ZOMBIE FESTIVAL

172 12 0
                                    

ZOMBIE FESTIVAL
Isinulat ni Alex Asc

Isa talaga sa kumuha ng aking atensyon ang isang post sa facebook tungkol sa mga patay na hinuhukay at binibihisan. Tapos ipinaparada o dini-display.

Sa isang bayan raw sa Indonesia iyon nagaganap.

Minsan naisip ko. "Paano kaya kung mayroon ring tribu rito sa Pilipinas na may ganiyang tradisyon?" Marahil masarap e-shoot at e-vlog sa channel ko.

Ganyan ba naman ang bentang-benta sa mga viewers. 'Yung makatotohanan at talagang nakakatakot. Katulad niyan.

"Paano kong live kong makunan ng kamera ang hinuhukay na bangkay ng tao? Malamang babaha ng viewers ang channel ko. Na ang pinapaksa ay tungkol sa makatotohanang kababalaghang pangyayari at lugar.

Ako nga pala si Brunno at hindi kayo maniniwala sa kwentong ito.

Sakto at after kong magnais na magkaroon ng topic tungkol sa mga bangkay ay biruin mong may kaklasi akong umamin sa akin.

Ang sabi niya halos ganoon din daw ang tradition nila sa mga pumanaw na nilang kaanak. Mayroon raw buwan kung saan ginugunita nila ang naturang tradisyon.

Hinuhukay umano nila ang mga bangkay, binibihisan, ipinaparada at kinukunan ng larawan kasama ng mga naulila nito.

Sa sobrang pagnanais na magawaan ko ng paksa iyon ay hindi ako nag-alintana na sumama kay Tommy.

Guys, hindi ko sasabihin sa video na ito ang pangalan ng kanilang lugar dahil pinakaiingatan umano nilang lihim ito. Heto nga't naka-record ang camera ko.

Malapit na kami sa kanilang baryo. Mahabang lakaran din pala ito dahil papasok pa ng kakahuyan pero masikip ang daan na hindi kayang bagtasin ng sasakyang may apat na gulong.

Panatag ako dapat sa mga sandaling ito pero naninindig na ang mga balahibo ko. Dahil natatanaw ko na ang sinasabing lugar ni Tommy.

"Oh, akala ko ba matapang ka? Easy lang dude," kalmang tudyo sa akin ni Tommy. Tumindig naman ako ng tuwid sabay sabing.

"Hindi, a! Naninibago lang ako rito," sagot ko.

Nais ko na lamang mag-live upang makakuha ng atensyon sa manonood ang nakakatakot na kapaligiran. Pero putcha! Nawala ang signal.

Hindi na ako nagpahalata kay Tommy. Kahit ang totoo ay parang susuko na ako.

Narating na nga namin ang tinutukoy niyang lugar. Dinaanan namin ang sementeryo sa may gilid ng kalsada.

Napatakip ako sa ilong ko dahil sa masangsang na amoy. Amoy ng mga bangkay na kanilang hinukay at kasalakuyang nakahiga sa tabi ng mga puntod nito.

Kita ng mga mata ko ang mga naaagnas na katawan at mukha ng mga bangkay. Napalunok ako at bahagya nang nanginginig.

Nakipag-beso-beso si Tommy sa mga kaanak. Tapos ay hinila na ako patungo roon sa kanila.

Sinalubong kami ng ilang kababaihang may kung ano-anong dalang kagamitan panluto. Dahil marahil, naghahanda sila dahil sa gaganaping Pista.

Hinalikan ni Tommy ang ilan sa kanila. At ipinakilalang mga kapated niya't mga pinsan.

Inanyayahan ako ni Tommy na pumasok sa kanilang bahay. Upang makapagpahinga raw muna. Simpre at napagod rin naman ako maglakad papasok sa liblib nilang lugar na ito.

"Kain muna tayo," aya sa akin ni Tommy. At inilapag na niya sa lamesa ang mga pagkain.

Kumakain na kami ngunit patuloy pa ring naglalaro sa isipan ko ang mga bangkay na dinaanan ko.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon