LAWAY NG HALIMAW
Isinulat ni Alex Asc.Isang maaliwalas na umaga nang mga sandaling iyon. Nagkakasiyahan ang mga batang naglalaro, nang bigla ay may paparating na matanda mula sa 'di kalayuan.
Nagimbal at nahinto ang mga tao sa kakaibang anyo nang babaeng matanda. Singkit ang mata, makapal ang kilay, malaki ang ilong na parang hawig sa baboy. At ang nakakatakot sa anyo nito ay ang mahahabang pangil, matatalas na kuko, samantalang duguan ang mahaba nitong damit na wari may nabiktima.
Umuwang ang bibig nito at labis na nagulat ang mga tao dahil sa laki ng bunganga. Tumalon-talon ang kakaibang nilalang na parang sa palaka. Patungo siya sa mga batang naglalaro. Nagsitakbuahn naman ang mga iyon ngunit mabilis ang lundag at mabilis na narating ang isa. Kinagat niya iyon sa mukha ngunit mabilis na dumating ang mga tao upang tulungan ang bata.
Nagalit ang kakaibang babae at isa-isang binayo ang nakapaligid ngunit may hawak na gulok ang ilang kalalakihan sanhi upang maputol ang isa sa kamay ng babaeng iyon. Sunod-sunod ang pagtaga ng mga lalaking iyon sa babaeng halimaw.
Pinagkaisahan ng mga tao ang babaeng halimaw at napatay naman nila iyon.
"Mabuti naman at ligtas si Milo," pag-aalala nang isang Ginang. Habang naiiyak ang ina at yakap-yakap ang anak.
Wala namang pinsala sa bata. Naidikit lamang ng halimaw ang ngipin sa pisngi nito nang maagapan nang tulong si Milo.
Nagtaka ang buong baranggay kung sino at saan nanggaling ang babae. Wala namang naibalitang ganoong uri ng tao sa lugar nila mula noon pa man. Hindi matukoy kung isa nga bang aswang iyon o kung anong klasing nilalang. Pero ang paninigurado nila ay isang uri ng halimaw iyon.
Inilibing na nila ang bangkay ng babaeng halimaw.
"Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Aling Tessah. Napansin kasi niyang nangangati at panay ang kalmot ni Milo nang bibig nito.
"Ayos lang po ako, inay," agarang sagot ni Milo.
Limang araw na ng lumipas ang nangyari at marami pa ring katanungan sa mga tao kung sino nga ba ang babaeng iyon, kung anong klasing nilalang ba iyon. Matatawag bang aswang, engkanto, maligno o alien iyon. Wala pa ring nagiging sagot sa tanong nang mga tao.
Napapansin nang mag-asawang si Joel at Tessah ang pamamaga ng bibig ng kanilang anak na si Milo, subalit dahil maliit pa lamang ay binalewala na lamang nila iyon.
Kinabukasan. Isang nakakagimbal na pangyayari ang bumulaga sa mga tao. Natagpuang may isang batang patay. May kagat sa ilang parte nang katawan, tulad ng leeg, mukha, mga kamay at pati paa. Wari nilapa ang ilang bahagi ng katawan nang bata.
Labis na nanlumo ang mga tao sa sinapit nang batang iyon. Hinukay nila ang nakalibing na babaeng halimaw, upang makasigurado kung iyon ba ang may pakana, ngunit nahukay nga nila't naroroon pa rin iyon.
"Hindi kaya may ibang halimaw na kauri niyan at gumaganti?" hula ng isang lalaki. Nangilabot ang magkakapit-bahay para sa kanilang kaligtasan.
Napapansin ni Aling Tessah ang pagiging mainitin ng ulo ng anak na si Milo. Madalas iyon galit.
Isang umaga. Napansin ng ina na may nawawala sa damit ni Milo. Ang suot ni Milo noong ilang araw.
Hinanap iyon ni Aling Tessah sa bakuran, dahil baka naroroon lang. Natagpuan nga niya iyon ngunit nakabaon sa lupa, bagay na labis na ipinagtaka ng Ale.
Hinukay niya iyon at labis siyang nagulat. Puno ng dugo ang damit na iyon.
"Pa-paano nagkaroon ng dugo rito?" aniya sa sarili.
BINABASA MO ANG
MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10
HorrorVolume 10 ng mga Horror at Fantasy stories ni Alex Asc 1 - Buntis na aswang 2 - Tiyanak 3 - Tabako ng kapre 4 - Kriminal 5 - Zombie festival 6 - Laway ng halimaw 7 - Ang lobo at bampira 8 - Hasik ng aswang 9 - Mga nawawalang pahina 10 - Masaker 11...