Room 23

917 18 6
                                    

Room 23

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si ero kung saan naabutan ko siyang nilalagay ang mahahalagang gamit sa luggage niya. Nanlaki ang mata ko ng may makita akong rope na may tuyong dugo. Napaatras ako at nakalikha ito ng tunog na siyang ikinabigla ni ero at isinara agad ang bag niya.

"Madi?" Umatras uli ako.

"Oh akala ko ba iintayin mo ako sa labas?"

"Wag kang lalapit"

"Madi bakit? Anong problema" humakbang pa siya pauna kaya napasigaw ako.

"Dyan ka lang!"

"Madi?"

"Sabihin mo nga ero may kinalaman ka ba sa pagkamatay ni ally?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Nanginginig ang kamay ko sa takot. Please sahihin mong hindi, sabihin mo na mali ako all this time.

"Madi makinig ka" sinubukan niya akong hawakan pero madali ko itog tinampal.

"Huwag! Huwag kang lalapit!" Kumaripas ako ng takbo, hinabol niya ako pero agad ko siyang sinipa sa ibaba kaya namilipit siya sa sakit.

Nakababa ako hanggang second floor parang wala na siya kaya lumingon ako pero sa dulo ng hallway may nakatayo doon.

"Ah!" Sa pagmamadali ko ay nadulas ako at nakarinig ako ng mahihinang yapak ng sapatos sa likod.

"Game over...madi" Bulong nito sa tenga ko at umikot ang paningin ko ng hampasin ako nito sa ulo.

The Memories

Seven years old ako nun. Tuwing linggo aalis kami ni papa habang namamalengke si mama. Isa kaming halimbawa ng isang masayang pamilya. Pero may sekreto kami ni papa na hindi alam ni mama. May itinatago kami na dapat walang makaalam.

Pinakilala siya sakin ni papa. Matanda siya sakin ng tatlong buwan. Kaya ate ang tawag ko sa kanya. Masaya ako dahil may ate na ako sa wakas. Matagal ko ng gustong magkaroon ng kalaro, hindi yung puro barbie ko lang ang kasama ko at kausap ko.

Nung bata ako lagi akong binubully dahil ang weird ko daw at laging nagsasalita mag-isa. Simula ng dumating si ate wala ng nang-aaway sakin.

Isang araw muntikan na siyang masagasaan at iniligtas ko siya. Mas naging matibay kami, mas matatag. Simula nun mas madami akong naging kaibigan na hindi naman totoo sakin. Dahil lumalapit lang sila dahil sinabi ni ate.

Masaya na sana ang lahat. Okay na sana ang lahat ng maabutan kami ni mama isang hapon sa park kasama si ate. Wala si papa nun at bumibili ng ice cream namin.

"Anak sino siya?" Masayang tanong ni mama sakin. Dahil sa wakas may kalaro na ako.

"W-wala po mama kalaro ko po siya" tinitigan ni mama si ate na para bang kilala niya ito at nanlaki ang mata ko ng hablutin niya si ate.

"A-aray nasasaktan po ako"

"Bitawan mo ang anak ko" biglang dumating ang mama ni ate at nag-away sila ni mama at saka naman dumating si papa.

Nagalit si mama pinalayas niya si papa sa nalaman tungkol kay ally. Nagmakaawa si papa pero naging matigas si mama at buo na ang desisyon niya. Itinapon ni mama lahat ng damit ni papa sa labas habang sumisigaw at umiiyak.

"Sinasabi ko na nga ba! Matagal ko ng alam na may itinatago ka sakin! Tinanong ko kita pero p*tangna! Gin*g* mo lang ako! At talagang magkasing edad pa sila ni madi ha? Pagkatapos mo dun sa babae mo ako naman!"

Nangggalaiti si mama sa galit at inilock niya ang buong bahay. Nangako naman si papa na babalikan niya ako. Sabi ko gusto ko kasama ko sila ni ate kahit na magalit pa si mama sakin basta kasama ko sila papa at ate ay masaya na ako.

"Babalikan kita, huwag ka ng umiyak" Inakap ako ni papa at hindi ko alam na huling akap na pala niya sakin.

Hindi siya bumalik. Ilang taon ang lumipas at hindi na niya ko binalikan. Inagawa na siya sakin ni ate. Yun ang sabi ni mama. Pinili na ni papa ang pamilya niya sa labas at hindi na kami babalikan kahit kailan pa.

Umasa ako pero tama si mama, hindi na nga ako binalikan ni papa.

Naghirap kami ni mama hanggang sa binenta ang bahay at lumipat sa mas maliit na bahay. Nagtitinda na ako ng nga bulaklak habang nag-aaral para matulungan si mama. Pilit kong kinalimutan si papa. Pinili na niya si ate dahil one time nakita ko silang tatlo kasama ang bago niyang asawa. Masaya sila na nagdi-dinner sa isang mamahaling restaurant habang ako ay nagtitinda ng mga bulaklak na pansabit sa mga santo para may ipangkain kami ni mama. Natulala ako ng makita ko kung gaano sila kasaya. Eleven years old na ako noon. Nakita ko si ate at ang maganda niyang damit. Nakita niya ako kaya kumaripas ako ng takbo. Naiiyak ako hindi dahil sa mas maganda ang buhay niya kesa sakin kundi dahil mas mahal siya ni papa.

At simula noon nagalit na ako sa mundo mas naging tahimik ako. Nakapag-asawa uli si mama pero hindi kami magkasundo ng bago niyang asawa kaya umalis ako para lumayo sa lahat ng sakit pero ito ako at hinahabol ng nakaraan.

Isang araw ng paalis na ako sa amin dahil sa hindi ko na kaya ay naalala ko si ate. Siya ang may kasalanan ng lahat, siya ang may gawa kaya ako naghihirap ngayon. Bilog ang buwan at parang gripo ang luha ko sa pagpatak. Hindi man lang ako pinigilan ni mama na umalis sa halip tinulungan pa niya akong magimpake.

"Sana namatay ka nalang noon pa. Sana pinabayaan nalang kitang nasagasaan noon. Sana hindi ako ganito kamiserable ngayon." Pero karma is a bitch. To curse someone is to dig a double grave at ito ang kabayaran ng hiling kong iyon, ang kamatayan ko.

-------------------------
I know super late update. Mianhe and please do visit and vote on my new book entitiled Chasing summer. thank you!

Dont forget to VOTE, COMMENT, and SHARE! Para mabilis ang update hehe ^.^

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon