Room 1

3.4K 50 2
                                    

Room 1

"Ito yung room mo, ito yung higaan, may comfort room, maliit na closet at saka dalawang bintana" Siya si aling bella, siya ang landlady ng bago kong apartment.

Kwento niya sakin kabibili lang niya sa building na ito last year pero wala pang masyadong madaming nakatira. Medyo malayo kasi ito sa bayan at wala masyadong katabing bahay. Pati school hindi ganun kalapit.

"ito na po ba yung pinakamaliit at pinakamurang room dito?"

"Oo ito na yun, ano kukunin mo na ba?" bago pa ako makasagot ay may nakita akong batang babae na dumaan na nakaputi.

"Madi!"

"ha? Ah okay naman po yung room at saka mukhang malinis, magkano po ang renta kada buwan kukunin ko na po." Nagkasundo na kami ni aling bella at ito nga inilalagay ko na ang mga gamit ko sa isang maliit na closet.

Mag-isa lang ako sa room ayoko ko kasi na may kasama ako sa loob ng kwarto dahil hindi ko magawa ang gusto ko.

Panay alikabok pa ang kwarto sinabi ko nalang na mukhang malinis ito para hindi naman ma-offend si aling bela.

*riiing*

"hello?"

"oh ano anak nakalipat ka na ba sa bago mong tirahan?" si mama halatang nag-aalala siya sakin pagkatapos kong umalis sa bahay dahil nakipagtalo ako sa step-dad ko.

"Ayos lang po ako, maganda at saka malaki naman yung titirhan ko" hindi ko nalang sinabi ang kalagayan ko kay mama dahil sigurado akong pipilitin niya akong bumalik sa bahay at yoon ang ayaw kong mangyari.

Nag-away kami ng step-dad ko dahil sa isang maliit na bagay. Ewan ko ba dun laging mainit ang dugo sakin.

"pasensya ka na anak ha, kasalanan ko ito eh patawarin mo ako" narinig ko ang mga maliliit na hikbi ni mama. Alam kong nahihirapan na din siya sa asawa niya. Sinasaktan kasi siya nito gabi gabi lalo na't pag hindi naibibigay ang gusto nito. Nag-aalala tuloy ako kay mama walang magtatanggol sa kanya kapag sinasaktan siya ng halimaw na yun.

"wag ka ng mag-alala sa akin ma, okay lang po ako, ang intindihin niyo nalang po ay yung problema niyo, malaki na po ako"

"hayaan mo anak kapag nakapag-ipon ako ng malaki-laki ay aalis na tayo at pupunta sa malayong lugar at magsisimula ng bagong buhay" Isa sa dahilan ang step-dad ko kaya hindi ako hindi nakapag-aral last year dahil itinalo niya ito sa sugal. Isang taon akong tengga sa bahay at naglalabada. Naawa sakin si mama kaya pinilit niyang makakuha ako ng scholarship.

"sige po ma, mag-aayos pa po ako ng gamit ko eh"

"Ah si-sige anak ingat"

"ingat din po ma bye at I love you"

*toot toot toot*

Naputol na yung tawag siguro ubos na yung load ni mama. Inayos ko na uli ang gamit ko at nag-linis na ng katawan para kumain na ng dinner sa baba. May maliit kasing karinderya na medyo malapit dito. Since mahirap lang ako hindi ko afford sa mga high class restaurant at doon lang ako sa simple.

Kumuha ako ng towel at mga damit at pumasok na sa c.r. Nagulat pa akong may bath tub doon at shower. Siguro sosyal lang talaga ang mga dating may-ari ng building na ito dahil kahit isang maliit na kwarto ay may ganito.

Hinubad ko na ang damit ko at binuksan ang shower. Malamig ang tubig kaya hindi ako masyado magtatagal. Nagsha-shampoo na ako ng biglang nawalan ng tubig at ilaw.

"hello? May tao ba dyan?" sa sobrang kaba ko dahil walang ilaw ay nadulas ako.

"Aray! Ahh ang likod ko" ang sakit sakit ng likod at pwetan ko. Biglang nagka-ilaw pero malabo ang paninging ko. Parang may naaaninag akong babae na nakatayo sa may bath tub kaya kinabahan ako Mabilis kong kinusot ang mga mata ko para makakita ng maayos pero pagtingin ko wala namang babae doon. Siguro imahinasyon ko lang ito.

Natapos naman akong hindi na uli namatay ang ilaw at tubig.

Nasa third floor ang room ko kaya dalawang palapag pa ang dadaanan ko. Nasa gitnang alley na ako ng bumukas ang pinto sa isang hindi kalayuang kwarto. Nagsisimula nanaman akong kabahan. Ewan ko ba pero simula ng itapak ko ang mga paa ko sa building na ito parang may kakaiba. Nakita ko na ang anino ng isang lalaki at lumabas ito.

Nakahinga ako ng maluwag na isa lang pala ito siguro sa umuupa rito.

"Bago ka lang ba dito?"

"ah Oo, ikaw ba?"

"medyo matagal na rin" binigyan niya ako ng isang ngiti at feeling ko natutunaw ako.

"Ako nga pala si ero" sabi niya saka naglahad ng kamay. Masyado naman itong pormal.

"Madi"

"Papunta ka sa labas?"

"Oo" nahihiya kong sagot

"Sige, mag-ingat ka sa daan ha, may mga lokoloko pa naman dyan"

"a-ah o sige" at tuluyan na siyang nawala sa daan..creepy.

May something sa mga mata niya na parang may itinatago siya. Ngayon lang uli ako na nakaramdam ng ganito simula ng masaksihan ko ang brutal na pagpatay sa tatay ko.

Ngayon, tama nga ba ang desisyon kong tumira dito?

Nagpabuntong hininga nalang ako at nagsimula ng maglakad.

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon