Chapter 2.2: Adam, the Fast learner

692 58 2
                                    

Dedicated to AtashaMacapagal

Adam

UMALIS na si bruhang bumbay na mangkukulam pagkasapit ng alas-syete ng umaga. Pero bago 'yon, sangkaterbang habilin muna ang iniwan nito sa akin. Oo sa akin mga teh, like Huwag mong gawing katulong si Mama kundi sasapakin kita, maglinis ka ng bahay, magwalis ka ng bakuran tapos samahan mo si Mama sa palengke. Like what? First day na first day ko, ayaw man lang ako pahingahin. Hindi niya ba alam na wala akong halos tulog dahil sa pagtakas ko kaninang hatinggabi.

Hindi ko tuloy maiwasang mainis habang hawak-hawak ko iyong walis na gawa sa mga stick-I mean Walis tingting. Kahit papaano marunong naman akong magwalis dahil madalas kong nakikita ang mga maid naman na nagwawalis sa bakuran. Maigi ng masimulan ko ito habang wala pang init, baka kung mamaya pa ay masunog pa ang porselana kong kutis. Ay wow, porselana.

Habang nagwawalis minumurder ko sa isip ko ang bruha na 'yon. Wala man lang kasing konsiderasyon sa akin, ni wala pa nga akong almusal. Buti na lang talaga at nakaramdam sa akin ng awa si Nanay kaya nagpaalam na bibili ng pagkain sa labas.

Maya-maya dumating na rin si Nanay at sinenyasan akong pumasok sa loob. Tapos na rin naman ako kaya sumunod na ako sa kanya sa kusina. Pero bago iyon naghugas muna ako ng kamay. Si Nanay naman naghanda ng mga plato at kutsara sa lamesa.

"Nak, halika muna dito at mag-almusal ka muna. Favorite mo 'yong
spaghetti diba? Saktong-sakto mainit pa, bagong luto." Aya niya sa akin habang inaalis sa supot iyong spaghetti.

"Ako na Nay, kaya ko naman. Baka mamaya sabihin ni bruha na ginagawa ko kayong katulong." Kuha ko sa kanya ng plato ko. Hindi naman siya umangal pero nakita ko ang bahagyang paglungkot ng itsura niyo.

Naupo siya sa bangko at pinagkatitigan ako habang nililipat ko sa plato iyong pagkain. "Nak, pasensya ka na kay Lucianda ah. Ganyan lang talaga ng batang iyon dahil ayaw niya akong napapagod. Kung may nasabi man siyang ikinainis mo, ako na ang humihingi ng dispensa." Aniya nito na ikinahinto ko.

Lucianda pala ang pangalan ni Bruha. Ano ba 'yan pang matanda! Parang sa tatay ko lang. Lucio tapos Lucianda, buti na lang may class ang pangalan ko-ADAM, oh diba? Tunog mayaman talaga. Iyon nga lang, masyadong pang-brusko para sa magandang katulad ko.

"Ano ka ba naman Nay, okay lang 'yon. Kahit naman ganoon si bruha-este Lucianda naiintindihan ko naman siya. Iyon nga may sakit ka, syempre concern lang siya sa kalagayan mo. Kahit naman ako, ganoon din ang mararamdaman kung ako ang nasa sitwasyon niya." Sagot ko matapos alisin sa supot ng plastic iyong tinatawag nilang pansit malabon. Inabot ko iyon kay Nanay natapos kong malipat sa plato. "Kain na tayo Nay. Kanina pa nagrarambulan iyong mga alaga ko sa tiyan." Sabi ko pa bago tuluyang kumain.

Tahimik kaming kumain hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magsalita. May gusto kasi akong itanong kay Nanay na kanina pa gumugulo sa isip ko. "Nay." Mahinang tawag ko sa kanya.

"Hmm? May problema ba Nak? Hindi mo ba nagustuhan iyong pagkain?" May pag-aalala sa boses nito kaya naman mabilis ko iyong tinutulan.

"Hindi. I mean, may itatanong kasi ako."

Uminom muna si Nanay ng tubig bago magsalita. "Ano 'yon?"

"Nasaan ang asawa mo Nay? Iyong Tatay ni bru-Lucianda?" Pag-usisa ko na mabilis ko ring pinagsisihan.

Tumamlay kasi ang itsura ni Nanay at gustuhin ko mang bawiin ang tanong ko e, hindi ko magawa. Nasabi ko na eh. Okay lang naman kung hindi niya sagutin, hindi ako mamimilit.

"Huwag mo ng pansinin ang sinabi ko Nay. Nagtata-" Pagbawi ko sana pero biglang nagsalita si Nanay kaya napahinto ako.

"Wala akong asawa." Sagot niya na ikinalaki ng mga nagagandahan kong mata.

"HA?! Paano nagawa iyong bruhang 'yon? Hindi naman pwedeng mag-anak ng mag-isa lang." Hirit ko.

"Si Lucianda...hindi ko siya anak." Mahinang saad niya at malungkot akong nginitian.

Hindi naman ako nakaimik sa pagkabigla. Kaya pala 'di niya kamukha. Si bruha kasi parang may lahi, akala ko tuloy nakasungkit si Nanay ng Amerikano.

"Mga walong buwan pa lang siguro si Lucianda ng nakita ko siya sa tabi ng basurahan, nakalagay sa karton. Pauwi ako doon galing sa bahay niyo nang makarinig ako ng batang umiiyak at doon ko siya nakita. Sinubukan kong magtanong-tanong sa mga tao doon kaso wala raw silang napansin na babaeng may bitbit na bata kaya kinupkop ko na lang siya. Pansin mo naman, hindi siya purong Pilipina at isip-isip ko ay baka aksidenteng nabuntisan ng kano ang tunay na Nanay niya pagkaraan ay iniwan. Wala akong balitang naghanap sa kanya matapos noon kaya tuluyan ko na siyang kinupkop bilang anak ko. Sa katunayan ay sobrang saya ko pa dahil kahit wala akong asawa, may anak naman ako na makakasama habang buhay." Pagkahaba-habang kwento ni Nanay na ikinatango ko na lang. .

"Pero Nay naman, ba't naman Lucianda ang pinangalan niyo? Para niyo naman sinunod kay Papa. Masyadong makaluma!" Asik ko na nagpabalik sa ngiti nito. Malakas pa nga itong natawa.

"Maganda naman ang pangalan ni Lucio ah. Isa pa, magkalapit diba? Lucianda tapos Lucio. Alam mo si Lucio, kahit mahigpit iyon ngayon ay malambing iy-"

Hindi ko na siya pinatapos ng may napagtanto ako. "Yuck Nay, pinagnanasaan mo si Papa!"?!"

Nanlaki naman ang mata niya at biglang inabante ang kamay palapit sa akin saka ako pinalo sa balikat. "Anong pinagnanasaan ka d'yan! Oo, nagkagusto ako sa Papa mo pero hanggang doon lang iyon. Gusto ko ang Mama mo para sa kanya at isa pa, mahal nila ang isa't isa. Alam kong alam mo 'yan tutal hindi ka mabubuo kung hindi totoo ang sinasabi ko."

Napasimangot naman ako. "Nay naman, nagulat lang naman ako sa rebelasyon mo. Hindi ko akalain na type mo pala si Papa. Panget ng taste mo Nay."

"Anong panget? Aba nak, hindi ka ba proud. Mukhang-mukha mo nga si Lucio, walang tapon. Lalo na iyong mata mo na kakulay ng dagat pati iyang tindig mo. Sayang nga lang at naging tagilid ka. Hindi ko aka-"

"Nay, Tama na." Pagpapahinto ko sa kanya. "Oo na, kamukha ko na si Tatay, babaeng version niya nga lang. Tama na Nay, napapaghalatan kasing patay na patay ka kay Papa. Kumikislap pa ang mga mata mo oh, ang harot!" Hindi makapaniwalang iling ko. Kita ko pa si Nanay na tumikhim para itago ang hiya pero...Oh Well, hindi ko siya masisisi. Walang panget sa pamilya namin eh.

|R.N|IMVICTORIQUE

💜💜💜

FOLLOW

VOTE

COMMEMT

GOD BLESS

P.S: Ang story po na ito is sakto lang. Hindi iyong tipong sobrang heavy ng twist.
Ciao!
Sorry, late upload.

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon