Room 4

1.4K 42 4
                                    

Dedicated to herr --->>>>

salamat sa pagbasa gurl

Room 4

"E-ero n-nasasaktan ako" pagpigil ko sa mga kamay niyang pumipiga sa braso ko. Bigla naman niyang niluwagan ang pagkakahawak sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"so-sorry" sabi niya at inakap ako. Feeling ko ay maykung ano ang nasa puso ko…hindi ako sanay na may nang-aakap sakin maliban kay mama kaya medyo naiilang ako.

"teka-ero hindi ako makahina" bumitaw naman siya sa pag-akap sakin at hinawakan ang buong mukha ko.

"sorry talaga madi hindi ko sinasadya na saktan ka, sorry" Halata naman sa mukha niyang sincere siya sa sinasabi niya kaya siguro ok lang naman kung patatawarin ko siya.

"Sige na matutulog na ako" matamlay kong sabi, kasi bakit naman siya magagalit sa akin. Hindi naman ako umiinom at anong care niya kung umiinom ako. Hindi ko siya 'boyfriend' kaya wala siyang karapatan na pagsabihan ako.

Tumalikod na ako at malapit na sa pinto ng room ko, dumiretso na din si ero sa kanyang room. Ewan ko ba kung saan ang room nung lalaki na yun, feeling siya.

Binuksan ko na ang pinto ko ng may maramdaman akong kakaiba sa may likod ko. Shit. Dahan dahan akong lumingon dahil nafi-feel ko na talagang may nakatingin sa akin. Bigla akong lumingon pero wala…walang tao sa hallway kundi ako.

Dali-dali akong pumasok sa room.

"Ah!" muntikan na akong magka-heart attack dahil may lumabas na ibon mula sa loob ng kwarto ko. Kinig na kinig ko pa sa hallway angtunog ng kanyang paglipad. Pumasok na akong tuluyan sa loob at inilock ang pinto.

*sigh*

Napabuntong hininga nalang ako sa takot. Anong bang nangyayari sakin siguro namimiss ko lang si mama at ang bahay namin. Don't worry pagnakagraduate na ako hindi na natin siya kakailanganin hindi na natin kailangan dumepende sa kung sino man at hindi mo na kailangang maging…bayaran.

*

Nagising ako ng madaling araw, parang de ja vu lang. parang nangyari na ito sakin kahapon lang. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng makarinig ako na may nag-aaway sa labas. Sinilip ko ang hallway at panay…dugo.

"Shit" I muttered habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ng footprints na dugo.

Nagulat ako ng lumingon ako dahil feeling ko may nakabantay at nagmamasid sa akin. Pero yung ibon lang ang nakatingin sa akin, at narealize kong uwak pala yung ibon na yoon dahil sa itim nitong balahibo. Bakit hindi ko nga ba napansin agad yoon?

Tuloy-tuloy lang ako sa pagsunod sa mga patak ng dugo at sa footprints na may bakas din ng dugo ng makita ko si…sino nga ba ito? Siya yung nakakatakot na babae na laging nakatakip ang mukha ng buhok. Pero this time walang takip ang buhok niya at hindi lang mata ang nakikita kundi ang buong gulat at takot niyang mukha.

"Ero! Huwag!!!" yoon nanaman ang huli kong narinig mula sa isang babae at…nagising na ako.

"Panaginip na naman" Nag-aalarm na pala yung alarm clock sa tabi ko, kaya bumangon na ako para maggayak dahil ngayon ang unang araw ko sa part time job ko.

*

"Good Morning Sir. May I take your order?" tanong ko sa isang bald na lalaki na nangiti sa asawa niya. Ow how sweet.

"hon anong gusto mo?" tanong pa niya dito

"kahit ano na hon, ikaw na ang bahala"

"miss ito nalang at saka ito" tinuro niya sakin ang mga order niya at saka binigay ang papel sa chef namin. Ganun kasi dito.

Nagbreak kami ay ten a.m. dahil matao daw pag tanghali at dahil first time ko ay may mga nagawa akong mali pero sabi ni boss Jin ay ayos lang daw yun.

Nagkapagbreak naman ako nung hapon at nung pagabi na ay dumami nanaman ang tao.

Naglalakad na ako pauwi at saka tumitingin lang sa daan. Lahat masaya, lahat may kasama. Kailan ko kaya mararanasan na maglalaka din ako dito bilang isang ordinaryong babae na hindi namomroblema sa pera.

*Sigh*

Umupo ako sa isa sa mga bench at tinitingnan lang ang mga bata, matanda, mag asawa at magnobyo na dumadaan sa akin. May tumabi sa akin, isang babae at nung nilingon ko siya napakaganda niya, sobrang ganda at pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala o nakita sa kung saan.

Tatanungin ko na sana siya kung kilala niya ako pero bigla siyang tumayo at may tinawag na lalaki at kumapit dito at mabilis na naglahong parang bula at parang ala-ala lamang.

Umuwi na ako at as usual ay ang creepy na naman ng lahat at pati yung building ang creepy na din pati yung mga nakakasalubong ko. Bakit lahat sila…nakayuko?

Tinapik ko ang isang babae para tanungin kung may namatay ba. Kasi buko d sa nakatungo sila ay nakaitim din silang lahat.

"Miss- may namatay ba?" unti-unti niyan iniangat ang ulo at.

"Ahhhhhh!!!!!!!" hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo palayo doon sa babae dahil pagtingin ko sa mukha niya ay…wala siyang mukha.

--------------------------

Five votes and three comments para makapag-update ako...pleaaaase

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon