BUNTIS NA ASWANG

518 17 0
                                    

BUNTIS NA ASWANG
Isinulat ni Alex Asc

Napagkatuwaan ng magkakaibigang Trixie, Leymar, Jade, Wilmer at Miles na magbakasyon sa probinsya nila Wilmer.

Nais raw nilang makita ang napakagandang talon na matatagpuan sa loob ng gubat na may kalapitan naman sa baryo nila Wilmer.

Nahumaling ang magkakaibigan nang masilayan nila ang mga larawan ni Wilmer habang naliligo sa Talon na iyon.

Dahil March na at after mismo nitong graduation nila sa High School ay natuloy na nga ang pagsama nila sa probinsyang ito. Oneweek lang ang paalam ng bawat kabataan sa kani-kanilang mga magulang at pinayagan naman sila.

"Basta, behave lang tayo, a, para hindi magising ang mga lamang lupa!" may panggugulat pa ang huling kataga ni Wilmer sa mga kaibigan.

"Ano ba 'yan, hindi mo man lang sinabi noon na may something creepy pala rito, hm!" sabay ikot ng mga mata ni Miles.

"Nagbibiro lang 'to si Wilmer. Hindi na kayo nasanay," tugon naman ni Leymar.

Tatlong babae at dalawang lalaki. Nilalakad na nila ng umagang ito ang daan patungo sa talon. Hindi nga inabot nang ilang sandali ay narating na nila ang lugar.

Labis na nasiyahan ang magkakaibigan sa kaharap na napakagandang talon.

"Kung maihahambing lang ito sa dalaga... ay matatawag itong tunay na Marikit," pagbibiro ni Leymar.

Ang nakakapagpasaya pa sa ilan ay dahil saktong walang tao sa pook na ito. Solong-solo nila ang lugar. Maaari silang maligo, kumanta, mag-dance challenge at sumigaw. Dahil sila lamang ang naroroon ng mga sandaling ito.

"Apat na taon na akong hindi nakakapunta rito, at habang tumatagal ay mas lalong gumaganda ang talon!" manghang wika ni Wilmer.

"Naku, an'tagal naman pala. Baka mamaya may kakaiba na rito!" takot na turan ni Trixie.

"Hay naku Sis, all we have to do is just to swim. Wala naman tayong pakikialaman sa mga puno," sabat naman ni Jade.

Naghubad na sila at lumusong na sa tubig.

KANINA pa hindi napapakali si Elsa. Dahil dinig na dinig ng malakas niyang pandinig ang mga bagets na kasalukuyang nagsasaya sa medyo may kalapitang talon sa itinayo nilang bahay rito sa gubat.

Buntis siya at dahil iniingatan niya ang batang nasa sinapupunan niya ay pinipigilan niya ang sariling hindi mapadpad sa kabihasnan.

Nananabik siya sa laman at dugo ng tao, ngunit ayaw niyang mapahamak ang ipinagbubuntis niya. Lalo't iyon ang binitawan niyang sumpa sa asawang si Ronald.

Kung minsan, dahil sa labis na pag-aasam ay nagagawa niyang maglaway sa sarili niyang sinapupunan, subalit nagagawa rin niyang kontrolin ang sarili.

Minsan na rin niyang tinangkang kagatin si Ronald subalit natauhan siya at humingi ng tawad sa minamahal na lalaki.

Dumating si Ronald nang hapon na ito. Buhat-buhat niya ang nahuling buhay na aso. Tamang-tamang ipapalapa niya sa nagugutom niyang asawa mamayang gabi. Napakatumal na kasi dahil wala siyang nahuhuling hayop sa gubat, kaya't napilitan siyang manghuli ng aso sa katabing baryo.

Batid ni Ronald na nais pa rin ng asawa ang laman ng tao. Sinisikap niyang tuluyang iwanan ng asawa ang pagkatam sa tao. Nais niyang makuntinto iyon sa buhay na mga hayop.

Mahal niya. Pinili niya, kahit aswang. Kaya dapat lamang siyang magtiis at pakisamahan ang pangangailangan nito. Pero ayaw niyang makiayon sa pangangailangan nito ng tao.

Pagsapit ng dilim ay parang gutom na gutom ang hayok sa lamang babae sa paglapa ng asong inilapag ni Ronald.

Matapos ubusin ni Elsa ang laman nito ay naupo ito't nakatulala. Habang dahan-dahan nitong dinidilaan ang dugong nagkalat sa kanyang kamay.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon