MAXXINE KILLER
Isinulat ni Alex AscMga kaibigan, may kilala ba kayong 'Inverted Hero'. 'Yong taong iniisip nating masama ngunit isa pa lang mabuting tao. Gumagawa nang masama sa ating inaakala ngunit para rin naman pala sa ikakabuti ng iba. Ngayon, nais kong ikuwento sa inyo ang malungkot na kuwento ng aking kaibigan na si Maxxine.
Masayang-masaya ang aking matalik na kaibigan nang ikasal sila ng pinakamamahal niyang si Cristoper. Matagal na silang magkasintahan at ang totoo ay nabuntis siya ng nobyo. Akala ni Maxxine ay isisilang niya ang bata nang hindi siya pinanagutan. May kaya kasi sa buhay ang mga magulang ni Cristoper at tutol ang mga iyon sa pag-iibigan nila. Maging si Cristoper din ay nagpapaniwala sa kasinungalingan ng kaniyang ina.
Hiniwalayan ni Cristoper ang aking kaibigan. Sinisising kunwari ay hindi kaniya ang bata, na kunwari ay nakipaglandian sa ibang lalaki ang aking kaibigan. Masyadong masakit iyon para kay Maxxine pero binalikan siya ng lalaki at sinuyo ulit. Sa huli ay ipinaglaban ni Cristoper ang aking kaibigan.
Nanganak sila at humantong pa sa umabot ng dalawang taong gulang ang bata. Ngunit unti-unti na namang nagbabago si Cristoper, hanggang sa nalaman ng aking kaibigan na may ibang babae si Cristoper. Nagalit si Maxxine pero sinaktan lang siya ni Cristoper, bukod doon ay minamaltrato na niya lagi si Maxxine.
Sumusobra na si Cristoper pero inililihim ni Maxxine ang masamang sinasapit niya sa malupit niyang asawa. Wala siyang ibang pinagsasabihan maliban sa akin. Pinipigilan din niya akong magsumbong. Nais niyang panatilihing lihim ang lahat. Para kasi sa kaniya, ayaw niyang tuluyan silang magkahiwalay, at dahil iyon sa kanilang anak, kaya't tinitiis na lamang niya ang asawa.
Awang-awa ako sa kaniya ngunit wala naman akong magawa dahil ayaw naman niya akong magsumbong sa mga pulis. Hindi rin siya nakikinig ng payo. Hanggang isang gabi. Isang nakakapanlumong pangyayari ang naganap.
Patay si Cristoper, tadtad ng saksak. Ang masakit pa nito'y pati ang kanilang anak ay ganoon din ang sinapit. Nakakaawa ang malagim na sinapit ng pamilya ni Maxxine. Ang mas lalo pang nagpasakit ay nang ikulong nila si Maxxine. Pinagbibintangan siya ng mga magulang ni Cristoper na isa raw baliw at mamamatay-tao si Maxxine.
Wala rin kasi sa tamang katinuan nang mga oras na iyon si Maxxine. Nadatnan siyang nagsasalita mag-isa habang nakatulala, duguan ang mga kamay at katawan habang hawak ang kutsilyo samantalang nakahandusay ang bangkay ng asawa't anak niya sa kaniyang tabi.
Para sa akin, kaya hindi na siya nakakapagsalita ng tama ay dahil sa trumang sinapit niya. Naniniwala akong hindi kayang saktan ng isang ina ang kaniyang anak at naniniwala akong inosenti si Maxxine sa pagkamatay ng kaniyang anak.
Hindi niya naipagtanggol ang sarili laban sa mga taong nagpakulong sa kaniya. Magmula noon ay nawawala na siya sa katinuan lagi.
Makalipas ang ilang buwan ay bumalik sa tamang pag-iisip si Maxxine. Hiniling niyang muling buksan ang kaso. Isiniwalat niyang ang kaniyang asawa ang pumatay sa anak nito. Kaya lang naman niya hawak ang patalim dahil ipinagtanggol lamang daw niya ang sarili. At dala na rin ng tindi nang galit dahil sa pagkamatay ng kaniyang anak ay walang awa niyang napatay ang asawa.
Naibaba ang sentensya kay Maxxine. Ngunit makaraan ang ilang araw ay wari nawawala na naman siya sa kaniyang sarili. Sabi nila'y tuluyan na siyang nasiraan ng bait. Inilipat siya sa Psychiatric hospetal at doon ginamot.
Palagi akong bumibisita sa kaniya at masaya ako dahil muli na naman siyang nakakarekober. Nakakapagsalita na siya lagi ng tama. Mapait man ang sinapit nang kaniyang nakaraan ay pilit pa rin siyang nagpapakatatag.
Hindi rin naging lihim ang pagtingin ng Doctor na umaasikaso sa kaniya. 'Di kalaonan ay naging magkasintahan sila. Isinama ng Doktor ang aking kaibigan sa tahanan nito nang tuluyan siyang makalabas sa mental hospetal.
BINABASA MO ANG
MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10
HorrorVolume 10 ng mga Horror at Fantasy stories ni Alex Asc 1 - Buntis na aswang 2 - Tiyanak 3 - Tabako ng kapre 4 - Kriminal 5 - Zombie festival 6 - Laway ng halimaw 7 - Ang lobo at bampira 8 - Hasik ng aswang 9 - Mga nawawalang pahina 10 - Masaker 11...