Chapter 7.2: Adam, have a new friend

492 41 6
                                    

Adam

BREAK TIME na at napagpasyahan namin ni Damien na pumunta ng Canteen para bumili ng snacks. Iyong mga kaklase namin napatunganga lang hanggang makalabas kami. Sino ba namang hindi? Isang maganda tapos isang gwapo nagsama, edi nganga na lang sila. Tiyak marami ng naiinggit sa posisyon ko ngayon.

"Do you perhaps know where we'll suppose to buy foods? i haven't tour the school yet." Lingon sa akin ni Damien my loves habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Masayang tumango naman ako bago magsalita, halatang confuse na confuse siya. Buti na lang talaga, tinuro na sa akin ni bruha ang dapat malaman ko sa school na to.

"Yeah, they have their so-called canteen here. It wasn't open when i arrived earlier, so i really don't have a clue on what foods they are selling." Teka nga, bakit ba kasi siya english ng english, akala ko ba sanay siyang mag-Filipino? Napapagaya tuloy ako.

"Oh yeah, if you want i can give you a tour later, after class" I offered. Chance na ito kaya 'di ko na sasayangin pa.

"Really?" Tanong niya pa sabay lingon sa akin.

"Yeah, i have a lot of time anyways." Tipid na reply ko.

Namumulang iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Kung ganyan ba naman siya tumingin na tila binigyan ko siya ng candy ay natural kikiligin iyong mga paru-paro ko sa tiyan.

Nang tuluyan na kaming makababa sa hagdan, sa pangunguna ko ay nilakad na namin iyong canteen. Hindi naman gaano kalayuan iyon sa building namin kaya hindi namin kailangang magmadali. Kahit papaano mahaba naman ang break time namin, mga 30 minutes tapos mamayang mga 12:30 iyong lunch time.

Pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanya na bakla ako. Baka kasi mamaya homophobic ito tas agad akong lalayuan kala mo ay may dala akong virus. Sa ngayon, observe muna siguro tapos samahan ng pasikretong landi.

"Oy!!" Napahinto kami pareho ni Damien nang kawayan ako ni Nikki, iyong kaibigan ni bruha. Oo nga pala, pareho kami ng break time. Teka, ba't hindi niya kasama iyong babaeng iyon?

"Problem?" Nakangiting tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa amin. Mukhang nagulat pa siya nang ngitian ko siya dahil kinurap-kurap niya pa ang mata niya. Then maya-maya, napalingon siya sa tabi ko. Doon na sumama ang timpla ko at talagang binigyan ko siya nang nagbabantang tingin. Mukhang na-gets niya naman at tinarayan lang ako. "Aba, may bagong kaibigan ka na agad ah. I'm Nikki." Abot niya ng kamay kay Damien. Umigting ang panga ko sa nasaksihan. Babaeng ito talaga, hindi makuha sa tingin, parehong-pareho sila ng bestfriend niya.

"Damien here." Ganti naman ng isa at talagang sa harap ko pa nagtinginan.
Inabot ni Damien ang kamay niya at mga ilang segundo na ang lumipas wala paring bumibitaw sa kanila. Tiningnan ko si Damien at halata sa kanya na naiilang siya sa titig na binibigay nung isa na wala atang balak bitiwan ang kamay niya. Natatanging rason para kumilos na ako bago pa maagawa ang myloves ko.

"Ehem." I pretendend clearing my throat while giving glare at Nikki's direction. Good thing, dahil mukhang natauhan na si Nikki sa pinagagawa niya at tinablan ng hiya.

"Nga pala, later after class pakisundo si Lucianda sa room." Baling nito sa akin. Napataas ang kilay ko.

"Bakit ko naman kailangan gawin iyon eh, ang usapan namin sa gate na kami magkikita." Angal ko. "Tsaka, may gagawin pa ako. Tara na nga, Damien." Tango ko kay Damien at muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.

"Maysakit si Lucianda kaya kahit ngayon lang magkaroon ka naman ng malasakit." Pakiusap ni Nikki habang nakasunod sa amin.

"Okay pa siya kanina ah. Ang lakas pa nga niyang makasermon sa akin kanina."

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon