Chapter 6.2: Adam, At the University

493 46 4
                                    

Adam

GRABE!! ibang-iba ang University na ito sa pinasukan ko rati. Totoo nga ang sinabi ni Bruha na hahaba ang pila, buti na lang talaga maaga kami nakapunta kung hindi kasama rin ako sa mga taong nakikipagsiksikan sa gate. Nandito kami ngayon ni bruha sa fourth floor kung saan naka-locate
ang room ko, kaya malaya ko silang makita sa baba. Medyo kararating lang namin at nagpahinga muna dahil jusko, wala man lang elevator rito mga Inday. Ang sakit na ng tuhod ko, ba't ba ako napunta sa fourth floor aber?! Araw-araw mag-aakyat-baba ako? Seriously?!

"Tara na!" Aya ni bruha sabay hatak sa akin palakad. "Tama na 'yang pagpapahinga mo, kung hindi ka ba naman sangkaterbang tanga na nagdesisyon pang mag-aral sa public e'di mo sana 'di mo 'yan mararanasan ngayon. Huwag ka ng magreklamo at hahanapin ko pa ang room ko." Inip na sermon ni bruha. "BS-BM405, dito ka pa sa dulo, mamayang break sa canteen tayo magkikita. Kahit na ayaw ko kailangan ko dahil lagot ako kay Mama lalo na't First time mo pa naman. Isa pa, kapag tinanong ka kung ano ang koneksyon mo sa'kin lagi mong tatandaan na malayo mo kong kamag-anak, intindi?!"

"Tch, kung makapagsalita ka naman. Akala mo ba gusto kong mapagkamalan na boyfriend mo tulad na lang kanina?! Eww lang nuh, iitim muna ang langit bago mangyayari 'yon?! kung magiging lalaki man ako, hindi ako pipili ng babaeng bruha na bungangera pa!!"

"Aba't anong pinararating mo?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako nang naniningkit niyang mata. Kung makatingin akala mo isang agilang handa na akong dagitin. 'Kala niya naman, uubra sa akin iyang mga ganyan eh immune na immune na ako diyan, sa Tatay ko pa lang eh. Ikaw kayang maging bakla na magkaroon ng homophobic na tatay.
Naku, kung hindi lang talaga ito anak ni Nanay Flor, matagal ko ng pinatulan 'to.

"Ay slow ka teh!" Pang-aasar ko pa na mas lalong kinasama ng timpla niya. "Ang gusto ko lang naman iparating sayo na huwag kang mag-alala dahil hindi kita type kahit pa maging lalaki ako. Pero sorry ka na lang kasi bakla ako, hanap ko lalaki rin, iyong wala ng sayo." Pabirong nguso ko pa sa alam niyo na, doon sa hinaharap niya. Hindi ko mapigilang matawa nang mamasdan ko ang naging reaksyon ni bruha, ang bilis mamula. Kung may special effect lang 'to, tiyak na umuusok na ang ilong niya. Alam niyo, pansin ko rito kay bruha napaka-pikunin niya kapag ganito iyong mga usapan. Ayaw niyang inaasar ang hinaharap niya, oh di naman kaya pati iyong vajayjay niya, napakadali niyang magalit kapag binabanggit ko iyon. Hindi ko naman siya binabastos, pareho kaya kaming girl. Siya pa nga itong nauna at tiningnan pa talaga ang puri ko noong unang dating ko sa kanila.

"I-Ikaw..." Puno ng diin na saad niya na halatang malapit ng sumabog. Babala na 'to, baka makarate na naman ako ng maton na bruhang 'to, mahirap na at baka magulo ang itsura ko, nagpaganda pa naman ako ng bongga.

"Ito naman, binibiro ka lang eh. Masyado ka talagang seryoso." Pagpapakalma ko sa kanya. Mabilis na kinuha ko ang ang dalawang kamay niya at kunwaring minamasahe kahit hindi naman ako marunong no'n. Ah basta, ang mahalaga kumalma si bruha at baka pagdiskitahan na naman ang mukha ko. Insekyurada pa naman 'to.

"Bitawan mo nga ako." Marahas na bawi niya sa kamay niya at muling nauna. Maang na sumunod na lang ako habang patingin-tingin, malay mo may maligaw na pogi. Tumigil lang ako nang huminto na siya sa paglalakad at inip na tinitigan ako. Iyong titig na tila nagtatanong kung bakit ang tagal kong maglakad. Syempre, pa-demure muna ako ng kaunti. Ang hirap ng floor nila dito, makintab nga madulas naman. It's a good thing, hindi ako nagsuot ng heels.

"Ano ba 'tong sahig niyo, baka kung hindi ako nakakapit sa railing, nagswimming na ako sa sahig. Sobrang dulas." Angal ko pa nang maabutan ko siya.

"Bagong floor wax kasi kaya madulas talaga. Anyways, dito na iyong room mo." Saad ni Lucianda sabay bukas ng pinto. Maingat na pumasok ako at pinagmasdan iyong paligid, iyong magiging room ko ng isang buong semestre. Kung tutuusin, marami talaga silang pinagkaiba ng school ko, kung doon plastic iyong nga chairs dito gawa naman sa kahoy. Tapos blackboard ang gamit hindi white board. Bukod pa doon, may aircon sa private pero sa public de-electric fan. Wala namang kaso sa akin iyon kahit na laking private ako, wala akong pakialam kung hindi gaanong kaaya-aya iyong surroundings basta matututo ako. Nasa kalidad pa rin naman kasi iyon ng pagtuturo, maliit na factor lang ang iyong sa environment.

"Okay na rin." Untag ko. Humanap ako ng magandang upuan at inurong iyon banda sa pangalawang row. Pinuwesto ko iyon sa may Bintana na pwedeng buksan-buksan kapag nainitan. May electric fan naman na umiikot sa ceiling, kaya abot pa rin naman ako kahit kaunti.

"Dito na ako, maghintay ka na lang diyan hanggang mag-alas-otso. Unti-unti ring magdadatingan iyong mga kaklase mo."

"Opo nay." Tamad na usal ko sa kanya pabalik. "Sige na layas na. Ba-bye!" Kaway ko bago siya tuluyang tumakbo paalis. Mukhang sabik na sabik na iwanan ako, bilis lumarga eh.
Tahimik na tumingin na lang ako sa labas. Hayyy... Kakayanin ko ba talaga itong school year na 'to?! Kamusta na kaya sila Mama at Papa?

Samantala...

In Villareal estate

"Are you really sure you won't let him come back?! It has been a month already. He's your son, Lucio. If something bad happened to him, I'll surely loathe you." Galit na bulalas ni Amanda sa asawa nang mabungaran niya itong prenteng nakaupo lang sa sarili nitong opisina hawak-hawak ang mga papeles.

Saglit na binaba nito ang reading glass na suot-suot bago sumagot. "It is his fault for being gay. Don't worry, he's going to be fine."

"How can you be so sure? We don't even have a contact on him. What if he lose weight already? What if-"

Dahan-dahang tumayo si Lucio at nilapitan ang asawa. Pagkaraan ay niyakap niya ito para kahit papaano mabawasan ang pag-aalala nito sa anak.

"Calm your nerves, Amanda. Don't worry okay." Pag-alo niya pa sa likod nito. "Didn't i always told you that i have everything under control. He'll be home soon."

'Next year, probably.' Isip-isip ni Lucio habang akap-akap si Amanda na walang kaalam-alam kung ano ang pinaplano ni Lucio para sa anak nila.

|R.N|IMVICTORIQUE

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS

ANDANTE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon