HASIK NG ASWANG

163 8 0
                                    

HASIK NG ASWANG
Isinulat ni Alex Asc.

Sabik ang magpipinsang Arnold, Reco, Joven at Ted. Papunta sila sa kanilang Lolo at Lola na matagal na nilang hindi nabibisita. Bukod doon ay nais din nilang pasyalan ulit ang lugar na iyon. Mga bata pa sila noong huli nilang mabisita ang probinsya ng kanilang Lolo at Lola.

Halos magkakapated na rin ang turingan ng apat at pare-parehong mahilig mag-adventure. Matagal na araw nang hindi umuuwi sa probinsya ang mga magulang nila at labis na rin ang katandaan ng dalawang matanda.

"Mga hijo, alam ba ito ng inyong mga magulang?" nag-aalalang tanong ng kanilang lola.

"Eh, hindi po, 'La," sagot ni Joven.

"Ano ka ba naman, Carolina. Hayaan mo at sila'y malalaki na." Sumunod ang pag-ubo ng matandang si Clavio.

"Eh, baka naman mapagalitan sila ng ating mga anak," nag-aalalang turan ng matandang babae.

Lumapit si Reco at inakbayan ang babaeng matanda.

"'La, miss na miss na namin kayo, kaya hindi namin napigilang pumarito." Maluha-luha namang hinalikan ng lola ang kaniyang apo. Lumapit ang iba pang tatlo at nag-group-hug ang mga iyon.

Gabi na nang mga oras na ito. Nang mapagkatuwaan ng apat na tumambay sa labas ng bahay ng kanilang lola. Tulog na rin nang mga sandaling ito ang dalawang matanda.

"Alam n'yo ba ang reason kung bakit hindi tayo pinapayagang pumunta rito?" umpisa ni Arnold.

"Alam ko 'yan, Ar- dahil sa aswang?" hula naman ng tumatawang si Ted.

"Tama ka," tipid na sagot ni Arnold. Nagkalingonan ang tatlo.

"Seryoso?" anang tatlo.

"May aswang talaga rito?" seryosong tanong ni Joven.

"Tama, napag-alaman ko rin kina Mommy. Pero hindi rin ako kumbinsido. Marahil mas challenging kung makikita natin ang aswang," seryosong wika ni Reco.

"Exciting nga iyan," bulalas naman ni Ted.

"Kunan natin ng video, magba-viral iyan," sambit ni Arnold.

Kinabukasan, napagkatuwaan ng magpipinsan na maglakad-lakad muna sa pook na iyon. Dahil baguhan sa lugar at puro laking Maynila at tahimik ang ilang tagaroon na nakatingin sa kanila.

Maingay si Joven at Ted at malakas ang boses habang nagsasalita kung kaya't hindi nila napapansing nakakadisturbo sila sa katahimikan ng lugar. Isali pa roon ang pagbibidyo nila at pagkukuha ng litrato sa kapaligiran.

Natamaan ng kamera ni Arnold ang isang matandang babaeng naglalakad nang may kahinaan. Hindi alam ni Arnold kung ano ang nag-uudyok sa kaniya upang pag-isipan ng masama iyon.

Sinundan ni Arnold nang tingin ang patutunguhan ng matanda. Lumiko iyon sa bukana ng kakahuyan at pumasok doon.

Naglakad si Arnold patungo roon.

"Hoy! Saan ang punta mo?" habol ni Ted. Ngunit hindi umimik si Arnold, bagkus patuloy iyon sa paglalakad.

Napagpasiyahan tuloy ng tatlo na sundan na lamang iyon.

Habang papasok na sila sa bukana ng kakahuyan ay may nasalubong silang isang lalaking nanggaling doon.

"Saan ang punta n'yo, mga hijo?" tanong ng lalaki.

Nahinto na rin ang apat dahil naglaho na ang matandang babaeng sinusundan ni Arnold.

"A-ang babae po?" turo pa ni Arnold sa tinunguhan ng matanda.

"Si Manang Esmeralda ba?"

Tumango ng walang kasiguraduhan ang apat.

"Naku, kung may binabalak kayo sa kaniya, huwag n'yo nang ituloy! Huwag na huwag kayong manggugulo sa kaniya," sambit nang tila natatakot na lalaki.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon