Room 25

709 27 7
                                    

Room 25

Ero's POV

Nasa sahig ako ng magising ako bigla kong naalala ang lahat. Si madi at ang kakaiba niyang kilos. Tumakbo siya kung saan.

Tumayo agad ako kaya nakaramdam ako ng hilo.

"Madi? Asan ka na?" Nakakita ako ng katawan ng babae sa malayo na nakatayo at parang iniintay ako. Siguro si madi yun.

"Madi ikaw ba yan?" Nilapitan ko ang babae at nagulat ako ng si jiji ito.

"Jiji tulungan mo ako hindi ko makita si madi kailangan na naming umalis. Tulungan mo akong hanapin siya" may kakaiba kay jiji at nakatungo lang siya. Alam kong weird siya pero nakakatakot talaga siya ngayon.

"Jiji?" Inangat niya ang tingin niya at nakita ko ang itim niyang mga mata.

"Ero dapat hindi na kayo bumalik dito, dapat noon palang umalis ka na"

"Anong ibig mong sabihin?"Itinagilid niya ang ulo na parang sinusuri ako. Kahit lalaki ako, nakakaramdam ako ng takot at ganun din ang nararamdaman ko ngayon.

"Dyan ka lang!" Palapit siya ng palapit sa akin habang ako paatras ng paatras.

"Alam mo bang matagal na akong naiingit kay ally. Akala ko kapag nawala siya, sakin na lahat ng atensyon mapupunta pero mali ako dahil dumating si madi. Si madi na hisi ko naman gaanong kilala. Sabihin mo nga ero bakit ka sobrang nahuhumaling sa kanila ha?"

"Ano ba ang sinasabi mo jiji, hindi kita maintindihan"

"Magkapatid sila, hindi mo ba alam? Magkapatid sila at ang mismong pumatay sa kanya ay si madi!"

"Hindi totoo yan! Nababaliw ka na jiji! Hindi totoo yan!" Tumakbo ako pababa sa pangalawang palapag. Isang taon bago ako muli nakarecover dahil sa pagkamatay ni ally. Hindi ko kailan man naisip na magkapatid sila. Alam kong may kapatid si ally pero hindi ko naisip na si madi yoon.

Tinakbo ko ang posibleng lugar kung saan nandoon si madi. Saktong naabutan ko siya na nilalagay ang lubid sa ulo niya.

"Madi! Huwag!" Ibinaba ko agad siya sa upuan at inakap kahit nagpupumiglas siya.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Pinatay ko siya ero! Pinataya ko siya kaya kailangang mamatay na rin ako!"

"Hindi! Hindi ikaw ang pumatay sa kanya! Naguguluhan ka lang! Please" Inakap ko siya ng mahigpit hanggang sa kumalma siya.

"Hindi mo siya pinatay, hindi mo siya pinatay di ba? Madi?"

"Pero hiniling ko yun, hiniling ko na sana mawala siya kaya ako ang dapat sisihin. Ako ang dapat maparusahan! Ero, masama akong kapatid. Masama ako!" Narinig ko ang mga hikbi niya kaya pinaharap ko siya sakin habang pinapahid ang sunod sunod na luha niya.

"Shhh hindi, wala kang kasalanan, wala" Inakap ko pa siya lalo ng mahigpit.

"E-ero natatakot ako" sabi niya ng magbitaw na kami.

"Bakit? Wala ka naman dapat ikatakot, nandito lang ako" sandala siyang natahimik at alam kong hindi maganda ang kasunod na sasabihin niya.

"Nandito ang pumatay kay ally, andito na siya"

---------------------------------

Para sa lahat ng nag-intay kahit sobrang tagal ng update, salamat at konting kembot nalang matatapos na ito. Ipagdasal niyo po na ok ang business plan ko dahil sobrang pinaghirapan ko yun. May book 2 po pero iba na ang characters at pinag-iisipan ko na din ang plot. The title will be Room for Rent 2: The Lost Bodies so ooo see yah there!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon