KATIPUNERO
Isinulat ni Alex Asc
500 na sa salitaFICTION STORY
Horror/Historical(Ito po ay aking entry sa isang paligsahan ng pagsusulat sa isang group noong Nobembre 30, 2020. Ang tema ay gawaan ng kuwentong horror si Andres Bonifacio.)
Nakaugalian ni Mang Andri na kuwentuhan ang kaniyang mga apo ng iba't ibang kuwento tuwing gabi.
Dahil Nobembre 30 at kaarawan ng dakilang bayaning si Andres Bonifacio ay ikukuwento niya sa kanila ang lihim at hindi pa nailalathalang kuwento ng tinaguriang ama ng himagsikan.
Bawat isa sa atin ay alam na ang kuwento ng magiting nating bayani na si Andres. At alam na alam din ng mga apo ni Mang Andri, sapagkat makailang ulit na niyang naikuwento ang talambuhay ni Andres sa kanila.
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng KKK (Kataas-taasan, kagalang-galang ng mga anak ng katipunan). Dahil sa kaniyang paninindig ay nabuksan ang isipan ng mga katipunero na labanan ang mananakop na banyaga. Sinira nila ang kanilang Cedula at nagsimulang makipagdigma sa mga kastila. Naulit nang naulit ang himagsikan.
Isinakripisyo ni Andres ang kaniyang buhay dahil sa pagmamahal sa bayan ngunit ganoon na lamang ang kaniyang kalungkutan nang iba ang iluklok sa pagkapangulo. Si Emilio Aguinaldo.
Nagulat ang mga bata nang simulang bigkasin ni Mang Andri ang nakakakilabot na lihim ng ilan sa grupo ni Andres Bonifacio. May dugong aswang umano ang ilan sa kanila. Nagpasalin umano sila ng dugong aswang upang maging malakas at hindi basta tinatablan ng panglo. At iyon ay napatunayan sa ilang kasamahan ni Andres.
Hindi nga sila natatablan ng bala bagay na ikinatakot ng mga kastila. Dahil doon, mas lalo silang naging matapang. Ang pagiging aswang umano nila ay nanggaling rin sa karunungan ng sinaunang español na lihim namang natutunan ng kanilang ninuno.
Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Presidente at Pinuno ng Katipunero. Ang nais ni Emilio ay ihinto ang paggamit ng lagim ni Andres. Minsan napapaisip na rin si Andres dahil unti-unting nagbabago ang kaniyang mga kasama. Palihim silang pumapatay at kumakain ng hilaw na katawan ng mga kastila. Bukod doon ay bahagya rin silang nagiging halimaw. Minsan, pati mga kababayan nila'y muntik ng mabiktima ng kaniyang mga kasama.
Dahil doon, ipinatigil niya ang itim na karunungan. Ginamitan ng orasyon upang mahinto. Kahit ang katotoohanan ay tutol ang kaniyang mga kasama. Lalo't nadinig nilang may masamang balak ang ilan sa kanila na may matataas na antas sa lipunan.
Iyon nga ang nangyari. Itinigil nila iyon at makaraan ang ilang araw ay paisa-isa silang pinagpapatay ng mga banyaga, sa pamamagitan ng pakikipagkunsaba ng ilang trayador nating kababayan.
Pati si Andres at kapatid nito'y ipinapatay mismo ng ating kinikilalang pangulo.
Nagulat ang mga bata sa sinabi ni Mang Andri. Si Andres ay nabubuhay pa raw magpahanggang ngayon, dahil taglay pa rin daw niya ang pagiging aswang. Pagkalipas ng maraming taon na pagtatago ay bumalik at pinatay ang pangulo.
Nangilabot ang mga bata sa kuwento ni Mang Andri. Nagsasabi lang siya ng totoo dahil maging siya ay kabilang sa mga aswang noon. Katunayan napatay din siya ngunit dahil isa siyang aswang ay muli siyang bumangon at magpahanggang ngayon ay nabubuhay sa pamamagitan ng itim na karunungan.
Siya lang naman ang nag-iisang nagtatag ng KKK noong kaniyang kapanahunan.
WAKAS.

BINABASA MO ANG
MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10
HorrorVolume 10 ng mga Horror at Fantasy stories ni Alex Asc 1 - Buntis na aswang 2 - Tiyanak 3 - Tabako ng kapre 4 - Kriminal 5 - Zombie festival 6 - Laway ng halimaw 7 - Ang lobo at bampira 8 - Hasik ng aswang 9 - Mga nawawalang pahina 10 - Masaker 11...