Chapter 9.2: Adam, the Unlucky gay

496 47 3
                                    

Adam

MALAWAK ang pagkakangiti ko habang naglalakad kami ni Damien pabalik sa room. Nakakatuwa lang kasi may number na ako ni Damien tapos may number na siya sa akin. Kung nagtataka kayo kung bakit biglang nagkaganoon ay dahil nga hiningi niya ang number ni Bruha na wala namang cellphone ay ako na mismo ang nagprisinta at nagbigay ng number ko. Syempre, hindi para kay bruha ito kundi para sa akin. Hinding-hindi ko hahayaan na magkagustuhan sila noh! hmph!

"Sayang naman, bakit wala siyang cellphone." Dismayong wika ni Damien kaya napawi ang ngiti ko. Hanggang ngayon iyon pa rin ang iniisip niya?

"Hindi naman kasi siya mahilig sa cellphone." Sagot ko sabay bulong sa hangin. "Sa sobrang kakuriputan non, malabo iyong mangyari."

"W-What?"

"Ha?" Harap ko uli kay Damien.

"A-ano uli sabi mo hindi kasi kita gaano narinig."

Napatango naman ako matapos kong maintindihan ang tinutukoy niya. "Ah ayun ba, sabi ko hindi mahilig sa cellphone iyo-"

"Hindi, iyong huli. Medyo mahina kasi iyong boses mo noon."

"Huwag mo ng pansinin iyon, sabi ko ang ganda k-k-kako ng pinsan ko diba? Hehehe..." Pekeng tawa ko. 'Lang hiya talaga itong bibig ko minsan, hindi nakikisama sa akin at kusa na lang dumadaldal.

"Oh right, She's beaut. By the way, tanong ko lang may boy-"

"Ah-eh mayroon ng prof na pumasok sa room natin. Tara na!" Takbo ko papunta sa room. Ayaw ko na rin kasing marinig ang sasabihin niya dahil nakukutuban ko na ang kasunod.

Hindi ko lang maintindihan itong si Damien dahil parang ang bilis naman niya atang magkagusto kay Lucianda. Eh Kanina lang naman sila pormal na nagkakilala tapos nagbabalak na agad. Tapos ako naman, unang araw sawi na agad, ang malala pa kay Bruha nagkagusto ang crush ko. Ngayon na nga lang uli ako nagka-crush pero heartbroken agad. Tinding labanan nito, lalo na at ayaw ko mang aminin ay may ilalaban si Bruha pagdating sa pagandahan.

Hayy, kailangan kong mag-isip ng Plano. Hindi ako papayag na magkagustuhan silang dalawa habang ako heartbroken. I have to do something...

•••••

NANG mag-uwian ay walang paalam na lumabas ako ng room namin at iniwan si Damien sa loob. Ewan ko ba at matapos ng nangyari kanina nawalan ako ng gana. Ganito siguro talaga iyong pakiramdam kapag nagkagusto ko tapos malalaman mong may ibang gusto iyong crush mo. Saet diba?

Tamad na hinintay ko si bruha sa may gate ng school at mga ilang minuto lang, natanaw ko na siyang naglalakad kasama si Nikki. Ang mas kinagulat ko pa ay kasabay nila iyong taong iniwanan ko lang kanina sa room.

Nang makalapit sila sa akin ay bigla akong inakbayan ni Damien na nagpagulat sa akin. Bakit parang kung umarte siya close na agad kami? Hindi niya ba alam na nasaktan niya ako kanina lang? Oh right, hindi nga niya pala alam na bading ako. "Hey, why did you run off a while ago without me?"

"Ah.." Saglit akong nag-isip ng sasabihin ko. "Sorry about that, ihing-ihi na kasi ako kanina kaya hindi ko na nagawa pang magpaalam sayo. Dinala ko na rin ang bag ko kasi malayo-layo iyong Cr."

"Apology accepted." Ngiti niya pa. Putik naman, ba't ka ba ngumingiti nang ganyan Damien, baka mamaya hindi ako makapigil.

"Ehem." Tikhim ko bago harapin si Lucianda na nakasandal sa balikat ni Nikki. "Tara na at nang makapagpahinga ka na." Aya ko sa kanya.

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon