Room 3

1.6K 59 6
                                    

dedicated to you dahil makulit ka haha salamat sa comment mo na puro more

Room 3

"Madi?"

"Madi!"

"Madi!!!"

"huwag!" sumigaw ang babae at kasabay nun ay ang pagsilaw ng maliwanag na araw sa mga mata ko.

"rise and shine!" sigaw ni ero. Siguro nga panaginip lan yun.

"Oh bakit ka nandito?"

"kanina pa kita ginigising nananaginip ka ata" Ahh siguro yung boses niya yung naririnig kong tumatawag sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"kinakamusta ka lang...ano ok ka na ba? May masakit pa rin ba?"

"Ah oo okay na ako" medyo nahihiya ko pang sabi

"sige kinamusta lang kita, mauna na ako ha may pasok pa ako eh...pasensya na hindi kita masasamahan"

"ayos lang sige na baka ma-late ka pa" nakangiti kong sabi.

"O sige goodbye kita nalang tayo mamaya" sabi niya at saka tumalikod

"sige, Ingat!" pahabol ko pa bago siya tuluyang mag-disappear sa harap ko.

*sigh*

Ginawa ko na ang aking morning rituals at saka lumabas.

"Ah!" sigaw ko kasi biglang may nagbukas din ng pintuan sa tapat ng room ko.

" i-ikaw na ba yung bagong titira dyan?"sabi ng isang babae na nakataklob ang mukha na daig pa si sadako.

"O-oo" medyo naiilang kong sagot at saka hinanap ang hagdan para makababa na. This girl is giving me the chills.

"Hindi ka ba natatakot sa lugar na ito?" muli niyang tanong bago ako makababa pero hindi ko na siya ginawang sagutin.

Natatakot nga ba ako? I don't believe in ghost kasi hindi pa naman ako nakakakita and I swear I don't want any experience with them. Nakakapagtaka lang parang iilan lang ang nakatira dito samantalang ang laki-laki ng place at mura pa.

I sigh in relief ng makita ko si aling bella.

"Goodmorning po" nagwawalis siya ng mga nahulog na dahon at basura sa may likod ng building. Presko dito at may mga benches na pwedeng upuan para makapagpalipas ng oras.

"hindi pa ba simula ng klase niyo sa school?" tanong niya

"hindi pa po, next week pa ang simula ng klase sa school ko"

"Ahhh" yun na lang ang naisagot niya at bumalik na sa loob ng building. Siya ang may-ari pero siya din ang nagwawalis? Di ba dapat may mga employers siya dito kahit janitor man lang o kaya guard pero wala eh. Tiningala ko ang building at napansin kong may terrace pala yoon. Napadako din ang mata ko sa may room ko. Nasa dulo ito at halatang maliit lang kumapara sa ibang kwarto.

Nagulat ako na parang may tao sa kwarto ko. Kinusot ko ang mata ko pero nawala na. Guni-guni ko lang ba iyon? O sadyang may pumasok sa kwarto ko?

Hindi naman na ako nag-abala na umakyat pa dahil mapapagod lang ako. Natapos ang maghapon na naglakad-lakad lang ako sa buong lugar at humanap na din ng part time job at kung sineswerte nga naman ako. Meron agad tumanggap sa akin dahil nangangailangan sila ng waitress sa isang restaurant.

Bukas ang simula ng trabaho ko at aaminin ko na medyo excited na ako. Medyo gabi na at bukas na lahat ng ilaw sa may poste pero hindi pa ako nabalik sa room ko. Para bang mas comfortable pang matulog dito sa labas kesa sa loob.

"bakit nandito ka pa?" Nagitla ako ng may magsalita sa likod ko na babae.

"Ah! Ikaw lang pala" sa unang pagkakataon nakita ko ang purong itim niyang mata. Nakatitig lang din siya sa aking mata at pakiramdam ko ako'y nahihipnotismo ng kanyang mga tingin.

"bakit nandito ka pa?" muli niyang tanong

"ahh hindi pa kasi ako inaantok eh"

"hindi yoon ang ibig sabihin ko" naguguluhan ko siyang tiningnan. Ano ba ang gusto niyang iparating parang may sinasabi siya pero hindi ko lang magets.

"Umalis ka na bago pa mahuli ang lahat" pagkatapos niyang sabihin yoon ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng building gamit ang backdoor.

Maya-maya ay pumasok na din ako sa loob at narinig ko ang mga ingay at hiyawan sa isang kwarto sa may second floor.

"oh look james siya yung bagong babae sa third floor." tiningnan ako ng grupo ng magbabarkada na nag-iinuman sa second floor. Didiretso na sana ako sa third floor ng hawakan ako ng isang babae sa braso.

"Why don't you have fun with us? Mabilis lang naman" I have a bad feeling about this pero ayoko silang ma-offend so I just sit with them and listen to their half-drunk stories.

"oy madi!" tawag sakin ni francis na halatang lasing na.

"ba-bakit?"

"alam mo ba ang nangyari sa room na tinutuluyan mo noon?" he said with a grin on his face.

"ano ba francis lasing ka na! pumunta ka na nga sa room mo!" sigaw ni meredith

"hay nako wag mong pansinin yan, may tama lang yan sa utak! Lasing kasi, ganyan yan mahilig manakot" sabi ni Ina.

"ah eh ayos lang"

"Anong bang number ng room mo para mabisita naman kita minsan" biglang tanong ni james at kinindatan ako.

"S-sa Room 303" mahina kong sabi. Nagkatinginan silang lahat at para bang may nakakakilabot sa tingin nila.

"sa third floor?" tanong ni ina at tumango naman ako

"Hala hindi ka ba natatakot doon sa babaeng nasa tapat ng room mo? Si jiji? Mamamatay tao yun! Kaya wag kang lalapit" pagbibiro ni francis.

"huwag ka ngang maingay francis baka biglang pumunta dito yoon at pagsasaksakin tayong lahat...tss" sabi ni meredith sabay inom.

"hindi naman siya masama ah" pagtatanggol ko kahit alam kong may kakaiba sa aura niya.

"Hay naku nasasabi mo lang yan, wala ka kasing alam." singit naman ng kanina pang tahimik na si nicole.

"hoy nag-iinuman nanaman kayo dyan!" sigaw ng isang pamilyar na boses, si Ero! Napatingin ako sa kanya at ganun din naman siya sa akin.

"Madi anong ginagawa mo dyan? Nag-iinom ka ba?" parang may halong galit sa tono ng kanyang pagsasalita.

"Hoy tatay ka ba niya? Makasermon ah"

"Hi-hindi ako nainom, sige mauuna na ako, may pasok pa ako bukas sa trabaho eh" Hindi naman sila umangal dahil sabi ko babawi nalang ako next time. Ngayon lang uli ako napalibutan ng mga ka-age ko. Hindi naman kasi ako nakakalabas ng bahay para maglakwatsya.

"bakit ka sumasama sa mga yoon?" bigla niyang tanong and if I'm not mistaken nakakatakot ang mga tingin niya. Hindi lang nakakatakot, sobrang nakakatakot.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-

I'm upset wala kasing nagbabasa ata...paramdam naman kayo dyan oh magcomment pleeease

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon