Room 24

765 19 4
                                    

Room 24

Napamulat ako ng maramdaman ko ang sakit sa ulo ko. Parang hinampas ito ng kahoy o kung akong matigas na bagay. Ang hapdi ng palapulsuhan ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali dito. Pati bibig ko ay may nakapasak na kung anong bagay. Walang akong makita dahil nakapiring ako. Narinig ko ang mabibigat na yabag papunta sa akin.

Marahas nitong tinanggal ang piring sa aking mata. Hindi agad ako nakakita dahil madilim din sa paligid.

"Madi...madi...madi....hindi na tayo aabot sa ganito kung hindi ka lang pasaway. Sayang maganda ka pa naman kagaya ng kapatid mo Tsk tsk" nanlaki ang mata ko dahil ang taong nasa harap ko ay walang iba kundi ay si...

"Al-vin"

"Binggo!" Itinapon niya ang isang bote ng alak sa tabi ko kaya nagkabubog ako sa aking kanang balikat at braso. Ininda ko ang sakit at hapdi nito. Nakita ko ang pag-agos ng dugo sa ulo ko sa isang salamin sa harap ko. Suddenly naawa ako sa sarili ko.

"Bakit alvin? Bakit mo ito ginagawa?"

"Simple lang, para makaganti"

"Ikaw ang pumatay kay ally hindi ba?! Sabihin mo ang totoo!" Natulala siya sa isang tabi na parang may inaalala at ng bumaling siya sakin isang malakas na sapok ang akin natamo.

"Ahh" sa sobrang sakit parang gusto ko ng mamatay.

"Oo ako nga, kung alam mo lang ang pinagdaaanan ko sa kanya. Siya na talaga eh pero ito ang sinukli niya sakin. Ito ang binigay sa lahat ng pagmamahal na inalay ko"

"Sinaktan mo siya kaya ka niya ipinagpalit, hindi ba tama ako?" Naaalala ko si ally na pumunta sa bahay namin. Nagmamakaawa siya na tanggapin ko pero hindi ako nakinig. Gusto niyang magkaayos kami. Sinabi niyang hinanap nila ako ni papa pero huli na ang lahat. Hindi na mababago ang nakaraan dahil nahirapan na ako at hindi na mababawi lahat ng nangyari.

"Alam mo ba kung bakit ko siya pinatay?" Umiling ako, kahit kailan hindu ko maiintindihan si alvin.

Pero kung titingnan mo pareho lang kami ni alvin. Pareho lang kami na may itinatago.

"Pinatay ko siya kasi sinungaling siya at ang ayoko sa lahat ay yung niloloko niya ako kagaya ng pagkakaila mo sa kanya. Akala mo ba walang makakaalam na magkapatid kayo sa ama? Lahat ng sikreti nabubuko madi pati na din ang nangyari nung gabing yun. Tanda mo hindi ba? Kumatok siya sa bahay mo madi at tinatawag ka niya-"

"Madi! Madi! Pagbuksan mo ako ng pinto parang awa mo na! May humahabol sa akin! Please!!!"

"Umalis ka na ally! Hindi ko na kayo kailangan ni papa! Umalis ka na!"

"Pero madi ka-patid mo ako. Hinanap ka namin maniwala ka pero sabi ng mama mo naglayas ka daw oara hanapin din kami. Hindi namin alam ang gagawin ni papa nung wala ka please madi maayos pa natin ito, please"

"Pasensya na ally pero huli na ang lahat" pumikit ako ng madiin hanggang sa patak nalang ng ulan ang naririnig ko sa labas. Nagbago ang isip ko dahil sa loob ko kapatid ko pa rin siya. Pagkabukas ko ng pinto ay wala na siya-

"Salamat sayo kaya naisagawa ko ang plano, mabuti nalang hindi mo siya pinapasok ng panahon na yun dahil yun ang araw na kinuha ko ang buhay niya" para akong binuhusan ng tubig aa narinig. Ako nga ang dahilan kung bakit namatay si ally ang ate ko na dati ay sobrang mahal ko, papano ko nagawa sa kanya yun? Papano ko siya nagawang hindi pagbuksan ng pinto ng mga araw na yun?

"Ibinilin pa nga niyang wag kitang lalapitan kahit kailan kahit sa huling hininga niya ikaw lang ang naaala niya at pati si ero. Ngayon sabihin mo nga madi sini ba ang pumatay kay ally? Ako ba o ikaw?"

Nililinlang ka lang niya madi huwag kang makinig sa kanya!

Pinipilit kong huwag makinig pero iba ang ginagawa ng aking katawan.

"Madi papakawalan kita pero gusto kong gawin mo lahat ng sasabihin ko maliwanag?" Parang musika ang tinig niya sa pandinig ko na wala akong gustong gawin kundi sumunod sa lahat ng sasabihin niya.

"Pupunta tayo sa kwarto mo at hahanap ka ng pansulat at papel. Isusulat mo doon lahat ng bagay na nagpapakasakit sayo at ilalagay mo dun na pinatay mo si ally, maliwanag ba?" Tumango ako na parang wala sa sarili.

"Oo maliwanag"

"Tara na madi nag-iintay na siya" pinakawalan niya ako at tinahak na namin ang madilim na daan pabalik sa aking kwarto, na dating kwarto din ni ally kung saan siya namatay at kung saan ako mamamatay.

-----------------------------

Sorry for the very late update and don't forget to VOTE and COMMENT. Tenk chu!

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon