TIPA
Isinulat ni Ayenn at Alex AscISANG malutong na halakhak ang pumuno sa magarang silid ni Macoy. Nasa kamay niya ang inaasam-asam. Salapi, babae, sasakyan, mansyon at kapangyarihan.
--SA bawat pagtipa, kasikata'y taglay ngunit kapalit nito'y pagbulusok sa hukay--
Mga katagang naririnig ni Macoy sa gitna ng kaniyang pagtulog. Isang nakakakilabot na mga panaghoy, iyakan, palahaw, at boses na tila naghihirap bago malagutan ng hininga.
Binabangungot siya!
Unti-unting gumagapang ang kilabot sa katauhan ng binata. Nakakasindak na mga pigura na animo'y pinagkaitan nang pagkakataong mabuhay. Namamatay sila sa 'di malamang dahilan. Pagkamatay sa pinakamalagim na paraan!
"Macoy..."
"Macoy..."
Tawag ng mga boses mula sa kung saan.
"Bumangon ka at 'yong pagmasdan ang bunga ng 'yong kasakiman. Nakakasuklam ang 'yong pagkaganid sa makamundong pagnanasa." Sabay-sabay na sambit ng mga anino sa limbo nang kawalan.
Biglang umalingasaw ang nakakasulasok na amoy na galing sa kung saan. Nanunuot ito sa ilong ni Macoy.
Kaya bigla siyang napabangon at habol-habol ang hininga.
"Shit... what the f**k! That stinky smell!" napamura ito sa inis.
Binuhay niya ang lampshade dahil gusto niyang magpunta ng banyo.
Sa medyo naiidlip pang diwa, bigla siyang napahumindig!
Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata sa nabungaran. Mga bangkay na nakalutang sa ere!
"Macoy... do you remember me? It's me Jun, your bestfriend..."
Isang lalaking nakausli ang mga buto sa mga tuhod. Bali ang mga braso at may lumalabas na dugo sa bunganga niya.
"How about me, Macoy... still remember me? Christian, your coach sa basketball..." Isang may edad ng lalaki. May tama ng baril sa sintido nito dahilan upang halos lumuwa ang mga mata niya at lumabas ang mga utak.
"Hi, there Macoy... it's me, Nitz, your girlfriend." Malungkot na nakatitig sa binata ang dating magandang mukha ng katipan. Tanging saksi sa onsehan sa isang negosyong illegal kaya pinaslang nang walang awa. Nilasog-lasog nang bugbog at saksak ang buo niyang katawan pagkatapos itapon sa bangin.
"Macoy.... Carol, here your childhood friend until now." Isang babaeng buntis na halos lumuwa ang mga mata sa sindak. Tinamaan ito ng rumaragasang motor na minamaneho ni Jun. Tatawid na sana ito sa kabilang kalye upang bumili ng ulam ngunit nawalan ng preno si Jun sa minamanehong motor kaya dumiretso ito sa kinaroroonan ni Carol.
Kapwa sila tumilapon sa isang mataas na tulay dahilan upang sila'y masawi.
Habang si Nitz ay may lihim na pagtingin sa coach nina Macoy na si Christian. Nagkaroon sila nang bawal na relasyon na kalauna'y nalaman din ni Macoy. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Christian ay may mga illegal na business. Isang araw ginawa niyang taga-deliver ng mga epektos si Nitz lingid sa kaalaman ng dalaga. Ngunit nabulilyaso ito at nagkaroon ng onsehan at traydoran.
Pumanig pala si Christian sa kalabang grupo ngunit nasawi pa rin siya. Putukan. Maraming nasawi! Kabilang na si Nitz-isang inosente! Ngunit pinahirapan muna siya nang husto bago kinitilan ng buhay. Ginahasa ang dalaga kahit ito ay naghihingalo na.
"Macoy... Macoy... halika at samahan mo kami sa isang nakakasindak na sitwasyon," tawag ng mga nakalutang na bangkay sa ere. Ang mga boses ay sobrang nakakatakot, nakakasindak, nakakarimarim at amoy na nakakasulasok!
BINABASA MO ANG
MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10
HorrorVolume 10 ng mga Horror at Fantasy stories ni Alex Asc 1 - Buntis na aswang 2 - Tiyanak 3 - Tabako ng kapre 4 - Kriminal 5 - Zombie festival 6 - Laway ng halimaw 7 - Ang lobo at bampira 8 - Hasik ng aswang 9 - Mga nawawalang pahina 10 - Masaker 11...