Room 8

1K 25 4
                                    

Chapter 7 full version is already updated.Read it first before reading this chapter. Kamsahamnida!

Chapter 8

"W-what?"

"You heard me right, date me"He stated

"Bakit?"

"Aish ang slow" he muttered

"Sinong slow? ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"Oo ang slow mo and from now on that's my endearment to you. 'My snail'" Pagkasabi niya nun napa-atras ako kaya muntik na akong mahulog sa ilog buti nalang naligtas niya ako.

"Kyaa! Bitawan mo ako! At anong 'My Snail' ang pinagsasasabi mo dyan. Hindi ako slow no!"

"Slow ka, tanggapin mo na yun" Sabi niya saka niya ako hinalikan sa noo. Somehow, it felt magical. Hindi ko iniisip na may taong tatanggap pa sakin. Kaya ngayon feeling ko nasa langit ako dahil hanggang tenga ang ngiti ko.

"Oh bakit ka nakangiti may sinabi ba akong nakakatawa?" tanong niya na para siyang masungit

"Hindi, may naalala lang ako"

"At ano naman yun"

"Wala!"

"Anong wala, hindi pwedeng wala" At sinimulan niya akong kilitiin sa tagilidan kaya naman napaupo ako sa may damuhan.

"Stop! Stop! wag mo akong--- kilitiin" Sigaw ko sa kanya pero wala pa rin at ipinagpatuloy pa rin niya.

"Magkwento ka nalang ng tungkol sa family mo o kaya tungkol sayo para naman may alam ako kung ano ang naging buhay ng girlfriend snail ko"

"Girlfriend?!" tanong ko sa kanya

"Oo girlfriend, kanina lang kaya kita naging girlfriend"

"Teka hindi ka man lang nanligaw! Ano ka siniswerte?"

"Bakit kailangan pa ba nun? Modern na ngayon, Snail ka talaga"

"Aba't" Hahampasin ko sana siya ng tumakbo siya palayo sakin kaya naman hinabol ko siya.

"Hahaha Snail Girlfriend come on kaya mo yan" Ang bilis niya tumakbo! Hindi ako mabagal sadyang mabilis lang siya tumakbo.

"bwisit"

After that conversation, the day ends and my happiness too. Tama nga siguro sila na lahat ng kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan.

"It's your mom" Ang stepdad ko na laging umiinom na ipinasok si mama sa bar para matustusan ang kanyang pag-inom, na sinasaktan si mama tuwing gabi kaya muntik ko na siyang mapatay at nagpalayas sakin ay ito ngayon at nagmamakaawa sakin na bumalik.

"Anong nangyari kay mama?" Gusto ko siyang sisihin, gusto ko siyang murahin pero hindi ko magawa. Gusto kong ipakmukha na kung hindi dahil sa kanya hindi magiging ganito ang pamilya namin.

"May sakit siya, malubha na, hindi na daw pwedeng magamot sabi ng doktor kaya intayin na lang daw natin ang oras ng mama mo. " Hindi ako agad nakasagot pagkatapos niyang sabihin yun.

"Sa Friday po pupunta na ako dyan intayin ko lang yung sweldo ko at yung exam"

"Dalian mo at sabi pa ng doktor hindi sigurado kung kailan bibigay ang katawan ng mama mo. Sa isang buwan o sa isang linggo. Hindi ko na alam ang gagawin pa sa kanya, ikaw lang ang laging hinahanap niya." Tumulo ang luha ko, si mama malubha na nga talaga siya. Matagal ko ng nahahalata na parang may sakit si mama at sinabihan ko na rin siyang magpa-check up pero hindi siya nakinig kasi sayang daw yung ibabayad.

"Susubukan kong makuha yung sweldo ko ng mas maaga at itatanong ko kung makakapag-exam na din ako agad para makapunta na po ako dyan"

"Sige gawin mo muna ang kailangan mong gawin dyan iintayin ka namin ng mama mo"

"At pakisabi po mahal na mahal ko po siya kaya wag siyang bibitaw, intayin niya ako" Pagkatapos ng pag-uusap namin ay humagulgol ako. Umiyak lang ako ng umiyak buong gabi hanggang sa hindi ko napansin na nakatulog na ako.

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon