Chapter 13.1: Adam, The Confused Gay

640 58 15
                                    

ADAM

PAGKAUWI namin, laking gulat ni Lucianda nang makita ang mga nakahain sa lamesa. Medyo napatungaga pa siya at kinusot-kusot pa ang mata na tila hindi makapaniwala na may nakahain sa harapan niya.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at nilabas. Palihim ko siyang kinuhanan ng ilang litrato habang wala pa siya sa sarili. Pagkaraan ay tinago ko uli ang cellphone ko dahil nahimasmasan na si bruha.

"Nay, ano 'yan? Dapat hindi ka na nag-abala alam mo namang hindi ako mahilig sa ganito." Sabi pa ni Lucianda kaya hindi ko mapigilang mapa-tsk sa sarili ko. Hindi raw gusto eh, halos ilang minuto siyang nakatunganga sa lamesa. Ito talagang babaeng 'to, masyadong pa-tsundere. Iyong kunyari ayaw pero sa loob-loob tuwang-tuwa.

"Ano ka ba, huwag ka ngang ganyan. Dapat nga magpasalamat ka pa kay Adam eh, siya pa naman lahat bumili niyan."Saway ni Nanay Flor kay Luciana.

Napalingon naman sa akin si bruha kaya nginisian ko siya at kinindatan. Kung wala lang siguro si Nanay ngayon ay tumawa na ako nang malakas sa naging reaksyon niya. Paaano ba naman, nang magkatinginan kami bigla siyang namula at mukhang naramdaman niya iyon kasi mabilis din siyang umiwas ng tingin sa akin. Sinubukan kong habulin ang mata niya pero tuliro siyang umiwas at biglang tumakbo papasok sa banyo. Napailing na lang ako habang pinipigilan ang sarili kong matawa.

Maasar nga uli ang babaitang iyon mamaya.

"Nay, ito na pala iyong ulam." Abot ko kay Nanay noong lechon.

"Sige, maghugas na ng kamay at ililipat ko lang to sa plato. Naku, salamat nak ah! Huwag mo na lang sana intindihin ang sinabi ni Lucianda kanina. Hindi kasi iyon sanay na mayroong ganito pag-birthday niya. Sa katunayan, pangalawang beses pa lang 'to dahil noong una ay nagreklamo siya at ayaw ng magpahanda sa susunod kaya hindi na rin ako nag-aabala." Pag-kwento pa ni Nanay.

Ngumiti ako. "Wala iyon, nay! Sanay na ako sa bru-este anak niyong iyon." Tawa ko bago mapakamot ng batok. Bigla kasi akong tiningnan ni Nanay nang makahulugan noong muntik ko nang matawag si Lucianda na bruha. Si nanay talaga.

"Kayo talagang dalawa. Ang hilig niyong mag-asaran." Tugon niya na lang sa akin bago kumuha ng pinggan na paglalagyan ng ulam.

"Pikon kasi anak niyo, Nay!" Natatawanag pahabol ko. "Laging umuusok iyong ilo---ARAY!!" Inis na lumingon ako sa likod ko dahil biglang may bumatok sakin.

Yamot na inirapan ko si Lucianda. "Nay oh, hindi marunong mag-thank you. Nambabatok pa." Sumbong ko.

"Itahimik mo nga iyang bibig mo na puro walang kwenta naman ang lumalabas. Akala mo ang ganda pakinggan, boses mo pa lang ang sakit na sa tainga." Panlalait niya sa akin.

"ABA! makapang-insulto ka kala mo ganda ng boses mo ah. Baka nga mas malala pa iyong sayo." Ganti ko.

"Duh, hindi ko iniipit ang boses ko para maging maganda. Natural 'to."

"Haynaku, kayo talagang dalawa. Oh siya, magsihugas na kayo ng kamay at kakain na." Utos niya sa amin na agad rin naming sinunod.

●●●●

PAGKATAP0S naming kumain, pumasok agad si Lucianda sa kwarto niya, gagawa ata ng assignment. Ako naman, palihim na sinundan ko si Nanay sa kusina dahil naghuhugas siya. Bago iyon, kinuha ko muna sa bag ko iyong cellphone na binili ko para sa kanya.

"Nay, tapos kana?" Silip ko sa kusina.

"Banlaw na lang. Bakit nak? May kailangan ka ba?"

Tinaas ko iyong box ng cellphone para makita niya. "Ito nay, para sayo ito. Para kahit papaano may contact kami ni Lucianda sayo kapag nasa school kami."

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon