Chapter 3.1: Adam, the New face

698 51 4
                                    

ADAM

MATAPOS naming kumain balak ko sanang magpaturo kay Nanay Flor kung paano magsaing, ang kaso maaga pa daw. Atsaka, wala raw bigas kaya heto sinamahan ko siyang mamalengke gaya na lang ng utos ni Lucianda. Ayon kay Nanay, malapit-lapit lang ang palengke kaya ayon nilakad na lang namin sa kabila ng init. Buti na lang nagdala ako ng payong kaya kahit papaano hindi kami gaanong nainitan. May hika pa naman si Nanay.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang mapahawak sa braso ni Nanay nang mahigpit. Paano ba naman, halos andaming tumititig sa akin na tila isa akong kakaibang nilalang. Mayroon pang mga babae na sadyang babanggain kami pero bigla na lang hinihimas ang braso ko. Tapos iyong mga bakla, nagtitilian na may kasama pang flying kiss. Gusto ko sanang sumigaw na Hoy! Kauri niyo ko no! Pero huwag na lang, mas lalo lang akong mai-istress. Mga Sis, alam ko namang maganda ako pero nakakailang din kaya.

"Pagpasensyahan mo na, bagong mukha ka kasi kaya ganyan." Sabi ni Nanay kaya nanahimik na lang ako.

Pumasok muna kami ni Nanay sa Puregold na grocery store. Hinayaan ko siyang bilhin ang gusto niyang bilhin iyon nga lang ng kumuha kami ng basket, halos puro lucky me at mga delata ang nilagay niya kaya 'di ko maiwasang mangialam. "Nay, mapurga naman tayo sa sardinas n'yan at sa noodles. Mayroon doong meat section oh, akong bahala kung kulang yung pera." Turo ko sa kabilang banda.

Umiling naman si Nanay. "Ano ka ba iyang pera mo tipirin mo. Kasya naman itong isang libo na binigay ni Cianda sa akin. Huwag kang mag-alala bibili rin tayo ng manok. Doon nga lang sa labas at hindi dito. Makakatawad kasi tayo kung doon tayo bibili pati gulay." Paliwanag ni Nanay Flor na ikinahinga ko ng maluwag.

True to her words, bumili nga kami ng manok at gulay sa labas. At gaya nga ng sabi ni Nanay nakamura kami, lalo na dahil sa akin. Halos ilibre na nga kami ng isang tindera ni Nanay dahil nagwapuhan sa akin eh. Gusto ko sanang mandiri pero mamaya na lang sa bahay. Tiis-tiis muna para makamura.

Heto kami ngayon sa bilihan ng isda. "Gina, Mare, magkano 'tong tambakol mo?" Turo ni Nanay sa may kalakihang isda.

"Ikaw pala 'yan Mareng Flor, sino naman itong kasama mo? Pagkagwapong bata." Ngiti nito sa akin kaya ngumiti na lang din ako. Pang-ilan na ba siya sa nagsabi niyan? Diba pwedeng maganda naman?

"Ah, siya si Adam anak ng kaibigan ko. Pansamantala munang nakatira sa amin dahil may problema pa sa kanila." Pagdadahilan ni Nanay habang sinusuri iyong mga tindang isda na hindi ko alam kung ano ang mga tawag. First time ko lang kasi makapunta sa wet market kaya 'di ako gaanong pamilyar kung paano ang lakaran dito.

"Ah ganoon pala." Tango ni Aling Gina. "Ano nga uling tanong mo kanina Mare? Anong isda ba?"

Tinuro uli ni Nanay iyong tambakol tapos iyong isa pang isda na medyo may kaliitan. "Iyang tambakol saka galunggol. Magkano ba ang kilo ng mga 'yan?"

"300 ang kilo ng tambakol tapos 140 naman iyong sa galunggong. Nagmahal kasi iyong supply kaya tumaas rin ang presyo. Pero tutal, may pogi ka naman kasama 200 na lang para sa tambakol at 100 sa galunggong." Kindat pa nito sa akin animo'y nagpapacute. Alanganing tumawa na lang ako, si Nanay naman napailing.

"Sige Mare salamat. Pabili ako ng tig-iisang kilo. Heto iyong bayad." Abot niya ng 300 na tinanggap agad ni Aling Gina. Pagkaraan ay inabot na nito sa amin ang isda matapos ilagay sa plastic bag.

"Heto oh, balik kayo uli ha! lalo ka na pogi. Isasama ko na ang anak kong babae sa susunod para makilala mo." Anya pa nito na hindi ko na lang pinansin. Kahit isama pa niya ang anak niya at kung babae lang din naman, wag na lang. Except na lang kung lalaki tapos pogi. Go na go ako d'yan for sure!

"Nakamura ako dahil sayo ah, kahit papaano makakabili ako ng dose kilos na bigas. Ay teka, kaya mo pa ba? Masyado bang mabigat?" Usisa ni Nanay sa akin. Ako kasi ang nagbitbit lahat ng pinamili namin kanina. Hindi dahil sa utos ni Lucianda kundi dahil inagaw ko talaga. Mahirap na baka atakihin siya ng hika niya mismo sa palengke. Ayaw kong mangyari iyon.

"Okay lang ako Nay, kaya pa." Pagmamalaki ko kahit na medyo ngalay na ang mga kamay ko.

Bahagya namang umaliwalas ang mukha nito. "Huwag kang mag-alala anak. May tira pa namang bente ang magiging sukli mamaya, sakto para pamasahe natin sa tricycle." Anya niya na ikinadiwang ko ng palahim.

Thank goodness, hindi na kami maglalakad pauwi. Hindi na ata kakayanin ng mga kamay ko ang mga supot ng plastic na'to. Ang sakit sa kamay, grabe!

Sinundan ko si Nanay papunta sa bilihan ng bigas at ganoon na lang ang paglunok ko nang tumambad sa akin ang mga maskuladong katawan ng mga trabahador doon. Matatakam na sana ako mga Sis, iyon nga lang nung umangat ang mukha ko sa mga mukha nila, nakakapanghina.

Iisa lang ang nakita kong maitsura, iyong lalaking kaharap mismo ni Nanay. Gwapo siya, moreno, tapos may abs na mas lalong nagpalakas ng dating niya. Bahagyang gumawi ang mata niya sa akin, handa na sana akong ngitian siya kaya lang mabilis din niyang inalis sa akin ang atensyon. Napanguso na lang ako sa isang tabi.

"Nay flor, musta na? Ilang kilo ba?" Nakangiting tanong nito kay Nanay Flor. Napakunot-noo ako, kilala niya si Nanay Flor?

"Dose kilos lang Emil, dito sa halagang 40." Turo ni Nanay Flor sa inaamoy niyang bigas. Teka lang, may amoy ba ang bigas?

Kumilos naman agad iyong tinawag niyang Emil at mabilis na nag-scoop doon sa bandang tinuro ni Nanay. "Si Lucianda pala Nay, bakit hindi mo kasama? Bagong mukha ang kasama mo ngayon ah, kaano-ano niyo Nay?" Tanong ni Emil habang nagkikilo.

"Ah ito si Adam, anak ng kaibigan ko. Pansamantala muna sa amin." Pakilala niya sa akin. "Adam, anak, Siya naman si Emil, kababata ni Lucianda. Pamilya nila iyong may-ari nitong bigasan." Pagpapakilala naman ni Nanay kay Emil. Tumango na lang ako at gayundin siya.

"Ito na Nay, dose kilos." Abot nito samin ng bigas. Inabot ko naman iyon at bahagya munang ibinaba sa paanan ko para ayusin. Nilipat ko sa kaliwa kong kamay iyong ibang plastic. Tapos iyong kanan naman sa bigas para balanse.

"Kaya mo ba, nak? Ako na sa magagaan. Hindi mo naman kailangan lahatin ang pagbuhat niyan." May pag-aalalang sipat sa akin ni Nanay.

Umiling naman ako. "Kaya ko na, Nay. Pauwi naman na eh."

Pinabayaan niya na lang siya. "Oh siya, tara na sa sakayan." Turo niya doon sa pilahan ng tricycle.

••••

Pagod na naupo ako sa de-kahoy na sofa para makapagpahinga. Habang inasikaso naman ni Nanay iyong mga binili namin. Inabot ko iyong electric fan at tinapat sa akin. Sobrang init, jusko day!!

Sinipat ko ang orasan, maga-alas-onse na rin pala, kaya ganoon na lang katirik ang araw. Tumayo ako at lumapit sa maleta ko para kumuha ng damit. Napagdesisyunan kong maligo muna bago ko tulungan si Nanay, para kasing kumapit sa damit ko iyong amoy ng palengke. Ang bantot.

"Nay, ligo lang muna ako ah!" Sigaw kong paalam para marinig niya.

"Patuyo ka muna ng pawis mo nak, bago ka maligo." Bilin pa nito na sinuklian ko lang ng salitang tapos na. Bitbit ang kinuhang damit at maliit na tuwalya dumiretso ako sa banyo nila sa labas, malapit sa kulungan ng mga alaga nilang manok.

|R.N|IMVICTORIQUE

💜💜💜

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon