MASAKER

139 9 0
                                    

MASAKER
Isinulat ni Alex Asc.
793 words

"ISA DALAWA TATLO. Magtago na tayo!" Ito ang sambit ng matangkad na lalaking may madungis na kasuotan habang may hawak na matalas na itak sa kabilang kamay nito.
Bahagya niyang inilayo ang mukha sa pader at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ramdam niya sa sariling nakapagtago na sila.

"Isa dalawa tatlo, nakatago na ba kayo?!" paulit nitong tanong na may nakakalokong tinig.

Inilibot niya ang paningin sa kapaligiran. Nasa loob siya ng malaking bahay. Bahay ng mayaman.

Naglakad siya nang dahan-dahan. "Nandito na ako, kung sinong unang madadakip ko, dudukutan ko ng mata!" Habang nanginginig na ang tatlong batang magkakapatid na kasalukuyang nagtatago sa ilang sulok ng kanilang bahay.

Dinaanan ng mamamatay-tao ang mag-asawang nakatali sa dulo ng hagdan at nakabusal ang mga bibig nito. Takot na takot, nanlalaki ang mga mata, naliligo sa sariling pawis at halos nagluluksa na sa awa para sa kanilang anak.

Batid nilang kamatayan ang naghihintay sa bawat matatagpuan ng lalaking ito.

Pawis na pawis habang nanginginig ang bunsong anak ng mag-asawa. Nakasuot iyon sa ilalim ng lamesa. Lalo't natatanaw na niya ang sapatos ng lalaking paparating.

"Yahoo! Malapit na ako!" Nais nang tumakbo ng bata ngunit nagpipigil dahil sa takot.

Nang bigla ay sipain ng lalaki ang lamesa. Natumba iyon at bumungad sa lalaki ang lumuluhang bata.

Hinawakan niya sa leeg ang bata. Iniangat mula sa isang kamay, habang ginagamit ang daliri tungo sa mata ng bata. Dinukot niya ang isang mata habang nagpupumiglas ang bata. Ibinaba niya ang bata nang matanggalan niya ng dalawang mata.

"Yahoo! Nandiyan na ako! Kapag nahuli kita, pupugutan kita ng ulo!" nakakakilabot na tinig ng lalaki habang patungo sa toilet.
Itinulak niya ngunit nakasara ang pinto. Habang nagdarasal ang panganay na anak. Humihingi ng tulong sa langit.

Nang malakas na sunod-sunod na paghataw gamit ang fire extinguisher ang nagpasira ng pintuan.

Napasigaw ang dalagita ngunit hinawakan ng lalaki sa buhok at nilaslas ang leeg gamit ang itak, saka humiwalay ang ulo.

"Humanda na ang nasa huli! Dahil kapag nakita kita, hahatiin ko ang katawan mo!" Dinig ng batang lalaki ang banta ng mamamatay-tao subalit nakahanda rin siya upang lumaban sa lalaking iyon.

Naabutan ng lalaki ang malaking kabinet at sakto ang hinala niyang naroroon ang huli.

Hinawakan niya sa leeg upang alisin doon. Nagawa ng lalaki ngunit sinunggaban ng bata ang lalaki gamit ang hawak na patalim.

Nasugatan ang lalaki at napahiyaw. Nabitawan ang bata kaya't nakatakbo ito.

Patungo ang bata sa kinaroroonan ng magulang upang sagipin sila. Nang habulin siya ng lalaki, naabutan sa harap ng mag-asawa ang bata. Agad inundayan ng lalaki ng sipa. Halos mamatay ang bata bago itigil ng lalaki ang ginagawa.

Habang napapasigaw at nakabusal pa ang bibig ng mag-asawa sa pahirap na dinadanas ng kanilang anak. Batid na rin nilang patay na ang dalawa pa.

Iginapos ng lalaki ang bata at isinabit sa dingding, saka umupo nang maayos sa harapan ng mag-asawa.

Gumagalaw ang nakataling mag-asawa. Disididong makawala upang maiganti ang sinapit ng kanilang mga anak.

Lumapit ang lalaki at tinanggalan ng takip sa bibig ang dalawa.

"Putangina mo! Anong ginawa mo sa mga anak ko!" tumatangis na wika ng ama.

"Magbabayad ka, mamamatay-tao!" palahaw naman ng ina.

Tumawa nang malakas ang lalaki, 'tapos ay umiyak nang malakas na parang bata.

Nagtaka ang mag-asawa at napatitig sa lalaking iyon.

"Kasalanan mo! Dahil sa iyo, nangyari sa akin ito!" panunumbat ng lalaki sa padre de pamilya. Nagtaka naman iyon.

"Nakakalimutan mo na ba? Nakipagrelasyon ka sa aking ina! 'Tapos noong mabuntis mo, pinapatay mo upang hindi malaman ng totoo mong pamilya na may anak ka sa labas!" Huminto ang lalaki habang taimtim na nakikinig ang dalawa.

"Sa kabutihang-palad, nabuhay kami. Pinalaki niya ako at namuhay sa gubat upang hindi mo matunton. Pero nagkasakit siya at namatay! Dahil iyon sa sama ng loob na kinikimkim niya!"

"Wa-wala akong alam diyan! Sinungaling ka!" 'Tapos ay lumingon ang lalaki sa asawang katabi.

"Honey! 'Wag kang maniwala sa baliw na iyan!"

"Walang-hiya ka! Sabi ko na nga ba, may babae ka noon pa man! Niloko mo ako! Dahil diyan, namatay ang mga anak natin!" Humagulgol ang babae pero natigil sila nang bigla ay hatiin ng mamatay-tao ang katawan ng nakasabit na bata. Nalaglag pa ang lamang-loob niyon.

Napasigaw ang mag-asawa sa labis na pighati. Tumawa naman ng malakas ang lalaking salarin, saka lumapit sa mag-asawa at inundayan ng saksak ang dalawa.

Tatakasan ni Nekolas ang panibagong biktimang minasaker niya. Marami-rami na ring pamilya ang napatay niya dahil sa galit sa sinapit ng buhay nila ng kaniyang ina. Sanhi upang mawala sa katinuan at maging mamamatay-tao.

Halos lahat ng minasaker niya ay sinisisi ang bawat tatay roon sa sinapit ng kaniyang buhay. Ibig sabihin, sinusumbatan niya at pinaparatangan iyon ang kaniyang ama.

Wakas.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon