Room 16

933 27 7
                                    

I am AB positive

(Author's block lol)

Room 16

It turns out na sa halip pumasok ay naggala nalang ulit kami ni alvin. May pagka-BI din yun pero ayos lang tapos naman na ang exam at wala pang masyadong lesson.

"Salamat talaga, at saka dito sa cake"

"Hindi ko nga akalain na matakaw ka pala, hindi kasi halata" namula ako sa sinabi niya. Kanina kasing lunch, late na kami kumain at sa sobrang kagutuman ko ay naka four cups ako ng rice.

"Pasensya na alvin, nakakahiya talaga yun, baka akalain mong pg ako"

"Ok lang basta maging healthy ka, sige na pumasok ka na"

"Si-sige" tuluyan na siyang nag-paalam dahil makulit ako at ayaw ko pang pumasok ay pinanuod kong mawala ang sasakyan niya.

"So kailangan talaga tititigan pa ang sasakyan niya? Tss" lumingon agad ako at nakita si ero na nakasandal sa gate. Mabilis din siyang umalis kaya hindi na ako nakasagot.

Lahat ng paraan na ginawa ko para makalimutan siya kanina ay bumalik lahat ng makita ko siya. Bakit ganun siya? Bakit ang sama sama na ni ero? Iba na ang erong kaharap ko. Itong ero ngayon ay judgemental, possesive and very selfish.

Pagkapasok ko sa room ay may nakita agad ako na box. Pinulot ko ito sa sahig at kinuha ang note.

Binasa ko ang note na nakasulat.

"Be careful" kay jiji ba ito galing? Lumabas ulit ako ng kwarto at kinatok si jiji. Pero walang sumasagot aalis na sana ako ng mapansin kong hindi naman pala sarado ang kwarto niya. Binuksan ko ito at itatanong kung sa kanya ba galing ito.

"Jiji?" Madilim sa kwarto niya kaya hinanap ko ang switch sa gilid ng pintuan.

*click*

Tumambad sa akin ang magulong kwarto ni jiji. Sobrang gulo. Lahat ng libro niya ay nakakalat sa sahig pati mga damit ay sira sira.

"Jiji? Asan ka?" Inilipag ko muna ang box sa tabi ng pintuan niya at maingat na pumasok.

Rinig ko ang pag-agos ng tubig mula sa cr kaya nagtungo ako doon. Pero walang jiji doon, halos mapuno na ang tubig ng balde kaya pinatay ko ang gripo.

Ano kayang nangyari dun? Aalis na sana ako ng may maamoy ako, ang amoy na yun hindi ako pwedeng magkamali. Ang lakas talaga ang amoy ng rose sa kwarto ni jiji. Ganito ang amoy sa crime scene kay nicole. Pumunta ako sa may salamin at tiningnan ang mga gamit niya pero walang pabango doon kahit sa mga drawer niya. Sa isa pang drawer nakita ko ang isang box na katulad ng nakita ko sa harap ng pintuan ko. Kinuha anh box sa drawer ni jiji at ang box na iniwan ko sa may pintuan niya. Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at naglock. Inilapag ko ang dalawang box na kulay pula sa aking higaan.

"Please sana ito na ang sagot sa mga tanong ko, please naman para matapos na ito." Pinipit kong kalmahin ang sarili ko bago ko buksan ang mga box kumuha muna ako ng tubig at ininom ito. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko kaya dapat handa ako.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay nagulat ako na bukas na ang isang box. Ito yung box na nakita ko kanina dito sa kwarto. Dahan dahan akong lumapit at mga litrato ng isang masayang barkada ang tumambad sakin. Kagaya ng pinakita sakin noon ni jiji, kasama nila sina Ina, meredith, francis, alvin, ero, james, nicole, at ero. Pero ang napansin ko kung sila allisa at ero noon bakit si alvin ang katabi niya sa halos lahat ng picture. Anong meron sa kanila? At sa isang picture nagtama nga ang hinala ko. Si alvin at si ally ay magkayakap at si ero ay nakatingin lang mula sa malayo. Somehow nakaramdam ako ng awa sa kanya na may gusto kang isang tao pero hindi mo malapitan. Pagkatapos kong tingnan lahat ng pictures ay binuksan ko ang isang box na galing naman sa kwarto ni jiji. Ang nakakapagtaka lahat ng tao sa picture ay may ex mark kaya hindi ko makita kung sino ba ang nasa picture. Pare-pareho lang naman ang damit ng nasa picture at kita mula sa angulo ng mga picture na halatang stolen ang nga ito na para bang minamanmanan sila. Ilang pictures pa ang tiningnan ko hanggang sa napagtanto ko kung sino ang nandun.

"Bakit hindi ko agad naisip yun?" Bulong ko sa sarili ko.

"Si ero ang..."

Vooooote, commmment and shaaaaaaaaaaare

Intayin kong maka-seventeen na comments saka ako mag-update. Kaya yung mga silent readers ko dyan, comment din pag may time.

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon