Chapter 1.2: Adam, the Run away

957 60 3
                                    

Dedicated to Chierie03

❤❤❤

Adam

"Hala, pumasok ka bilis." Hila ni Nanay Flor sa ako sa loob. Halos muntik pa akong matalisod sa pagmamadali niya dahil nakalimutan niya atang nakasapatos pa ako. Tatanggalin ko sana kaya lang, malakas ang pagkahila sa akin.

"Ano bang pinagagawa mong bata ka? Ano na lang ang sasabihin ng magulang mo, tiyak nag-aalala na ang mga iyon." Paunang sermon at talagang pinalo ako sa puwet.

"Nay naman, ang brutal." Iwas ko. Marahang hinimas ko ang kawawa kong puwet na napagdiskitahan ngayon. Sorry butty.

"Sila naman kasi ang may kasalanan eh, gusto nila akong ipakasal sa babae eh babae rin ang anak nila. 'Di naman pwedeng same sex marriage sa Pinas noh." Himutok ko kay Nanay na siyang maang na napaupo na lang sa kanyang upuang gawa sa kawayan.

"Susmaryosep Adam! Kapag nalaman ito ng Papa mo, tiyak mabubogbog ka na naman." Nag-aalalang asik nito sa akin matapos sumimsim ng kape. Yep, nambubugbog si Papa pero minsan lang dahil palaging nandyan si Mama para pigilan siya. Dalawang beses niya pa lang ako nabugbog sa buong buhay ko. Iyong una nakipagsambunutan ako sa anak na babae ng kapit-bahay, maldita kasi masyado, wala namang beauty. Pangalawa iyong umamin ako na bakla ako. Aba, halos di ako lumabas ng kwarto pagkatapos noon kasi puno ng pasa ang balingkitan kong katawan. Oh wow, balingkitan.

Napakamot ako ng batok ko at maingat na tumabi sa kanya. Kinuha ko sa kamay niya iyong kape at nilapag sa lamesa. "Nay naman masyadong nerbyosa, kaya nga ako nagtatago eh. Magaling akong magtago don't ya worry, hindi papasok sa isipan nila Papa ang lugar na'to kaya dito muna ako. Papatirahin mo naman ako diba Nay, ako pa rin paborito mo diba?" Pagpapaawa ko sa kanya na may pag-beautiful eyes pa. Lihim akong napangiti ng makita kong nag-iisip ito. Wala naman choice si Nanay eh, nandito na ang mga gamit ko. Isa pa, alam ko namang hindi niya ako matitiis. Sa ganda kong 'to. De joke lang.

"Anak, sigurado ka ba na dito ka titira? Iyong anak ko kasi..." Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Hala nay, may anak ka? Ilang taon na? Lalaki ba? Gwapings? Tuli na?" Sunod-sunod kong tanong. "Pero diba, sabi mo wala kang asawa. Paano ka nagkaanak? Keri bang makagawa ng mag-isa lang?"

Iling na tiningnan niya ako. "Ikaw talaga, kung anu-ano ang pinag-iisip mo kaya madalas kang napapag-initan ng Papa mo eh." Sabi niya kaya napa-peace sign ako.

"Alam niyo namang allergic ako sa seryosong usapan e, di ko lang talaga mapigilian ang bibig ko minsan. Malakas lang talaga topak ng Tatay ko, alam niyo naman iyon, pinaglihi sa sama ng loob. De joke lang ulit! Nay naman, ano na nga. Iyong sa anak mo?" Bigla kasing tumalim ang titig niya kaya binawa ko agad at iniba ang usapan. Kung di ko lang 'to kilala si Nanay siguradong iisipin kong may pagtingin ito sa Papa ko eh. Kaya lang, malabong mangyari iyon e, ang maganda lang naman sa Papa ko ay 'yong mukha niya. Syempre, doon nanggaling ang mukha ko. Ganda ko kaya.

"Anak kasi, mahirap ang buhay dito sa Probinsya. Kami lang ng anak ko ang nandito at taliwas ito sa buhay mo. Hindi ko alam kung kakayanin mo. Isa pa, kailangan malaman ito ng an-"

"Ma, sinong kausap mo diyan? Ang aga naman ata?" Tinig ng isang babae mula sa likuran ko kaya napalingon ako doon. Doon nakita ko ang pagkachakan-'de biro lang babaeng mukha at ang masasabi ko lang, mas maganda ako."

Kunot-noong tiningnan ako nito, halatang sinusuri ako. Napahawak pa siya sa baba niya na tila may iniisip.
Napayakap ako sa sarili ko ng may mapagtanto. Hindi kaya...

Hindi kaya type niya ako?

Oh my gosh, delikado ang puri ko dito! Baka mamaya pagsamantalahan niya ang kahinaan ko.

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon