Room 21

779 27 5
                                    

Room 21

"Magtago ka lang dito" inilagay ako sa likod ng sasakyan ni ero. Hindi ko alam na may kotse pala siya kaya nagulat ako ng makita ko ito.

Tiningnan lang ito ng guard pero hindi na masyado sinuri. Nakalabas kami sa mental institution ng walang kahirap-hirap.

"Ero baka ikulong nila ako at baka madamay ka pa"

"Hindi ka nila pwedeng ikulong dahil sakin ka lang. Remember?" Tumango ako. Feeling again his possesiveness.

Nakarating kami sa building ng inuupahan namin, nakaramdam ako ng takot. Bakit kami nandito?

"Ero bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Relax ka lang, hapon pa kaya wala pang tao. Tara, hindi kita pwedeng iwan dito. Kukunin ko lang ang gamit ko" Ipinasuot niya ang jacket sakin at sabay kaming umakyat ng mapadaan kami sa floor ko.

"Ero sandali lang may kukunin lang ako sa kwarto ko, daanan mo nalang ako dito"

"Sigurado ka?"

"Oo at isa pa tayo lang naman ang tao dito" he kiss me on my forehead then left.

Nakatayo lang ako sa harap ng kwarto ko, pinihit ko ang doorknob at dahan dahan na binuksan ito. Sa halip na kwarto ko ang makita ko.

Isang alaala ang napasukan ko...

"Allysa happy anniversary" binuksan ng isang lalaki ang velvet box na naglalaman ng silver na bracelet.

"Happy anniversary mahal!" Nakatalikod ang lalaki, mukhang pamilyar ang likod niya pero sigurado akong hindi si ero iyon. Inakap siya ni allysa at sak nito isinuot ang bracelet. Masaya sila, pero bakit nagpakamatay si allysa? O pinatay?

Naglakad sila sa park, magkahawak ng kamay. Nag-vibrate ang cellphone ni allysa pero hindi niya ito pinansin.

"Hon may natawag ata sayo, baka importante sige na sagutin mo na" nag-excuse si allysa at pumunta sa medyo malayong lugar.

"Ero, wag ka munang tumawag. Magkasama kasi kami, alam mo naman na anniversary namin. Sorry na babawi naman ako sayo, promise. Okay I love you muah"

Biglang nag-blurred ang paningin ko at wala na ako sa lugar kung saan nandun si allysa at ang boyfriend niya. Ngayon, nasa tahimik at maliit na kwarto ko na ulit ako. Tumingin ako sa labas, ang bilis naman. Bakit madilim na agad?

Hinawakan ko ang bintana para isara ito pero bago ko pa ito maisara isang imahe ang pilit na pinapakita sakin. Isang babae na sinasaktan, si allysa.

"Ahhhh!" Parang binibiyak ang ulo ko. Nakita ko kung papano sinampal si allysa at parang nararamdaman ko din ang sakit. Mayroong place kung saan binuhusan siya ng tubig na malamig sa harap ng madaming tao. May nambubugbog sa kanya at higit sa lahat nay nagtali sa leeg niya at binitay sa mismo sa kwartong kinaroroonan ko ngayon.

Nanginginig ang mga kamay ko sa bilis ng mga pangyayari na nakikita ko.

"Tama na! Tama na ally! Bakit mo ba sakin pinapakita kung papano ka nila pinahirapan at pinatay?! Tama na! Ayoko ng makita! Tama na please! Tama naaaaaa!"

"Ayoko na! Itigil mo na ito! Wag mo na akong pahirapan! Patay ka na! Hindi kana mabubuhay pa!"

--------------------

Wah may nagbabasa pa ba? Yuhoo itutuloy ko pa ba ito?

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon