Room 10

914 16 9
                                    

Sorry for the looong wait. Anyway tapos na OJT ko hehe I'm a free girl again. Will dedicate to the first commenter

Room 10

"Hindi ka ba makatulog?" Tanong ko sa kanya para mabasag ang nakakabinging katahimikan.

Tiningnan niya ako bago sinuri ang buong kwarto at umiling.

"Dati kulay puti ang buong kwartong ito, kahit mga gamit kulay puti pero nag-iba lahat. Dito, mismo sa kwartong ito nagpakamatay ang babaeng kinaiinggitan ng lahat. Perpekto siya, maganda, matalino, masipag, lahat na. Pero inabuso niya ang lahat ng ito."

"Akala niya pwede niyang makuha ang lahat. Pero mali siya kahit kailan hindi naging tama ang magmahal ng dalawa at pagsabayin ito."

"Ang minahal niya si ero ba ito?" Tumango lang siya

May nag-uudyok sa akin na sabihin sa kanya ang mga nakikita at nalalaman ko pero may nagsasabi din sakin na huwag.

"Silang dalawa ni ero...anong nagyari sa kanila?"

"Hindi ko alam basta hindi lang si ero ang sangkot dito kundi may isa pa. Sabi nila nagpakamatay si allisa pero mali sila, pinatay siya ng dalawang tao. Dahil sa selos, pinatay siya ng dalawang hindi kilalang tao at sigurado ako na nasa paligid lang sila. Pinagmukha lang nila itong nagpakamatay para hindi sila madiin pero pinatay talaga siya, nakita ko, nakita ng dalawang mata ko kung papano siya ilunod sa bath tub." Bigla siyang sumampa sakin at niyuyugyog ako na para bang may pinapatunayan siya.

Tok tok

"Madi? May kasama ka ba dyan?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni ero, nagpanick ang systema ko. Saan ko pwedeng itago si jiji?

"Dito ka lang?" Sabay turo sa kanya sa ilalim ng higaan at inilaylay ko ang kumot sa baba para matakpan siya.

"Madi?" Binuksan ko ang pinto at nagkunwaring inaantok na.

"Bakit? Gabi na ah"

"May narinig kasi ako na parang nag-uusap sa loob kaya akala ko may kasama ka" sisuri niya ang buong kwarto ko kung sakaling may itinatago ako. Naupo siya sa kama at iniabot ang kamay niya.

"Wala ka naman sigurong lalaking itinatago sakin di ba?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi kaya...

Mabilis niya na kinuha ang kamay ko at pinaupo sa lap niya.

"E-ero bumalik ka na sa kwarto mo baka makita tayo ni Mrs. bella"

"Sige pero sandali na lang" ilang segundo pa kaming ganun ang posistion at hindi gumagalaw.

Isa lang ang masasabi ko. Mamamatay na yata ako sa kaba.

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon