Room 19

867 23 6
                                    

Room 19

One

Two

Three

Four

Five

Six

six days, six days na akong nasa hospital. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Wala silang sinasabi tungkol sa kalagayan ko. Ayaw din nilang kontakin ko ang pamilya ko.

Naririnig ko ang iba na sumisigaw sa kabilang kwarto at sinasabing 'hindi ako baliw! Hindi ako baliw!'

Nalilito ako kung bakit ako nandito. Anong nangyari kay chief warren. Ano na ang mangyayari sa akin.

"Pwede ba akong lumabas?" Tanong konkay nurse jing na siyang nag-aalaga sakin.

she sigh

"Sige pero sandali lang, binilin kang huwag palabasin pero-ag basta sa tabi lang kita ha" tumango ako agad. Oh god ngayon ko lang uli makikita ang labas simula ng makulong ako sa miserableng lugar na ito.

Paglabas namin may iba ding pasyente na nakasuot ng kagaya sakin. Isa lang ang masasabi ko, sila ay mga...

"Baliw" tama nga ako, nasa institute nga ako ng mga baliw. Pero bakit nandito ako? Anong ginawa ko? Nakapatay ba ako? O nasiraan nalang talaga ng bait? Habang tumatagal sa pag-iisip ay sumasakit ang ulo ko. Napaluhod ako sa sakit.

"Ahhhh!!!" Hindi ko kinaya ang sakit, parang binibiyak ang utak ko.

"Madi! Madi! Kumalma ka!"

"Ah! Ahhhhhh! Layuan mo ko! Layuan mo kooooo!!!" Naramdaman ko nalang na nawala na siya sa tabi ko at sumisigaw na tawagin ang security at mga doctor.

Tumakbo ako habang nakahawak sa ulo ko, hindi ko alam kung saan pupunta pero ang alam ko lang ay gusto kong makalabas kung hindi baka mabaliw na talaga ako.

"Kamusta siya?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig ng makadaan ako sa isang kwarto. Tumigil ako ng hinihingal.

"Nakatulala lang siya. Lagi niyang sinasabi na kailangan na niyang umuwi pero hindi ko siya papayagan-" naputol ang pagsasalita ng nasa loob ng kwarto ng tumunog ang cellphone nito.

"Excuse me lang" wala akong narinig na sagot. Tiningnan ko ang door knob at hinawakan ito. Pinihit ko ito dahan dahan pero bago pa ako makapasok ay dumating na si nurse jing kasama ang dalawa pang nurse at isang doctor.

"Bitawan niyo ako! Ayoko dito! Hindi ako baliw!" Tinurukan nanaman nila ako at paggising ko ay nasa kwarto na ako.

Nakatulala lang ako, hindi ko na lalo pinapansin si nirse jing pero isang araw--

"Madi may bisita ka, sir pasok na po" kinabahan ako kung sino ang bisita ko. Wala pang dumadalaw sakin simula noon, ngayon palang.

"Madi?" Hindi ako makapaniwala, parang gusto kong maiyak. Sa lahat ng tao na pupunta sakin dito ay siya pa. Naiiyak ako dahil sa tuwa.

"Alvin" yun lang ang kailangan kong sabihin at alam niyang ang kailangan ko lang ngayon ay isang tao na masasandalan.

"Shhh tahan na, everything will be alright"

"Ayoko na dito, tulungan mo kong makaalis, please kinukulong nila ako"

"Shhh we'll find a way, tingnan mo ko" tumingin naman ako sa kanya kahit punog puno ng luha ang mukha ko.

"Do you trust me?" Tumango ako

"Pero si ero may kailangan kang malaman tungkol sa kanya-"

"Shhh I know I know, at wag ka na masyadong mag-worry pag ok na ang lahat tutulungan kitang makalabas dito, just be good to them promise?"

"Pero papano ka" gusto ko na talagang umalis dito, gusto ko ng magpakalayo!

"you don't have to worry cause everything will be fine"

And that word .

'fine'

I'll hold into that even if it takes a lifetime.

-------------------------

Want a dedication? Just follow me and vote and comment to all the chapters of this book, then if your done PM me right away at my message board. Theres a limited slot so better hurry.

Don't forget to vote, comment and share!

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon