Room 5

1.4K 46 5
                                    

dedicated sa kanya dahil nagulat ako sa picture niya...ayoko ngang tingnan ihh >.<

Room 5

"Oh nicole?" tawag ko sa kanya ng makita ko siya sa restaurantt na pinagtatrabahuan ko para kunin ang order nila.

"Madi! It's nice to see you here...so dito ka pala nagwo-work?" masayang sabi niya

"Oo, ahm so ano po ang order niyo maam"

"Naku wag mo na akong tawaging maam and have lunch with me ha? pleease" pag-aaya niya sa akin

"Hindi pwede eh may trabaho pa ako"

"Okay lang yan close kami ng anak ng may-ari nitong resto, oh? Alvin!" tawag niya sa isang mistisong kapapasok lang sa restaurant.

"Ano naka-order ka na ba?" malamig niyang tanong dito

"Ikaw talaga pinsan ang sungit mo, hindi pa ako umoorder gusto ko kasing kasabay maglunch itong si Madi, dali na ipagpaalam mo siya sa boss niya pleease" nagpuppy eyes pa talaga itong si nicole.

Tiningnan naman ako nung alvin kaya ibinaba ko ang tingin dahil anak pala siya ng boss ko.

"Sige sandali lang" dumiretsyo siya sa head manager para ipagpaalam ako. Bumalik naman siya after a minute na hindi na maipinta ang mukha.

"Sir hindi niyo naman po ako kailangang ipagpaalam at saka nakakahiya po at saka madaming tao" sunod sunod kong sabi at nakita kong nakangiti ng malaki so.nicole sa amin.

"Umupo ka na umorder na ako" Hinila naman ako ni nicole sa katabi niyang upuan para tabi kami.

"Sa wakas makakakwentuhan n din kita madi, lagi kasi akong may pasok eh" sabi niya at ng pout pa.

"Ah ako din, pasensya na pala kung umalis agad ako nung isang gabi"

"Ayos lang iyon alam mo naman si Ero--"

*blag*

May biglang nabasag at nakita kong dumudugo ang kamay ni Alvin.

"OMG alvin panay dugo na ang hands mo" tumayo agad si nicole para punasan ang dugong umaagos sa kamay nito.

"Ayos lang ako, kumain nalang kayo pupunta lang akobs loob

"Hmp bipolar ikaw na ang ginagamot eh" nagmamaktol na bumalik sa upuan niya si nicole at bigla namang nagring ang phone niya

"Hello?...what? yung project hindi pa rin tapos? nasira? gosh! tayo ang tapos kay prof. niyan! Alright papunta na ako dyan" Biglang tumayo si nicole at nagpaalam na may kailangan siyang puntahan.

"okaaay" tumayo na din ako para bumalik sa trabaho ng maalala ko yung alvin.

Pumasok ako ng tahimik sa loob ng locker dahil wala naman ng masyaong tao kaya pinapauwi na rin ako ng manager at maaga daw magsasara.

Palabas na ako ng makasalubong ko yung alvin na hirap na hirap na naglalagay ng panyo sa kamay.  Akala ko pa naman pinagamot na niya ito sa iba.

lumapit ako at kinuha ang kamay niya.

"Aray ano ba" hindi ko siya pinansin at kinuha yung panyo niya para basain ng tubig na dala ko.

"Dahan dahan"

"tiisin mo sandali lang ito basagin ba naman kasi yung baso eh"

"may sinasabi ka?"

"ah eh wala po" After kong linisin ang sugat niya ay itinali ko ang panyo ko sa kamay niya.

"Oh ayan ayos na" dahan dahan kong iniangat ang ulo ko dahilan para makita kung papano niya ako tingnan.

"A-ayos na yung kamay mo"  I shift uncomfortable on my sit.Him sitting there makes me uneasy.

"Ahm thanks"

"wala yun" He offered na ihatid na niya ako pero since injured ang kamay niya ay nataxi na siya pauwi at ako naman ay nagiintay ng sasakyan na jeep.

Bumalik na naman ang palpitations sa heart ko na para bang ayoko ng umuwi sa apartment ko.

"Para po" Sabi ko sa driver

dalawa na lang kami sa loob ng jeep. Ako ay malapit sa may driver at yung isang babae naman ay malapit sa babaan.

Itinabi naman ng driver ang sasakyan at bumaba na ako. Ng madaan ko ang babae I saw her face. Walang emosyon ang mukha niya at ang pupils niya ay sobrang laki. I  tripped kaya bago ako makababa ng tuluyan ay nahulog ako. Nagkagalos ako sa may braso at ang sakit ng kanang balikat ko.

"Miss ok kalang?" tanong ni manong driver na bumaba pa sa sasakyan niya.

"O-okay lang po" tinulungan niya akong makatayo at pagtingin ko doon sa inupuan ng babae kanina ay wala na.

"kuya asan na yung kasabay ko kanina bumaba po ba?"

"bumaba? ikaw lang kaya kanina pa ang sakay ko. Medyo lugi pa nga ako eh...sige ingat magbyahe na ako"

"sige po...sa-salamat"

Mabilis akong naglakad hanggang sa nasa second floor na ako ng stairs. Yung babae kanina bigla nalang nawala. kung hindi siya nakita ni manong sure ako na nakita ko siya. Natitigan ko ang mukha niya. Tinulak niya kaya ako?

Questions are flooding my mind. Bubuksan ko palang ang room ko ng makarinig ako ng boses sa likod.

"Pinaaalis ka niya, ayaw niya sayo na nandito ka. Sundin mo siya bago mahuli ang lahat" Hinarap ko agad yung nagsasalita. Siya nanaman, tama nga siguro sila francis dapat hindi ako lumalapit sa kanya. Ang dami ng nangyayari sakin simula ng lumupat ako dito at nagpakita siya.

"You know what? Stop being a freak. I don't want to be a bitch in front of you but you're scaring the hell out of me" sunod sunod kong sabi.

"Hindi kita tinatakot, walang nananakot sayo. Gusto ka lang niya umalis. Huwag mong hayaan na dumating ang araw na magsisi ka dahil hindi mo kami pinakinggan"

--------------

Sino si ang epal na si alvin?

kalaban ba siya o kakampi?

Napakabait ko talaga kahit walang nagcomment nagupdate parin ako -.- Baka maumay ako at idelete nalang ito ahuhuhu I will think about it, seriously

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon