Chapter 11.1: Adam, the Pretender gay

527 62 9
                                    

Adam

BAGO ko pa tuluyang masirado iyong gate ng bakuran namin, pingot na agad ang humila sa akin papasok ng bahay. Hindi man lang muna ako binigyang ng oras para mamahinga saktong kakauwi lang namin. "A-A-ARAYYY! B-BITAW NA! MASAKIT!!" Bulalas ko habang sapo-sapo iyong tenga na hindi pa rin binibitiwan ni Lucianda.

"SANA NAISIP MO IYAN BAGO KA GUMAWA NG KWENTO KANINA!" Galit na lintanya niya pabalik sabay marahas na binuksan ang pintuan.

"Jusko Maryosep kayong dalawa. Akala ko kung ano na, ano na naman bang problema niyong dalawa at nagsasakitan na naman kayo?" Naku-konsimisyong saad ni Nanay pagkasalubong sa amin.

Binitawan ko ang bag ko saka tinuro si Bruha. Buti na lang nandito si Nanay, parang bigla akong nakakita ng anghel sa tuwa.

"Nay, kita niyo Nay? You saw it with your own two eyes. Nakikita mo na ang ebidensya, siya ang nananakit hindi ako. See? iyong anak niyo talaga ang dapat sisih-AYYYY NAY OHHH! AYAW BITIWAN ANG PRECIOUS EAR KO!" Sumbong ko habang nagpapaawa.

"ABA'T HINDI AKO MAGKAKAGANITO KUNG HINDI MO GINAWA IYONG KANINA!" Sigaw pa ni Bruha pero hindi ko siya pinansin. Sa halip na kay Nanay Flor ang buong atensyon ko para humingi ng tulong since si Nanay naman ang weakness ni Bruha.

Gayon na lang ang lungkot ko nang umiling lang si Nanay at tumayo. "Haynaku! Bahala nga kayong dalawa at maglalabada muna ako kanila Aling Mercy. Oh siya, pagdating ko dapat tapos na iyang gulo niyo ah. Hindi ako magtatagal dahil kaunti lang daw iyon." Bilin nito sa amin sabay tayo para umalis. Hala lagot, na-immune na si Nanay. No-No-No, ano na lang mangyayari kapag iniwan niya ako sa kamay ni Bruha. Baka maabutan niya akong ratay-ratay na.

"Teka Nay!" Pigil ko bago siya tuluyang lumabas. Saglit akong napangiwi dahil mas humigpit ang hawak ni bruha sa tenga ako, wala atang tenga kaya ayaw akong bitiwan.
"Ano iyon?"

"Sama ako." Parang batang pagmamakaawa ako habang mahigpit na nakakapit sa braso niya.

"Ano namang gagawin mo doon? Mabuti pa tumulong ka na lang kay Lucianda at hindi naman mabigat ang gagawin ko. Sige na at nang maaga akong makatapos." Alis nito ng kamay ko sa kanya sabay alis.

Napakagat ako ng labi sa kaba. "At sa tingin mo makakatakas ka hah? DAPA!" Dumadagundong na sigaw niya sabay tulak sa akin nang malakas sa sala.

"Grabe ka naman, anong dapa? hindi pa ako handa. BDSM lang girl? Paano iyan hindi ako masochist?" Kunwaring pagbibiro ko na sana tumalab pero HINDI!!!

"LUHOD!!" Utos niya uli.

"Ano ba talaga dadapa o luluhod? ang dami mong alam na posisyon a-A-A-Awww!!! Oo na po luluhod na. Hindi mo kailangan mambato at baka matamaan ang face ko." Nakangusong untag ko sabay yuko. Mahirap na at baka puntiryahin na namang ang mukha ko.

"Hayy! Bwisit-bwisit! Nakakainis ka talaga!!!ARGH!! Ano bang pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'yon kanina ha?!? Ano na lang ang ihaharap ko sa mga tao eh kanina pa lang pag-uwi samu't saring tingin na ang natanggap ko." Pagod na anya niya, tila problemadong-problemado.

Napaangat ako ng tingin. "Ayaw mo noon, instant celeberity kana. Atsaka, ano bang inaarte mo d'yan? sa itsura ko palang hindi kana lugi." Katwiran ko.

Kung makaarte kasi kala mo kung sino, pasalamat nga siya at gwa-maganda itong nakahalik sa kanya. If i know, maraming babae ang gustuhing mapunta sa posisyon niya mahalikan ko lang no.

"Kung 'yan lang din naman ang problema mo, huwag kang mag-aalala sabay nating sasalubungin mga tingin ng tao." Pabirong dagdag ko pa sabay kindat. Naks naman, saan ko ba natutunan 'tong lumalabas sa bibig ko.

"GAGA! MANAHIMIK KA NGA AT KINIKILABUTAN AKO SA PINAGSASABI MO!" Bato niya uli sa akin nang tsinelas na naabot niya sa sahig. Lang hiya, ang bilis talaga ng kamay nito. Buti na lang nasasalo ko.

Dahan-dahan akong tumayo at hinila si Lucianda paupo habang ako nasa likod niya. Buti na lang hindi umangal si Lucianda kaya pakunwaring minasa-masahe ko ang leeg niya, pang-alis ng init ng ulo. "Ito naman, binibiro ka lang eh. Alam mo masyado kang highblood. Hindi kaya maganda 'yan at baka maaga kang kunin ni lord, sige ka. Ikaw rin nasa huli ang pagsisisi."

"Kung hindi ka ba naman kasi-"

"OPS! SHUT UP NA." Takip ko sa bibig niya na agad niya ring inalis. "Ano bang kinaalala mo, akong bahala sayo basta makisama ka lang."

"Nang dahil kay Damien, nagkakaganito ka. Jusko, para lang sa lala-"

"Syempre! Sinaktan niya ang puso ko kaya dapat lang na makaganti ako." Nauuyam na depensa ko sa sarili ko, feeling heartbroken.

"Paano ka niya nasaktan eh' hindi niya naman alam na bakla ka at may gusto ko sa kanya."

"Alam niya kaya!" Untag ko. "Hindi mo ba narinig kanina na sinabi niyang bakla raw-"

"Eh bakla ka naman talaga." Diretsahang niyang putol sa sasabihin ko. "May point is hindi mo naman sinabing gusto mo siya kaya bakit umarte-arte ka diyan na akala mo ni-reject ka niya. Ikaw ang mali doon hindi siya."

"Ah basta, hindi ako papayag na liligawan ka niya." Pag-iiba ko ng usapan. Direct to the point kasi masyado si Lucianda kung magsalita, napaka-pranka.

Tumayo si Lucianda at matapang akong hinarap. "So ano ako? gagamitin mo lang?"

"Sino bang nagsabing gagamitin lang kita eh, girlfriend nga kita diba? Ano pa bang piniproblema mo. Ang hirap sayo, lahat na lang ng bagay pinag-iisipan mo. Kalma lang Lov-"

"Ayan, isa pa 'yang Love-love na 'yan! Kailan ko sinabing tawagan natin 'yan!"

"Syempre, joke ko lang iyon. Wala na akong maisi-Aray girl, akala ko ba tapos ka na manakit. Bakit nananakit ka na naman!" Reklamo ko nang hindi na ako makailag sa kanya dahil hawak-hawak niya na ang damit ko. Speaking of, hindi pa pala ako nakakapagbihis ng uniform.

"So ganun pala, kung hindi ako iyong nagustuhan ni Damien, ganyan rin ang gagawin mo sa iba. Paano na lang kaya kung si Nikki, noh?" Hinto niya, mukhang napagod.

"D-Depende." Hinihingal na saad ko pagkatigil niya.

"At anong depende? Sa ginawa mo sa akin ngayon imposibleng hindi mo rin sa kanya gawin 'yon." Galit niyang saad sabay tulak sa akin palayo. Lihim namang chineck ko ang uniform ko at baka nangasira ang mga butones kakahila ni Lucianda kanina.

"Tamang hinala ka, hindi ko siya type nuh!"

Pinameywangan niya ako. "So, anong pinararating mo? na type mo ako, ganoon ba?" Seryosong pahayag niya na ikinakamot ko ng ulo.

"Pede na rin, tutal pareho tayong half-half compatible naman." Tango-tango kong sagot sabay kindat sa kanya.

Oh diba, ang galing ko sa part na 'yun. Iyong mukha ni bruha, literal na dumbfounded.

Bwahaha! I won.

|R.N|IMVICTORIQUE

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GODBLESS

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon