Chapter 6.1: Adam, At the University

500 57 10
                                    

Adam

Mabilis na nagdaan ang mga araw at halos mag-iisang buwan na rin akong nakikitira dito kanila Nanay Flor, magmula noong lumayas ako sa bahay namin. Wala na rin akong narinig pang balita tungkol kanila Mama dahil ayon kay Gavy ay tila tinanggap na ng magulang ko ang paglayas ko sa puder nila. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka, knowing my father alam kong may pinaplano 'yon para lang bumalik ako.

Sa isang buwan ko ring pagtira dito, ang dami kong natutunan na gawaing bahay. Hay naku, mga inday! ang hirap magkaroon ng kasamang babae, lalo na kapag masipag. Makita lang akong nakahilata sandali, nagbubuhol na agad iyong mukha. Kulang na lang eh, lampasuhin ako.

"Hoy, huwag ka ng tumanganga diyan, anong oras na. Hindi ko ugaling mahuli sa klase kaya kung ayaw mong maiwan mag-isa, bilisan mo na diyan!"

Napabalik ako sa ulirat nang umalingangaw na naman sa paligid ang bunganga ni Bruhang Lucianda, na kaharap kong kumakain.

"Ito naman masyado kung makapag-react! Alas-singko y medya pa lang te, alas-otso pa ang pasok natin. Ano ba'yan! balak mo pa atang unahan ang guard sa pagpasok. Huwag mo sabihin na part-time m-Ay Aray! Ba't ka naninipa!? Tikbalang ka ba!?!"

Himas ko sa binti kong sinipa niya sa ilalim ng lamesa. Lang hiya to, pinuntirya pa iyong buto ko.

"Kapag hindi ka pa manahimik diyan, hindi lang 'yan ang matitikman mo!" Ismid niyang sagot sa akin at inikutan pa ako ng mata. Tsk, kala naman niya natatakot ako. F.Y.I, dakilang maldita ata ako.

"Natatakot ako..."Arte ko sabay dila sa kanya.

"Kayo talagang dalawa, kung mag-asaran kayo tinalo niyo pa ang aso't pusa." Komento ni Nanay na kararating lang sa kusina.

"Eh, kasi siya Nay eh!" Duro ko kay Bruha. "Ang aga-aga mambulabog."

"Nay, ikaw na nga magpaliwanag d'yan! Masyadong tagilid ang utak, gaya niya." Tayo ni bruha na katatapos lang kumain.

"Unang araw niyo ngayon, anak. Kapag hindi kayo maaga pumunta baka mahirapan kana at siksikan iyon sa haba ng pila. Hahanapin mo pa iyong room mo. Bilisan mo na at mabilis kumilos iyong anak ko, maiiwanan ka talaga kapag nagkataon."

Dahil doon, mabilis pa sa alas-kwatrong tinapos ko agad ang pagkain ko. Bakit ba kasi may pila-pila pa?! masyadong hassle.

••••

Literal na napanganga ako nang makarating kami sa University. Asan ang pila? Ni wala pa nga gaanong tao?! Talaga namang bruhildang ito minadali lang ako.

Naninising nilingon ko si bruha habang naglalakad kami papasok.
"Tingnan mo! Ayan ba ang mahaba ang pila?! Eh wala pa nga sa bente ang mga tao dito! Minadali mo lang ako eh, di sana nasulit ko pa ang beauty sleep pa ako!! Bruhilda ka talagang babaita ka!"

"Gaga, na-swertehan lang yan. Huwag kang reklamador bakla. Anong room mo at ng maituro ko saiyo nang sa gayon wala ng panget sa harapan ko!"

"Coming from you ah." Asik ko. Kapal talaga ng mukha ng bruhang ito, sabihan pa naman ako ng panget eh, siya nga itong mukhang mangkukulam. "Sinong panget ha? hindi mo ba alam maraming nabaliw sa kagandahan ko ha?!"

"Talaga namang nakakabaliw ang mukha mo, pwedeng-pwede na sa mental hospital."

"Aba't-"

"Hoy! Ano ba ang aga-aga mga bunganga niyo ang iingay!!" Sita ng guard. Lang hiya namang guard na 'to, masyadong usurero, di naman kasali.

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon