Chapter 16.1: Adam, the Gay Son

640 50 8
                                    

Adam

ALL is well that it ends well. Every thing was good not until i received a sudden phone call from my bestfriend, Gavy. He called me last night and told me that my mother was ill, that i have to go back home immediately. So here i am, packing the things that I think were necessary while Lucianda is making our breakfast.

Hindi ko naman planong magtagal doon sa amin dahil alam kong galit sa akin si Papa. At least three days lang siguro, basta makita ko lang na nasa maayos ang kalagayan ni Mama. Gavy still didn't update me of what was truly the condition of my mother so i have no idea if it's malignant or not.

"Malapit ka ng matapos?"

Napalingon ako kay Lucianda na kasalukuyang nakasandal sa humba ng pintuan habang nakatingin sa bag na dadalhin ko.

"Yup." Sagot ko habang sinisirado ang zipper. Pagkaraan ay tumayo ako habang nag-iinat. Medyo nangalay kasi ang mga balikat ko kakatiklop para lang magkasya ang mga damit ko. Ang hirap pala kapag maraming damit. Maliit lang din kasi ang bag na ginamit ko, iyong karaniwang ginagamit ko sa school since ilang araw lang naman din.

"B-babalik ka pa naman diba?" Mahinang tanong ni Lucianda pero sapat na para marinig ko. Napalingon ako sa kanya pabalik nang matagpuan ko siyang nakayuko at tila 'di makatingin sa akin.

I heaved a sigh. I knew this will happened. She's starting to doubt if I'll comeback here, with them. I know hindi naman maiiwasan iyon since hindi naman talaga ako taga-rito in the first place. But all I know, is I will definitely comeback here no matter what. Naging tahanan ko na rin ito kahit na iba iyong status nito sa lugar na kinalakihan ko. I feel alive here, isa pa nandito siya.

Dahan-dahang lumapit ako sa kinatatayuan niya at maingat na hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi bago ako magpatuloy.

"Just give me three days. I'll comeback here, okay. Huwag kang matakot dahil babalik at babalik ako. Trust me, okay? Napaghahalataan naman na patay na patay ka sa akin. Ikaw ah!" Sagot ko na may halong pagbibiro.

"Baliw ka talaga!" Malakas na hampas niya sa balikat ko. Yes, mga sis! Malakas. Masyadong mapanakit alam namang mabigat ang kamay niya. "Nagawa mo pang magbiro kita mo namang seryoso ang usapan." Sermon niya pa.

"Alam mo rin namang allergic ako sa seryosong usapan, gumaganyan ka
pa."

"Pero seryoso nga, bakla."

"Ano ba'yan bruha?"

Kita niyo? Kami lang ang magkasintahan na may call sign na ganyan. Kakaiba diba? Ito kasing si Lucianda, bumalik sa pagtawag sa akin ng bakla kaya para patas binalik ko rin iyong bruha. Sweet diba?

"What if, you really can't? Paano kung masama pala ang lagay ng Mama mo at kailangan mong mag-stay doon nang matagal. Look Adam, I am not being negative here. Gusto ko lang paghandaan natin iyong mga possibilities na pwedeng mangyari. I'm just a mere girlfriend but they are your family. Gaya nga ng sabi ni Nanay darating ang point na kakailanganin mong pumili and I understand if you won't choose me. If you won't comeback."

"Hindi ko kailangan mamili, Lucianda. Basta ang alam ko lang, babalikan ko kayo rito ni Nanay Flor, get that? Three days lang naman ito, kaya huwag kang negative. Akong bahala, trust me. May contact naman tayong dalawa sa cellphone basta huwag mong i-silent ah. Isa pa, alam kong mami-miss mo ako pero tiis-tiis ka muna. Anong gusto mo bilang assurance para 'di ka mag-alala na hindi ako umuwi? Gusto mo gawa tayo baby para mapikot mo ko? Pwede rin naman. Bigay ko sayo address ng bahay nam----"

"Ang manyak mo!" Bato niya sakin ng unan na hindi ko alam kung saan niya nahablot. Heto na naman po ang kamay niya.

"Ito naman, nags-suggest lang eh!"

"TSE!!!! LUMAYAS KA NA NGA!! NAG-IINIT ANG ULO KO SAYO EH." Sigaw niya habang pulang-pula ang mukha bago umalis. Napatawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Pikon ang ate niyo, mga sis.

●●●●

Matapos kumain ng tanghalian at magpaalam kanila Nanay Flor ay umalis na rin ako agad. Hindi rin kasi ako tinitigilan ni Nanay Flor kakasabi na dapat daw maaga umalis para maaga makarating.

Hindi naman ako nahirapan mag-byahe tulad ng unang punta ko dito dahil medyo pamilyar na ako sa mga lugar. At heto na nga, matapos ang mahigit dalawang oras sa byahe ay nasa labas na ako ng gate namin.

I nervouly gulped as my finger finally pressed the doorbell. Innately, I'm silently praying that my father won't kill me if he sees me 'cause I bet he will.

After a minute, the old familiar face of our guard greeted me with wide eyes. "S-Sir A-Adam?" Anya niya na may kasama pang pagpisil sa pisngi ko. Pinabayaan ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang maniwala na totoo ako at hindi isang panaginip. Nang mapagtanto niya na ang sitwasyon, abo't langit ang ngiti niya at maluwag na binuksan ang gate. "Sir Adam, ikaw nga!!! Tamang-tama, matutuwa si Madam kapag nalaman niyang nandito ka na. Medyo nag-alala rin iyon nang malaman na umalis ka. Saan ka ba nagpunta, Sir?" Usisa pa ni Manong Guard. Napapaghalataan na tsimoso.

"Sila Papa, nandyan ba?"

Umiling iyong guard. "Naku, mamaya pa iyon Sir dahil inaasikaso pa ang pag-discharge ni Madam Amanda."

"D-discharge?agad-agad? Ano bang nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko. Para kasing ambilis eh, kagabi lang ako nakatanggap kay Gavy na sinugod siya sa hospital tapos discharge agad?

"Allergic reactions lang naman daw, Sir sabi ni Hilda kaya mabilis lang rin."

Hilda, isa sa mga pinakamatanda naming kasambahay. Mas bata nga lang kung ikukumpara kay Nanay Flor ng sa tantya ko ay isa o dalawang taon. Kumbaga, parang siya iyong mayordoma rito sa bahay dahil talagang sobrang tagal niya ng naninilbihan sa amin.

Anyways, I'm going to my room first. I still need to prepare on how to face my parents. Buti na lang kahit papaano, wala pa sila dito kasi makakapag-isip-isip pa ako kahit kaunting oras lang.

"Doon muna ako sa kwarto ko? Malinis ba?" Paninigurado ko sa guard baka kasi hindi nalinisan simula ng umalis ko.

The guard nodded and said, "Yes Sir, araw-araw po iyan pinapalinisan ni Ma'am Amanda kahit na umaangal si Sir Lucio."

Tumango na lang ako bago pumanhik pataas. Wala pa rin namang pinagbago sa loob at labas ng bahay. Ganoon pa rin ang itsura niya kahit halos magi-isang taon na akong wala. Speaking of, malapit na pala ang practice ng graduation namin dahil tapos na rin ang finals. Hmm, ano kayang magiging reaction ni Mama once nalaman nilang pinagpatuloy ko sa Zambales ang pag-aaral ko?

Pagkapasok ko sa kwarto bigla akong nahilo sa nakita ko. Every thing is colorful, simula sa paint ng wall ko, to my pillows, blankets, comforter, even my cabinet and drawers. It's all colorful. Alam kong kagagawan ko ito kaya wala akong pwedeng sisihin. Dati kasi, ito ang mga gusto ko kaya gigil na gigil rin sa akin si Papa noon. But right now, I don't like it.

I facepalmed. Kapag okay na ang lahat, ipapaayos ko 'to. Swear.

But first, I'm going to wait for my parents and deal with our own issues.

|R.N|IMVICTORIQUE

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GODBLESS

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon