang bibig ko dahil nautal pa pero huwag na at baka mahalata ako ni Damien.

"Pppffft!"

Nagbabantang tinitigan ko sila Nikki nang bigla siyang mag-react. Halatang pinipigilan niya ang tawa niya dahil takip-takip niya ang bibig niya habang mapang-asar akong tinitingnan. Buti na lang dahil mukhang napagod itong si Lucianda sa katatawa niya kanina at hindi na ginagatungan si Nikki bagkus ay napailing na lang sa kanyang upuan.

"Did i say something wrong? Why are you laughing?" Nagugulumihanang tanong ni Damien kay Nikki.

"Hay naku, don't mind her. Takas sa mental hospital 'yan kaya ganyan. Huwag mo na lang pansinin." Direktang sabi ko.

"Itong badi-" Mabilis pa sa alas-kwatrong tinakpan ko ang madaldal na bibig ni Nikki. Pagkaraan ay lumapit ako sa tainga niya para bumulong. "Subukan mong ipagpatuloy iyang sinasabi, sasambunutan kita!" Madiing banta ko bago bumalik sa aking pwesto at nagpanggap na tila walang nangyari.

Hindi naman na nagreact si Nikki sa halip ay inungusan lang ako. Oo nga pala, bago ko makalimutan.

Madaliang kinalkal ko ang bulsa ko para kunin iyong gamot na binili ko kanina. Nang makuha ay inabot ko iyon kay Lucianda na nagtatakang tinanggap na lang iyon at nagpasalamat.

"Wahh, ang sweet niyong magpinsan. How i wish i have a cousin like that." Nakangiting komento ni Damien pagkakita sa amin. Aba, dagdag points to sa image ko sa kanya.

"Don't worry, kapag nagkasakit ka hindi rin naman kita pababayaan." Unconsciously kong nasabi na ikinatahimik nilang tatlo. Nung una, nalito pa ako kung bakit lahat sila nasakin ang mga mata. Nang si Damien naman ang nilingon ko, umiwas siya ng tingin sabay uminom ng tubig.

Doon unti-unti na-realized ko kung ano ang mga salitang lumabas sa bibig ko kani-kanila lang. Lang hiyang bibig to, hindi nga ako ibubuking ni Nikki pero ako naman ang nagbubuking sa sarili ko.

"E-Ehem." Tikhim ko sabay pakunwaring tumawa para mawala ang awkwardness sa amin. "I mean s-syempre k-kaibigan kita kaya n-natural lang na hindi k-kita pababayaan kapag may sakit k-ka. I was not born with a heartless heart y-you k-know! Sa g-gwapo kong 'to, heartless?!" Pagkukunwari ko sabay pogi pose. YUCKS! Ako ba talaga 'to?! kasuka.

"*COUGH* *COUGH*" Malakas na ubo ni Lucianda na may kasama pang pagpalo sa dibdib niya. Mukhang nabilaukan habang umiinom ng tubig.

"Here, use this." Abot ni Damien ng panyo niya. Saglit na tinitigan muna iyon ni Lucianda bago tanggapin. "Thanks, lalabhan ko na lang." Pagpapasalamat nito.

Umiling naman si Damien bilang sagot. "No need, just take it."

"Hindi. Ayoko." Tanggi pa ni bruha na ikinasimangot ko. "Hindi ako sanay magkaroon ng utang no loob." Paliwanag niya pa.

Hay naku, kung ako lang ang nasa posisyon niya hindi ko 'yan tatanggihan pa lalo na at ganyang kagwapo ang magbibigay sayo. Kung pwede ko lang agawin eh, pero mamaya na lang kapag tinanggap niya na hihingiin ko kay bruha o di naman kaya nanakawin ko na lang sabay paspas sa katawan ko.

"Just take it." Pamimilit pa ni Damien. Woah! I admire his persistence, hindi nagpapatalo. "In return, you can just give me your number then." Segunda nito na ikinanlamig ng buong pagkatao ko.

Huh? Number ni Lucianda?

What the! Anong klaseng turn of events to?! Paano na ang love story namin ni Damien?

|R.N|IMVICTORIQUE

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GODBLESS


ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon