Room 14

877 24 4
                                    

Sorry late update...just came home from the hospital :(

Room 14

Nalaman namin na ang butas sa ceiling ay may daanan pa sa labas ng school. Sa may bandang parking lot. Nakakatakot dahil ibig sahihin nasa school lang namin ang killer. Hindi pa rin daw ako pwedeng bumalik kayna mama hanggang hindi tapos ang imbestigasyon sa pagkamatay ni nicole.

Naalala kong itext si ero, kinuha ko an phone ko saka nagtext,

To ero: kamusta ka na?

Hinintay ko siyang magreply pero ilang minuto na ang lumipas wala parin.

"Madi" nagulat ako ng pagkalabas ko sa building ay naka-abang si alvin sa labas. Ano nanaman ba ang ginagawa dito nito? Pero napansin ko na mugto ang mata niya. Bakit naman kaya?

"Alvin please umalis ka na"

"Madi kahit sandali lang pwedeng samahan mo ako? Alam ko kamamatay lang ni nicole at higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko---" naputol ang sinasabi niya at umiyak sa harap ko. Magpinsan nga pala sila. Kung meron man na nasasaktan higit sa aming lahat ay si alvin yun. Bakit ba itinataboy ko siya? Kasi nagising kang katabi. mo siya sa higaan! And worst, naked!

"Sige sasamahan kita, saan mo ba gustong pumunta?"

"Kahit saan, basta kasama ka"

Nagpunta kami sa may central park, alam kong malungkot siya kaya dapat sa masayang lugar ko siya dalhin.

Naiilang pa rin ako na kasama siya pero anong bang magagawa ko?

Sigh

Isipin ko nalang na para kay nicole din ito dahil pinsan niya si alvin.

"Nagugutom ka na ba? kanina pa tayo nag-iikot baka gutom ka na" kahit papano nakita ko na nagbago na ang mood niya. Hindi na siya yung parang iiyak ngayon balik na siya sa masayang si alvin.

"Sige gutom na nga ako" nauna na akong maglakad sa kanya pero hinigit niya ako palapit sa kanya at yinakap.

"Sorry pala, hindi ka kasi nasagot sa mga text at tawag ko. Gusto ko lang naman sabihin na walang nangyari. Totoo yun, sana maniwala ka" habang yakap niya ako parang hindi ako panatag at parang may nakatingin sa amin. Kaya mabilis akong kumalad kay alvin at nginitian siya.

"Kalimutan na natin yun, wala naman palang nangyari kaya dapat wala kang ipag-sorry"

Kumain kami sa isang fine dining restaurant. Nahiya pa nga ako sa kanya dahil wala naman akong pera na mai-aambag man lang.

"It's ok its on me"

"Nakakahiya alvin lagi mo nalang ako nililibre"

"Don't worry, anything for you" somehow naisip ko bakit hindi si alvin ang nagustuhan ko. Bakit si ero? Kasi nadaan niya ako sa mga da-moves niya!

Pero ok na din ito dahil wala na akong dapat taguan at isipin, yung killer na lang talaga ang dapat na matukoy at lahat ng ito ay matatapos na.

"Thanks for today, salamat dahil napagaan mo ang loob ko"

"Ako din, salamat"

Pabalik na ako sa kwarto ko ng may humigit sakin at inilock agad ang pinto.

"Ero?"

"Bakit mo siya kasama?! Ilang araw lang tayo na hindi nagkausap bakit may kasama ka na agad na iba?!"

"Ero, wait kumalma ka muna. Unang una wala kaming ginagawa na masama at saka ikaw itong hindi naman nagpaparamdam. Nasaan ka ba these days? Bakit pag nag-tetext ako hindi ka naman nag-rereply? Alam kong bago palang ako sa relationship, pero ni hi or hello wala."

Mariin siyang pumikit at pinipigilan na sumigaw.

"Ahhh madi! Why are you so dense can't you see? Gusto ka niya!" Binasag ni ero ang bintana gamit ang kamao niya, mad nagulat pa ako dun kaysa sa pagsigaw niya. Madaming dugo ang tumutulo sa kanang kamay niya pero hindi niya ito ininda. May parte ng katawan ko na gusto siyang gamutin at tulungan pero meron din akong takot para sa sarili ko. After all, hindi ko pa pala kilala si ero.

"Ero this is not working out, lets just break up"

Vote and comment!

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon