Chapter 10.1: Adam, the liar gay

526 51 7
                                    

Adam

LUMIPAS na ang araw, buwan at ta-'de biro lang hindi pa ako umaabot ng isang taon dito kalahati pa lang. Nitong mga nakaraang buwan, napapansin kong parang nilalayuan ako ni Damien. Nag-uusap kami pero ramdam kong parang ilag siya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya kung bakit ganoon na lang ang pagtrato niya sa akin pero nakakainis lang, sana naman ipaliwanag niya kung ano ang problema hindi iyong nangangapa ako. Isa sa mga naiisip kong dahilan ay baka alam niya ng bakla ko tapos homophobic pala siya.

"Hayy!" Napangalumbaba ako sa lamesa namin habang kaharap si bruha. Naghihimay kasi kami ng malunggay dahil iyong ang uulamin namin ngayong gabi. Si Nanay naman wala dahil naglalabada sa kapit-bahay. Ayaw sana pakilusin ni Bruha kaso mapilit.

"Problema mo, bakla? At kung makahinga ka parang dala-dala mo iyong mundo. Ang baho kaya." Tanong niya na may pang-iinsulto pa. Ito talagang babaeng ito, ang hilig mang-asar, kitang wala ako sa mood eh.

Hindi katulad dati, kahit papaano nagkakaayos naman kami minsan. Yepp, MINSAN. Unlike before na halos araw-araw kaming nagtatalo, ngayon minsanan na lang. Isang araw hindi kami mag-aaway tapos sunod na araw away kami uli then sunod hindi-Ah basta ganoon lagi iyong cycle. Pahinga lagi ng isang araw at dahil nga hindi kami nag-away kahapon trip na naman ako ni bruha iyon nga lang wala akong ganang makipagtalo ngayon.

"Ikaw nga bruha tapatin mo nga ako. Nililigawan ka na ba ni Damien ha? then kaya niya ako nilalayuan dahil nagseselos ka sa relasyon namin?!" Lakas-loob kong tanong. Punong-puno ng kaseryosohan ang mukha ko habang hinihintay ang reply niya pero isang hampas ng tangkay ng malunggay ang natanggap ko sa mukha.

"Ang kapal naman mukha mo! Ano namang kaselos-selos sayo at anong relasyon?! Nananaginip ka ba ng gising?! Isa pa, hindi porket kinakausap ako ni Damien meaning gusto niya ako."

Naparolyo ako ng mata sa narinig. "Ay tanga." Wala sa sariling nasabi ko. Hindi ko alam kung manhid ba talaga siya o nagkukunwari lang eh. Hindi niya ba nahahalata, simula't sapul sumisimple na si Damien sa kanya tapos sasabihin walang gusto.

"Anong tanga?!" Akmang hahampasin niya uli ako ng tangkay ng malunggay nang naagapan kong hawakan ang kamay niya.

"Alam mo kanina ka pa, ang bilis ng kamay mo. Lahat na lang ata ng mahawakan mo ihahampas mo sa akin. Pasalamat ka wala dito si Nanay kundi isusumbong kita. Nanahimik na nga ako eh." Asik ko bago siya bitiwan at ang bruha tinarayan lang ako gaya ng lagi niyang ginagawa. Pansin niya sigurong wala akong balak makipag-away ngayon kaya ayon nanahimik na lang sa isang tabi.

••••

KINABUKASAN sabay kami pumasok ni Lucianda at nakita kong nakaabang na si Damien banda sa may gate. Nang magtagpo ang mata namin kakawayan ko na sana siya kaso mabilis siyang umiwas at nginitian ang katabi ko kaya napasimangot na lang ako bago ibaba ang kamay.

"Hey Luc, Good morning!" Masayang bati niya kay Lucianda nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Napapadyak na lang ako sa gilid, habang naririnig silang nagbatian. "Walang Good sa morning. Tch" Nayayamot na saad ko bago sila iniwan. Kung ganyan na lang din naman ang pagtrato sa akin ni Damien, wala na akong pakialam. Hindi lang siya ang nag-iisang gwapo sa mundo noh. Madami pa akong makikita diyan sa tabi-tabi. "Gusto niya ng ganyan, puwes pagbibigyan ko siya. Simula ngayon hindi ko na siya crush. Manigas siya diyan!" Anya ko sa sarili ko sa sobrang gigil bago patakbong nagtungo sa room namin.

Buong klase hindi kami nag-usap ni Damien kahit pa sabihing magkatabi kami. Alam kong napapansin iyon ng mga kaklase namin dahil samu't saring reaksyon ang naririnig ko na hindi ko na lang binibigyang pansin. Nang mag-dismiss, walang sabi-sabing lumabas na ako ng room at pumunta sa canteen.

Nang makarating ay umupo agad ako sa bakanteng upuan na ni-reserve nila Lucianda, mas maaga kasi ang break time nila kumpara sa amin kaya mas nauuna silang makarating dito.

"Anong nangyari sayo at parang bad trip ka ata." Komento ni Nikki na siyang katapat ko.

"Wala, may iniisip lang. Teka, bibili lang ako ng pagkain." Tayo ko uli sa upuan ko. Bago pa ako makaalis, napatigil ako dahil hablot-hablot ni Nikki ang dulo ng damit ko.

Nang taka ko siyang tiningnan, nag-puppy eyes siya sa akin na agad ko ring na-gets. Nanggigigil na nginitian ko siya sabay alis ng kamay niyang nakakapit sa akin.

"Libre mo?"

"Lang hiya, Oo na. Hiyang-hiya talaga ako sa kakapalan ng mukha mo." Iling ko na tinawanan niya lang. Si Lucianda naman napahilamos na lang ng palad sa mukha dahil sa kalokohan ni Nikki. Iling-iling na iniwan ko na lang sila.

Nang makabalik ako dala-dala iyong kakainin namin. Naabutan kong nandoon na si Damien sa table namin tapos iyong kaninang inupuan ko sa tabi ni Bruha ang inupuan niya. Iyong bag ko na iniwan ko doon kanina ay nalipat sa katapat na upuan.

Padabog na nilapag ko iyong tray na dala ko sa lamesa at kinuha ang bag ko doon sa upuan. Pinaurong ko si Nikki doon sa bakanteng upuan dahil ayokong katapat si Damien baka mas lalo lang akong ma-bad mood. Hindi naman dapat ako magkakaganito kung hindi niya ako inunahan eh. Ngayon bahala siya daan, buo na ang isip ko. Gagawin ko ang lahat para hindi maging sila ni Lucianda, sa paraang iyon ko siya gagantihan.

Sa kalagitnaan ng break time namin, nanatili akong tahimik habang kasalukuyang nagkukwento si Damien ng kung anu-anong nakakatawa kay Lucianda. Si Nikki naman, hindi ko alam kung nakikinig ba siya o hindi dahil ninanamnam niya lang ang pagkain niya sa tabi ko.

"Nga pala Luc, Are you free tomorrow? Aayain sana kitang lumabas since Weekend naman na bukas." Rinig kong sabi ni Damien na siyang ikinalaki ng mata ko. Heto na, nagsisimula na siya.

Saglit na binaba ko ang hamburger na kinakain ko bago magsalita. "She's not free, magagalit ang boyfriend niya." Madiing bigkas ko na ikinagulat nilang lahat.

Si Lucianda nagtatakang inangatan ako ng kilay. Si Nikki naman biglang nabilaukan kaya inabutan ko siya ng tubig.

"Boyfriend?" Pag-uulit ni Damien.

"Kailan ka pa nagkaboyfriend? bakit wala akong alam?! Nakakatampo ka bestfri-"

"T-T-Teka nga, Ada-" Bago pa mabuking, pinutol ko na ang kung anong sasabihin ni Lucianda.

"Yes love?" Mabilis na sagot ko. Gusto ko sanang pilpilin ang bibig ko sa pandidiri pero wala na akong ibang maisip na ibang paraan kaya paninindigan ko na lang.

"H...Ha? L-love?" Lutang na tanong ni Lucianda sakin kaya napangisi ako.

"Yes, love. Hindi ba iyon ang tawagan natin? Ikaw pa nga mismo ang may pakana noon eh." Pagsisinungaling ko na mas kinaputla ng mukha niya. Well, Sorry Lucianda but i have to do this. Hindi ako papayag na maging magsaya kayo ni Damien habang ako sawi sa isang tabi.











Umpisa pa lang ito....

|R.N|IMVICTORIQUE

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GODBLESS

PS: Sorry for not updating for weeks. Sobrang busy talaga dahil kada week, may sinasagawa kaming two experiments and napakahirap niya talaga gawin at sagutan.
Ngayon pa lang, asahan niyo na may delay talaga sa susunod.
Thank you for understanding and support.
Love you guys <muah> 💋💋❤








ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon