ANG LOBO AT BAMPERA

174 7 0
                                    

ANG LOBO AT BAMPERA
Isinulat ni Alex Asc.

Hating-gabi at tanging gising na lamang ay ang isang lalaki habang nagmumuni-muni ito sa labas ng tent nang dumaan ang isang napakagandang binibini.

Sinundan niya iyon. “Miss!” tawag niya. Huminto ang babae at lumingon. Napakagandang binibini iyon.

Hindi na naiwasang ng lalaki ang lumapit, lalo't nang-aakit ang mapupungay na mga mata ng babae. Walang sabi-sabi ay hinalikan ng lalaki ang babae. Gumanti ang babae at kumawala ang malalamyos na halik.

Nang bigla ay mapasigaw ang lalaki.

Agad dumating ang mga kasama ng lalaki at nadatnan nilang ginugutay-gutay ng isang mabangis na lobo ang katawan ng lalaki.

Kinabukasan, pumutok ang balita tungkol sa kamatayan ng lalaki. Sukdulan ang galit at paglukuksa ng amang donyo. Napag-alaman mula sa ilang katutubo na siguradong ang isang babaeng nag-aanyong lobo ang pumaslang.

Ipinag-utos ng donyo sa mga armadong tauhan na tugisin ang halimaw. Agad naghanda at lumusob ang mga tauhan. Sinuyod nila ang kakahuyan. Namataan nila ang lobo. Pinagbabaril nila ngunit napakabilis nito sa pag-iwas.

Dala ng pagnanais na mahuli iyon ay naghiwa-hiwalay ang mga kalalakihan. Dahil doon, marami ang napatay sa kanila ng lobo. Umuwi ang natitira na bigo sa kanilang misyon.

“Ipinag-uutos ko sa iyong dakpin ang babaeng halimaw at dalhin mo siya sa akin! Dead or alive!” makapangyarihang utos ng donyong si Simon kay Michael.

Umaasa ang donyo na kayang pantayan ni Michael ang kakaibang bangis ng babaeng iyon. Wala nang inaksayang oras si Michael. Gamit ang matatalas niyang pandinig at paningin ay tinungo nito ang kinaroroonan ng babaeng lobo.

Nagulat naman ang babaeng lobo. Mula sa mabagsik na tingin ay napalitan ng ngiti. Dahil kusang lalaki na ang dumating sa kaniya para patayin niya.

Kumindat ang babae at sabay kagat sa labi nito. Hindi pa lang nakakagalaw si Michael ay nakalapit na agad ang babae.

Hinalikan nito si Michael. Gumanti naman ang huli.
Nasa kasagsagan sila ng romansahan nang maidilat bigla ni Michael ang mga mata. Naramdaman niya ang pangil ng babae sa kaniyang leeg, ngunit mabilis niyang naiawat ang sarili sa babae.

Napatingin siya sa mukha ng babae. Litaw ang mahahabang pangil at kinublihan ng mahahabang balahibong itim ang ilang bahagi ng mukha. Muli iyon sumunggab ngunit nakaiwas ulit nang mabilisan ang binata.

Nainis ang babae sa mabilis na galaw ni Michael kung kaya't nagkatawang lobo iyon. Gayunpaman ay hindi nasindak si Michael.

Niluksuhan niya si Michael ngunit nakatalon din iyon pailag. Nahawakan ni Michael sa leeg ang babae at pilit ang pagpapahinto sa babae. Napakalakas ng lobo ngunit napaluhod iyon ni Michael.

Nagbalik sa pagiging tao ang lobo at napalingon sa lalaki. Kakaiba dahil mahaba rin ang pangil ng lalaki samantalang mapulang-mapula ang mga mata nito.

Ibinuhos ng babae ang lakas at nabitawan naman siya ni Michael. Tumakbo ang babae. Mabilis na mabilis iyon at nang tuluyang makalayo at maramdamang wala nang nakasunod ay huminto iyon.

Nakahinga nang maluwag pero nang humarap sa patutunguhan ay nagulat sa lalaking nakatayo roon.

“Alam kong ikaw si Shiela, ako pala si Michael.” Sabay lahad ng kamay nito. Bumangis na naman ang  mukha ng babae.

“Si-sino ka ba? Bakit mo ako kilala?” Hindi na inabot ni Shiela ang kamay ng lalaki. Namulsa na lamang iyon na wari sinisimplehan ang kaharap.

“As I said, I'm Michael. Mahirap bang i-memorize 'yon?”

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon