Room 9

1K 23 5
                                    


Hindi ko talaga akalain na aabot to hanggang room 9 haha dati joke joke lang ito eh. Salamat sa dalawang masipag mag-comment. Tenk you!

Room 9

Simula nung sinabi ni ero na kami na ay lagi na din siyang nakabuntot sa akin as in kahit saan. On the other hand maganda na din yun kasi hindi ako nagagambala ni alvin. Although text pa rin siya ng text na mag-usap kami. Bast kinikilabutan ako kapag naiisip ko siya.

"Tutulog ka na?" Kasama ko uli si ero at ito nga hinahatid pa niya ako mismo sa room ko.

"Oo sige magpahinga ka na din alam kung napagod ka kakasunod sakin" lumapit siya sakin at ipinatong ang ulo sa balikat ko.

"Alam mo never akong mapapagod when it comes to you, remember that" hinalikab niya ako sa noo at bakit ba ako kinikilig eh sa noo lang naman. Hindi pa nga sa lips eh. Haynaku madi wag ng malandi!

"Oo na po sige na matulog ka na may exam ka pa bukas"

"Ikaw din"

"Goodnight"

"Goodnight"

Parang hindi kami magkasama buong araw dahil nagtetext pa rin kami bago matulog.

Nakahiga na ako ng may kumatok sa pinto. Tinatamad na akong bumangon pero ang ingay ng pagkatok niya kaya napilitan akong bumangon para pagbuksan ang pinto.

"Sandali lang!" Sumigaw na ako dahil hindi siya tumitigil sa pagkatok. Naku kapag si ero yan lagot talaga siya sa akin.

"Er-" pagbukas ko ng pinto tumambad ang tahimik na hallway sa akin at walang tao. Ni anino wala akong makita dahil yung nag-iisang ilaw lang naman ang bukas.

"Ero ikaw ba yan? Wag mo nga akong tinatakot!" Sigaw ko sa hallway dahil kahit wala akong nakikita feeling ko may nakatingin sa akin.

Tahimik, katahimikan lang ang sumagot sa akin. Pabalang kong isinara ang pinto pero hindi pa ako nakakabalik sa higaan ay may kumatok ulit. Madali akong pumunta sa may pinto para makita kung sino ba ang kumakatok.

"Ikaw?" Tanong ko sa babaeng nakatira sa tapat ng kwarto ko.

"Narinig kitang sumisigaw may problema ba?" Tanong niya habang sinisilip ang kwarto ko.

"Wala naman may kumakatok lang sa kanina pero pagtingin ko wala namang tao." Tahimik lang siya pero nagsalita din after ilang minutes. Retard ba siya?

"Pwede ba akong pumasok?"

"Si-sige" wala naman sigurong masama kung papapasuki ko siya. Kaya ayun nagtimpla lang ako ng gatas at tumabi sa kanya.

-----------------

Sorry sa pag-intay! Medyo busy dahil may OJT na

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon