Room 13

1K 31 3
                                    

Just want to thank you guys dahil hindi aabot sa 13 parts ito kung hindi dahil sa inyo. I also want to inform you na I will be gone for a couple of days. Baka tom. ang update ko or kaya next week na. Sana pagbalik ko mas madaming votesss and commentsss. Don't worry may reward ang may pinakamaganda at pinakamahabang comment. Maybe two or three dedics from my other books.

Ps walang wifi dun huhu

Now enjoy reading...

Room 13

"Madi may naghahanap sayo" umaga na at dapat paalis na ako para umuwi kayna mama. Hindi na ako nakatuloy nung gabi dahil kasagsagan ng bagyo.

"Sino daw?" Matamlay kong tanong kay ina.

"Mga pulis, nanghihingi sila ng statement sa amin. Sumunod ka na ha?" Isinara niya ang pinto at saktong pagsara nun ay napaupo ako sa kama.

Bakit may pulis dito?

Dahan dahan akong bumaba hanggang ground floor at nandun na silang lahat at ang ibang nakatira sa building.

"Ito na ba silang lahat?"

"Opo konti lang talaga ang nakatira dito. Madaming bakante na kwarto, hindi pa kasi ayos naaayos"

"Sino dito si madi?" Nagtinginan lahat sakin kaya tinaas ko ang kamay ko.

"A-ako po"

"Kagabi may pinatay sa school mo. Si Nicole Valdes, at hindi lang siya basta pinatay. Mga galos, pasa, paso ng sigarilyo sa mukha at baling buto ang nakita sa kanya. Sa crime scene nakita namin ito. Sayo ba ito?"

Nawalan ako ng hininga ng makita ko ang bulaklak na nakita ko kahapon sa may piano. Siguro nalaglag ko ito doon ng nagulat ako ng makita ko ito.

"Hindi po, hindi po akin yan"

"Eh ito?" Inilabas niya ang tickler na lagi kong sinusulatan para sa notes ko sa school alam kong wala na akong kawala. Nandun ang pangalan ko kaya ang magagawa ko lang ay umamin"

"Opo akin yan"

"Sumama ka samin, don't worry tatanungin ka lang namin, hindi ka dapat kabahan" sumama ako sa mga pulis at ng tingnan ko silang lahat ay gulat at pagtataka ang nakaguhit sa mukha nila.

"Hindi niyo siys pwedeng dalhin! Girlfriend ko yan!" Galit na pinagtutulak ni ero ang mga pulis pero mabilis nilang nilagyan ng posas si ero.

"Mister kumalma ka, wala kaming gagawin sa kanya, tatanungin lang namin siya"

"Okay lang ero, kaya ko na ito" sabi ko at nginitian siya.

"Mag-iingat ka wag kong kalimutan na mahal kita" tumango lang ako ewan ko kung bakit ako naiiyak dahil sa nabasa kong sulat niya. Mas inaalala ko pa kung totoo nga ang pagmamahal sakin ni ero kaysa sa pagdakip sakin ng mga pulis.

Bakit ang sakit na malaman na yung taong karibal ko ay kahit kailan hindi ko malalagpasan. Kung buhay ba siya, sila pa rin kaya ni ero? Kung buhay ba siya, siya pa rin ang mahal ni ero?

Isang oras akong tinanung ng chief investigator. Bakit ko daw hindi sinabi agad ang nakita ko. Ipinaliwanag ko naman ang side ko na nagulat lang din ako at nagpanic kaya hindi ko agad nasabi sa pulis. Pero ang nakakapagtaka daw ay nakalock daw yung room na yun papanong nakapasok ako at yung pumatay.

"Bukas na yung pintuan ng pumunta ako doon, two days ago ng maynag-- madiscover ko yung daan na yun" sigurado akong hindi nila ako papaniwalan kung sasabihin ko na si ally ang nagturo sakin nung daan. Teka, konektado pa rin kaya ito kay allisa?

"Walang CCTV sa lugar at ng nangangamoy na ang bangkay saka palang napansin ito ng mga tao sa simbahan. Kanino naman galing yung bulaklak? Bigay ng nobyo mo?"

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon