Chapter 15.1: Adam, the Lovesick Gay

750 69 25
                                    

3rd person's pov.

ILANG minutong pinagmasdan muna ni Adam si Lucianda sa may dalampasigan at muling binalikan ang panahon ng una siyang makapunta sa Zambales. Noong panahon na nakilala niya si Lucianda, mga moments na walang balak magpatalo sa kanila at mga araw na nagkakaintindihan sila.

Nang makita ni Adam na tumayo ang babae ay doon na siya dahan-dahang lumapit dito. Nang saktong paharap na si Lucianda ay hinila niya ito at niyakap nang mahigpit.

Hindi naman makapagsalita si Lucianda sa gulat. Hindi niya kasi aakalain na susundan siya ng ating beking bida matapos niyang umamin dito. Pero heto siya ngayon, yakap-yakap ng taong hindi niya aakalain na magugustuhan niya at magugustuhan rin siya. Mula sa simula, alam niyang napaka-imposible kaya hindi na rin siya umasa pa pero...sa ginagawa ni Adam ngayon, hindi mapigilang umasa ng puso niya.

"A-Adam!" Sinubukang itulak ni Lucianda palayo sa kanya si bakla pero hindi ito natinag bagkus ay mas lalo pa itong humigpit na tila ayaw siyang pakawalan.

Huminga nang malamim si Adam bago magsalita. "Look, i maybe a coward a while ago but my friend made me realize my true feelings and what i want to say is that, i think gusto rin kita."

Biglang natuod si Lucianda sa narinig. Lalong lumakas ang tibok ng puso niya na animo'y gustong makawala sa loob-loob niya. Ni hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kung magpapasalamat ba siya o hindi dahil kahit papaano natupad ang inaakala niyang imposibleng mangyari.

Bumitaw si Adam sa pagkayakap at nilipat ang kamay sa magkabilang balikat ng babae. Sinsero niya itong hinarap at pinagmasdan. Halata pa rin sa namumulang mata nito na galing ito sa pag-iyak kaya hindi niya maiwasan makaramdam ng inis sa sarili dahil alam niyang siya ang dahilan ng mga luha nito. Unti-unting umakyat ang kanan niyang kamay sa pisngi nito, sinusukang alisin ang bakas ng luha doon.

"Gusto kita Lucianda at hindi malabo para sakin na mahalin ka." Sinserong bigkas ni Adam sa babae.

"W-What if, c-confuse ka lang? Ikaw na ang nagsabi bakla ka na noon pa. How would you know if you really have feelings for me? Huwag mo akong paa---"

"Naiinis ako." Putol ko sa kanya.

Lito niya naman akong tiningnan. "H-Ha?" Taka niyang tanong, parang gusto ko tuloy siyang kuhanan ng litrato kasi once in the blue moon ko lang talaga siya makikitang tila lutang at wala sa sarili.

"Naiinis ako kapag may kasama kang iba ni kahit kausap na lalaki. Akala ko dati sayo ako nagseselos dahil maikit sayo si Damien pero hindi...nitong mga nakaraang araw na iniiwasan mo ko. Naiinis ako dahil kay Damien ka lagi sumasama. Naiinis ako kasi hindi mo man lang ako pinapansin. Naiinis ako sayo na parang gusto kitang sambunatan dahil bigla mo kong iniwasan. Hindi ko akalaing sasambitin ko sa babae ito, pero Lucianda nagseselos ako. Gusto ko sakin lang ang buong atensyon mo. Gusto ko ako lang ang nginingitian mo. Gusto ko walang Damien, Lucianda. Oo, bakla ako pero malinaw na ang gusto ko. Gusto kita at gusto ko ako la----*hmmph*"

Sa narinig, hindi na hinayaan pa ni Lucianda makatapos sa pagsasalita ang huli. Sa halip, walang babalang tumingkayad siya at ipignagdikit ang kanilang mga labi. Mga ilang minutong nanigas si Adam sa kanyang kinatatayuan sa ginawang aksyon ng babae pero matapos lang ang ilang sigundo ay siya na mismo ang nagpalalim ng halik.

Halik na hindi katulad noon. A deep kiss that have an insurance of commitment and intimacy. Dahan-dahang inabot ni Adam ang mga kamay nito at ipinalibot ito sa kanyang leeg. Habang siya naman ay nakahawak sa baywang nito. Tumigil pa ng ilang segundo ang kanilang halikan. Naputol lang iyon nang kapwa maubusan na sila ng hangin.

"Now, Lucianda. Will you take a chance to a gay like me?" Nakangiting tanong ni Adam kay Lucianda.

Naparolyo naman ng mata ang huli. "Tinatanong pa ba iyan matapos kitang h-halikan?" Nahihiyang sambit nito habang hindi makatingin kay Adam.

"Ihhh!! gusto ko sabihin mo mismo." Pambatang saad ni Adam at ngumuso pa.

"Lang hiya, Oo na. Kahit kailan talaga madrama kang bakla ka!" Walang magawang sagot na lang ni Lucianda at tuluyang napayuko para itago ang namumula nitong pisngi.

Lalo namang lumawak ang ngisi ni Adam sa tinuran ng babae kaya hindi niya mapigilang dampian ito ng halik sa noo.

"It's official. Wala nang pagpapanggap." Bulong ni Lucianda na hindi nakatakas sa pandinig ng huli.

"Right, it is real this time around." Segunda naman ni Adam bago muling siilin ng halik ang huli.

●●●●

Simula nang araw na iyon, matapos ang aminan mas lalong naging malambing ang dalawa sa isa't isa. Hindi nga maiwasang magtaka at manibago ni Nanay Flor dahil hindi niya na nakikitaang mag-asaran ang mga ito palagi sa bahay.

"Hmm, ang bango niyan ah." Biglang yakap ni Adam sa likod ng dalaga.

"Ano ba Adam, nagluluto ako. Alis ka muna at baka makita ka ni Nanay." Saway ni Lucianda na nakapokus sa pagluluto ng ulam nila para sa hapunan.

Sa halip na umalis, sinandal lang ni Adam ang baba niya sa balikat nito. "Ano ka ba, lumabas si Nanay at may pinuntahan. Meaning, tayo lang dalawa ang nandito ngayon." Masayang balita nito.

"Ewan ko sayo! Mag-asikaso ka kaya muna doon kita mong may ginagawa pa ako." Pagtataboy ng babae sa kanya.

"Ihh, minsan na nga lang to eh. Lagi kang umiiwas sakin kapag nandito si Nanay." Nagtatampong depensa naman ni Adam kay Lucianda dahilan para mapatahimik ito. "Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanya? Ready naman na ako kung sakaling mamukpok iyon si Nanay. May planggana namang patakip diyan." Dagdag niya pa na may kasamang biro.

Matapos ilagay ang mga rekado. Saglit na hinalo muna ni Lucianda ang manok bago ito takpan. Pagkaraan ay hinarap niya si Adam na kasalukuyang gusot ang itsura.

"Adam, hindi pa ako handa." Paliwanag niya dito. "Hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon ni Nanay sa relasyon nating dalawa. I just don't know, what if ma-disappoint siya sa akin? Paano na lang kung hindi niya tayo tanggapin? Kaya, huwag na muna." Puno ng pangamba niyang pahabol.

"Oo na, oo na. Naintindihan ko naman. Bahala na, malalaman at malalaman din naman iyan ni Nanay sa tamang panahon. Kiss mo na nga lang ako dito para manahimik na ito." Pilyong turo niya sa labi niya na ikinamula ng dalaga. Hindi nagtagal, nakatanggap siya ng hampas sa balikat galing sa huli.

"Ang harot mo talaga!" Hampas niya pero bagamat ganoon ay hinalikan niya pa rin ito..

Napangiti naman si Adam at mas lalong pinalalim pa ang halik. Matagal na rin kasi siyang nagtitiis dahil madalas, mula nang nauwi si Nanay Flor mula Isabela ay naging maingat na ito.

Hanggang sa hindi na nila namalayan ang tahimik na pagdating at pagpasok ni Nanay Flor sa kanilang bahay. At mga ilang hakbang lang ay tuluyang nagulantang ang buong sistema nito matapos masaksihan ang nangyayari sa kusina.

|R.N|IMVICTORIQUE

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GODBLESS











ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon