Room 12

875 28 3
                                    

Room 12

Kinabukasan gabi na ng pinaalis kami ng prof. Pagdating ko sa gate ganun nanaman, nandun nanaman siya sa may gate.Kaya naalala ko yung secret pasage na itinuro sakin ni ally.

Mabilis akong tumungo papunta doon nahirapan pa akong buksan ang pinto dahil sinaunang panahon ang disenyo nito.

Binuksan ko ang ilaw at saka ko palang napansin na may piano pala doon at sa may piano ay nakalagay ang isang bulaklak.

Rose

Nilapitan ko ito, at pinindot ang isang key. Luma na ang piano pero ang bulaklak ay halatang bago pa. Siguro one day old? Bago ba kami pumunta ni ally ay may nauna na samin dito? Napansin ko ang note nakasingit sa isa sa mga keys. Binunot ko ito at binuksan.

"To my love that I will never forget -E" binasa ko ito tiningnan uli ang bulaklak. Kaamoy ito ng kwarto ni...jiji. Lagi kong napapansin na amoy rose si jiji.

Inamot ko pa ulit ito, hindi ako pwedeng magkamali. Ganun na ganun nga ang amoy at ang handwriting na ito...kay ero ito.

Mabalis akong umalis sa lugar at dumaan sa secret pasage. Hindi ko alam kung saan ang pinto kaya kinapa ko ang ilaw.

Pagkabukas ko ng ilaw gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto kong masuka sa nakita ko pero hindi pwede. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bibig at tumakbo palabas. Ang ulo ni nicole, ginilitan siya at kita sa mukha niya ang mga paso ng sigarilyo. Sino naman ang pwedeng gumawa sa kanya nito?

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang nasa kwarto ko na pala ako.

"Madi kumalma ka, wala kang nakita. Wala kang sasabihin, dalian mo na at umalis ka na dito" mabilis akong nag-impake ng gamit pero sa kamalasmalasan talaga naman ay biglang umulan ng sobrang lakas na may kasamang hangin. Naalala ko yung sinabi ni ally kahapon. Sabi niya babagyo daw, bakit ngayon pa tumama ang predictions niya?

May biglang kumatok kaya nagitla ako. Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ang pinto.

"Madi si jiji ito" binuksan ko agad ang pinto ng marinig ang boses niya.

"Ahhh" nagitla ako ng duguang babae ang sumalubong sa akin.

"Madi? Madi? Anong nangyayari sayo?" Umupo kami sa kama at sinubukan niya akong pakalmahin.

"Ji-ji aalis n-na ako, umalis ka na din dito. Tama ka, may pumapatay nga. Si si nicole nakita ko siya sa secret pasage, ang brutal ng ginawa sa kanya. Hubad na siya at panay dugo ang katawan, ginilitan siya at-- at"

"Madi tama na kumalma ka."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit ba ito nangyayari?" Inakap ako ni jiji at parang napanatag ang loob ko.

"Tinanong din niya sakin yan, sabi niya hindi na daw niya kaya ang pangbubully na ginagawa sa kanya sa school dahil kumalat ang litrato niya pero hindi niya yun tinuloy alam ko hindi talaga siya nagpakamatay.

"M-may picture? Anong picture"

"Picture niya sa isang motel" nagulat pa ako ng may picture na inilabas siya sa wallet niya at mas lalo akong nagulat kung sino ang nandun.

"Si-siya ba si allisa?"

"Yan ang picture naming magkakaibigan, dati super close kaming lahat to think na tumira kami sa iisang building pero mali pala ang ideya na yun." Sa picture na ibinigay ni jiji ay nandun si jiji, si ero, nicole, meredith, james, francis, ina, alvin at-

"Ito si allisa?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Oo yan si ally ang ganda niya no? Kaya ang daming nagkakagusto sa kanya, how I wish na simpe na lang siya at hindi kilala"

Ally

Ang babaeng ito ay ang babaeng kasama ko kahapon...

-----------------------
Don't forget to VOTE and COMMENT!!! Hehe

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon