Chapter 17.1: Adam, the Honest Son

919 62 17
                                    

Adam's

SIGURO dahil nakasanayan ko nang gumising ng umaga kaya maaga ako nagising ngayon. Naunahan ko pa nga ang araw sumikat dahil mag-a-alas sais pa lang ay gising na ako. Mukhang nag-adjust na naman ang circadian rhythm ko at ang pwede ko lang sisihin ay si Lucianda, joke! Ang babae kasing iyon, sa tagal kong nag-stay doon kapag matagal akong gumising binubuhusan ako ng tubig. Kaya ayon, maaga na akong gumigising. Naghahanap nga ako ng timing na siya ang late gumising para magantihan ko sana. Pero wala ring nangyari dahil pagmulat ko palang ng mata, siya naman pakuha na ng ipa- pambuhos niya sakin kaya lagi akong nagmamadali kapag babangon kala mo may karera.

Nang matapos akong mag-ayos, kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table para tawagan si Lucianda. Kagabi kasi tinawagan ko siya pero ang 'di man lang ako nasagot kaya tumigil na rin ako baka kasi busy lang o hindi naman kaya ay pagod. Kilala ko iyong babaeng iyon, hindi iyon mapakali kapag hindi kumikilos. Kapag hindi nga lang iyon nakakilos ng isang beses, akala mo'y nakagawa na siya ng isang malaking kasalanan dahil nakokonsensya siya kaagad. Ayaw kasi noon ng nasasayang ang oras dahil isa siya sa mga loyal believers ng 'time is gold'.

Sayang, gusto ko nga sana siyang makausap kagabi dahil ayokong maglihim sa kanya. Umasa pa naman siyang babalik ako kaagad pero sa problema ngayon, hindi ko alam kung kakayanin. Para kasi sa akin, mas mabuting ayusin ko muna ang issue dito at linawin kanila Mama para hindi ituloy ang kasal. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na lang ako tumuloy.

'This number is cannot be reach, please try again later. This number is cannot be reach, please try again----" Napahinga na lang ako nang malalim ng hindi ko na naman ma-contact si Lucianda. Maski, ilang beses ko siyang tawagan, laging ganito ang kinalalabasan. Hindi ko talaga siya ma-contact. Hindi ko tuloy alam kung ano na ang kalagayan nila.

Dismiyadong bumaba na lang ako sa kusina para magtimpla ng kape. Mamaya kapag wala pa rin, tatawagan ko na si Nikki baka sakaling may balita siya. Malamang kasi sa alamang, si Nikki tulog pa iyon ngayon kaya mamaya ko na lang siya iistorbohin.

Matapos kong magtimpla, napagdesisyunan kong lutuan si Mama ng Champorado, iyong kulay chocolate na lugaw na niluto samin ni Nanay Flor noon. Buti na lang tinuruan ako ni Lucianda noong wala siyang topak kaya ayon natuto ako kahit papaano. Hindi naman pala siya gaanong mahirap basta dapat may cocoa powder tas malagkit.

Habang seryoso akong nagluluto, nakarinig ako nang pagsinghap sa likod ko kaya lumingon ako saglit. Nang makitang iyong kusinero lang pala naman 'yon ay binalik ko na lang uli ang atensyon ko sa ginagawa ko at hinayaan siyang nakanganga ang bibig. Batid ko namang nakakagulat para sa kanila na makita akong nagluluto dahil unang-una hindi naman kasi talaga ako marunong. Pangalawa, hindi talaga ako kumikilos dati. Siguro nga, kung hindi lang ako pumunta kanila Nanay Flor ay hindi ko mare-realize iyong reyalidad ng buhay.

"Adam." Narinig kong tawag sakin ni Mama na nasa kusina na pala.

"Oh Ma, gising ka na pala." Masayang bati ko sa kanya."Saglit lang Ma ah, maupo ka muna diyan kay 'di pa tapos ang maganda mong anak na magluto."

"What is that? And how come you know how to cook?" Pang-usisa ni Mama bago umupo. "Manang, kindly get my cellphone upstairs. I have to picture this one, this is the first time I saw my son trying to cook something." Karagdagang utos pa nito sa Yaya namin.

"Ma, Naman ih!"  Napa-facepalm na lang ako dahil sa hiya bago tuluyang patayin ang stove. Nang okay na ang lahat ay kumuha na ako ng bowl na pagkakaininan naming dalawa.

"Oh, Champorado." Untag ni Mama nang iabot ko sa kanya iyong bowl."Is it edible?"

Sa narinig ko, pabirong tinayaran ko si Mama habang siya natatawang pinagmasdan ako pati ang kawawang champorado ko. Nang titikman niya na, napa-cross finger na lang ako sa kaba, baka kasi hindi niya magustuhan. Pero nang makita kong maayos naman ang naging reaksyon niya ay doon lang ako nakahinga nang maluwag at nakakain 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon